Sid Lucero on working again with Heart Evangelista in Magkano Ang Pag-Ibig?: “Walang ilangan.”

Sid Lucero on working again with Heart Evangelista: “It’s fantastic! It’s always good to be working with a friend. Especially a friend that you meet in this industry. The best part of it is… wala na yung kaba. Wala na yung ’How far can I go?’ Or ’Hanggang dito lang ba ako?’ Wala na ’yon, e. It’s more of okay na okay kayo. And you don’t really have to talk anymore. You just go on to the s


Mula nang ipanganak ang baby nila ng girlfriend na si Bea Lao, marami ang nakapuna sa matinding happiness ni Sid Lucero sa ngayon.

Sinsabing iba talaga ang kanyang glow, at aminado naman siyang nabago ang kanyang pinaka-outlook sa buhay.

Kapag nga natatanong o nagkukuwento ang aktor tungkol sa kanyang anak, ramdam ng kanyang kausap ang kakaibang kaligayahan niya.

“Masarap, e. Oo, masarap talaga,” sabi ni Sid nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network building, noong Martes, Setyembre 17.

“As in, lagi mong maririnig ‘yan sa mga bagong parents. It’s nice. Parang, totoo ba ‘to?

“Na kapag hawak ko siya, ’Kamukhang-kamukha ko ito noong bata ako, ah!’ Na parang ’Wow, akin ‘to, ah!” sabay tawa pa ni Sid.

Balik-trabaho ulit sa ngayon si Sid. Magkapareha na naman sila ni Heart Evangelista sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-ibig?

Directed by Maryo J. delos Reyes, magsisimula na itong umere sa September 30.

“My character here, he is basically, siya ang love interest talaga ng main character portrayed by Heart. You will see in the beginning of the show what kind of relationship they’re supposed to have.

“He is a simple guy from a big family. He comes from the outside part. He is the type na kung papipiliin mo, mas gugustuhin niya sa probinsiya kesa sa Manila.

“Tapos may mga circumstances na mangyayari that will make it harder for everybody to fall in love,” kuwento niya.

Masaya raw siya sa pagkakataon na muli silang magkakasama sa trabaho ni Heart.

“It’s fantastic! It’s always good to be working with a friend.

“Especially a friend that you meet in this industry. The best part of it is wala na yung kaba.

“Wala na yung ’How far can I go?’ Or ’Hanggang dito lang ba ako?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala na ’yon, e. It’s more of… okay na okay kayo.

“And you don’t really have to talk anymore. You just go on to the set. You read [the script]. It’s so much easier,” dagdag pa ni Sid.

WORKING WITH HEART AGAIN. Noong magkasama sila sa GMA-7 teleseryeng Legacy, na-link sila sa isa’t isa.

At kahit nilinaw na ni Heart na nag-date nga sila ni Sid noong panahong iyon pero magkaibigan lang ang turingan nila, matatanong pa rin ang tungkol doon ngayo’t magkasama sila sa Magkano Ba Ang Pag-ibig?

Single pa ang aktres nang mga panahong ‘yon. Ngayon, girlfriend na ito ni Senator Chiz Escudero.

Pero wala raw silang ilangan ni Sid dahil dito.

“No. Not at all," saad ni Sid.

“Because we are aware of each other’s respect for each other’s personal life. Kaya there is no, walang ilangan. There is no room for that.

“Working with her, it’s so easy. Yes! And, magaan siya talaga. Kahit yung pakikipagtrabaho sa iba naming kasamang artista,” pagpuri niya kay Heart.

Powerhouse ang cast ng Magkano Ang Pag-ibig? Kabilang dito sina Celia Rodriguez, Pen Medina, Sharmaine Centenera, Luz Valdez...

Katrina Halili, Alessandra de Ross, Ana Capri, Vangie Labalan, Mariel Pamintuan, Angelo Ilagan, at Nicky Castro.

“Naka-eksena ko nga si Tito Pen—grabe! And may mga scenes din akong gagawin with the other cast members na magagaling talaga.

“I took a long break,” pagtukoy niya sa ilang buwang nagpahinga siya sa trabaho.

“So, feeling ko first timer ako ulit!” sabay tawa niya. “Pero sana makahabol.”

Ang pagkakakilala sa industriya ay magaling na aktor si Sid. At totoo ito. Napatunayan na niya ito nang maraming beses sa mga proyektong nagawa niya.

“I have tremendous respect for everybody. Yung mga co-actors ko," sabi ni Sid, na anak ni Mark Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s almost nakakasindak. Siguro tinatakot ko lang ang sarili ko, ewan ko.

“Iba, e. Like, yung ginawa kong scene with Tito Pen, who plays the role as Heart’s father.

“Hindi naman siya mabigat. Dapat nga magaan lang, e.

“Pero hirap na hirap na hirap ako! Na, my God!

“You have to be there! You can’t be flying. Ha-ha-ha!”

SHOWBIZ NINONGS AND NINANGS. A month and ten days old na ang baby niya. Sinong mga stars ang plano niyang kuning kumare at kumpare?

“I got Alex [Alessandra de Rossi].”

Si Heart?

“No.”

Bakit?

“I don’t know!” tawa na naman niya.

Sino pa yung ibang ninong at ninang?

Pagpapatuloy ni Sid, “Uhm… a lot of the closest friends that I grew up with. Yung lahat ng mga best friends ko, like nung grade school.

“Tapos best friend ko sa high school. Best friend ko sa college. Best friends ko ngayon.

“Lahat sila pupunta.

“And I chose Alex because she’s also ninang of my nephew. Yung anak ni Max [Eigenmann].

“So, technically, kumare ko talaga siya. And she’s, parang Eigenmann na rin kasi siya, e.

“Feeling ko, ang tagal ko na siyang kilala, e. She’s one of the longest ones I’ve known in the industry.

“So that’s why I got her.

“Also, I got Direk Andoy [Ranay]. I got Direk Adolf Alix.

“I remember talking to Drew [Arellano].

“And si Coco [Martin], nang nabalitaan niya na lumabas na yung baby, kahit wala pa akong sinasabi… ’Oy, ninong ako ha!’”

WEDDING BELLS NEXT? Pagkatapos ng binyag, ang kasal kaya nila ng partner na si Bea ang susunod?

“Of course, it’s gonna come.

“Ah, wait. Ayokong ma-preempt, e!” tawa ulit niya.

“Baka mabasa niya tapos, ’Haaaa?’ Di ba?

“But let me just say that I’m in a stage where naunahan kami ng life e,” pagtukoy niya sa kanilang baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, if you want to do it proper, you want to marry the person first. And then enjoy the marriage. And then have a kid.

“But now that we have a baby first, siyempre our attention is for the baby. Tapos hindi muna namin iniisip yung sa amin.

“Pero, of course, alam naman naming papunta rin kami doon. Uhm, no pressure,” panghuling nasabi ni Sid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN