Lovi Poe on fall out with Jake Cuenca: “Things happen for a reason. Siguro, we grew separate ways and we both want separate things.”

Lovi Poe on aborted relationship with Jake Cuenca: “We don’t get together that much na ni Jake. But then, it was close to that before. And malapit naman siya sa akin, I have to admit, and that’s something naman na hindi ko ipagkakaila. I don’t know, hindi na kami nagkakausap or anything.”


Excited na si Lovi Poe sa gaganaping 33rd Hawaii International Film Festival sa October, kunsaan nakasama ang kanyang pelikulang Sana Dati, na nagkamit ng maraming parangal sa katatapos na Cinemalaya Film Festival.

Ang Sana Dati ay magkakaroon ng regular run sa mga lokal na sinehan simula ngayong Miyerkules, September 25.

Isa sa nagiging dahilan ng excitement ni Lovi ay dahil unang beses pa lang siyang makakapunta ng Hawaii.

Kuwento niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 19, sa 17th floor ng GMA building, presscon ng Sana Dati: “Ang plano ko, mag-diet ngayon. Mag-pictorial. Mag-bikini.

“At least, si Jerold [Tarog, director of the movie], may mga shots siya. O, di ba, lalakad kami ro’n. May short film kami ro’n. Biro lang!” natatawang sabi niya.

LOVE STORY WITH A TWIST. Kung sa Cinemalaya ay humakot ng awards at nag-ingay sa indie movie fans ang Sana Dati, sa commercial run kaya nito’y tangkilikin din ang kanilang pelikula?

Sabi ni Lovi, “Well, sana, we’re hoping.

“We’re hoping na, sana, ma-accept ng mga tao ang ganitong klaseng movie. Kasi, ang mga tao naman, mahilig sa love story.

“But then, that doesn’t mean you have to stick to the same kind of love story every time, same formula.

“But this one, it’s very different.

“Para siyang sa ibang bansa talaga. Si Jerold kasi, he won’t stick to the usual thing, he hates that.

"Kaya kami, kapag nag-a-acting kami, sasabihin niya, dapat yung natural lang. Never go overboard.”

Pero, sa mga indie films na ginagawa ni Lovi, malaki raw ang pasasalamat niya dahil iba-ibang karakter ang nagagawa niya.

Sa pelikula, tatlong lalaki ang naugnay sa kanya: sina TJ Trinidad, Paulo Avelino, at Benjamin Alves.

Tinanong si Lovi kung sa totoong buhay, puwede ring mangyari sa kanya na may karelasyon pa siya, pero mai-in-love siya sa iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Lovi, “Well, in real life naman, a lot of people are going through that. Let’s be honest and let’s not be ano. But then, it’s a sad truth.”

Masasabi ba niyang sa relasyon, tama lang yun?

“With that part, mahirap yun, ah. Mahirap siyang sagutin, and I really don’t know.”

Ayon pa rin kay Lovi, ang karakter niyang si Andrea sa Sana Dati ay may pagka-selfish.

Pagdating sa pag-ibig, naging selfish na rin ba siya?

“I think all of us naman, e. We’re all capable of being selfish. We don’t know it, pero may iba-ibang level of being selfish.

“The fact na nga lang na, like si Andrea, she can’t move on from her past. The fact na meron siyang present, pero hindi siya maka-move on from her past.”

Siya ba, may nararamdaman pa siyang “emotional baggage” sa puso niya?

“Baggage? Thankfully, wala. Nothing that resembles emotional baggage, wala naman.”

Open ba siya sa posibilidad na kung sino ang nasa past niya, siya pa rin pala ang magiging future niya?

“If given the chance naman na yung past mo, siya pa rin ang future mo, why not?”

At saka ito natawa sa naging pahayag at nasabing, “Taray! Gusto ko ‘yan!”

May pangyayari na rin ba na may binalikan siya?

“Wala pa, wala pa kong binalikan,” saad niya.

“Well, it’s always on and off. On and off siya. At ako, kapag tapos na, tapos na.”

JAKE CUENCA. Muli naming tinanong kay Lovi si Jake Cuenca.

Marami pa rin kasi ang nagtataka kung bakit bigla na lang silang parang nagkasira ni Jake.

Sagot ni Lovi, “Things happen for a reason. Siguro, we grew separate ways and we both want separate things.

“But I’m very thankful naman that he was a part of my life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rocco Nacino na ang present?

“Wala akong present ngayon, wala akong kinu-konsider na present,” nakangiting sabi niya.

Hindi ba niya nararamdaman na mahal siya ni Rocco?

“No, hindi naman. Wala naman. I’m in a place right now na gagawin ko lahat, anything. Wala talaga. I’m not emotionally ready.”

Itinanggi rin ni Lovi ang isyu na may namagitang “engkuwentro” kina Jake at Rocco.

Tanggi niya, “No, that’s not true. I don’t know nga where that issue came from. Hindi ako aware sa situation.”

May dahilan ba para mag-away sila?

“Wala, wala naman. Wala silang dahilan.”

Ano yung matatawag niyang naging relasyon na malapit na sa commitment ?

“Mahirap, e. Wala, e. It’s so hard to answer. We don’t get together that much na ni Jake. But then, it was close to that before.

“And malapit naman siya sa akin, I have to admit, and that’s something naman na hindi ko ipagkakaila.”

Wala nang pag-asang mabuong muli?

“I don’t know, hindi na kami nagkakausap or anything,” pag-amin pa niya.

AGAINST ALL ODDS. Kapag in-love siya, ano ang mga kabaliwang kaya niya pagdating sa pag-ibig?

Natawa itong muli at sinabing, “Craziest things to do? Wala, fight against all odds. Fight for it, I think.”

Kahit mismong magulang na niya ang kalaban dahil sa pag-ibig na yun?

Aniya, “I think so, mapupunta rin naman sa point na ganoon. Hindi pupuwedeng hindi mapunta sa point na ganoon. As long as you know what you want. Stand with your love.”

May nagtanong kay Lovi kung umabot na ba siya sa punto ng pinagdadaanan ng kaibigang si Heart Evangelista pagdating sa pakikipaglaban para sa pag-ibig.

“Ay, no, but ako, I’ll probably do it, if ever. You know naman what’s right and what’s wrong,” muli niyang pag-amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ONE OF THE BOYS. May palagay naman si Lovi na ang pagiging “one of the boys” daw niya ang dahilan kung bakit madali siyang mag-blend sa mga leading men niya.

“One of the boys siguro ’ko. Close ako sa mga nagiging ka-partner ko.

“Si Benjamin, kaibigan ko. Si TJ din, especially Paulo. Yung kapag nagkita kami, jive kami agad.

“Yun din siguro ang dahilan kung bakit nahihirapan akong maghanap ng boyfriend. Kasi, nagiging friend mo siya agad.”

Dugtong pa niya, “Actually, ako, kapag nahihiya ako, kapag hindi ko masyadong gusto ang guy, yun na yun. Sobrang shy ako, hindi ko siya ma-joke.”

Kanino siya huling nahiya?

“Ay, secret!” natawang sabi niya.

Kailan niya huling naramdaman na nahiya siya sa lalaki?

“Last month? Non-showbiz siya,” nakangiting pagwawakas ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN