Michael de Mesa doesn’t mind being second choice for Kahit Nasaan Ka Man: “Ang importante, sa iyo napunta.”

Michael de Mesa on taking over role reportedly offered first to Ricky Davao in Kahit Nasaan Ka Man: “ It really doesn’t matter. What matters is pag nasa iyo na, dun mo na lang siya kumbaga pag-uukulan ng panahon talaga. Pero first, second, third, fourth choice, okay lang. Ang importante, sa iyo napunta.”


“Ako yung magiging hadlang,” bungad ni Michael de Mesa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang ikuwento nito ang papel niya sa bagong primetime offering ng GMA-7 na Kahit Nasaan Ka Man.

Sa drama/musical series na mapapanood sa GMA Telebabad, paglalarawan ni Michael sa role: “Si Ernest, ako yung father ni Julie Anne na nakulong kasi napatay ko yung mag-ama ni Eula.

"So magagalit sa akin si Eula eventually, kasi magkakaalaman.

“Tapos, mag-iibigan kami ni Rita, not knowing na yung mga anak namin e nag-iibigan pala."

Kasama ni Michael sina Julie Anne San Jose bilang Pauline, Eula Valdes bilang Theresa, at Rita Avila bilang Delia.

Bukod sa kanila, tampok sa Kahit Nasaan Ka Man ang mga young stars na sina Kristoffer Martin bilang Leandro at Lucho Ayala bilang John.

Nasa serye rin ang mga batikang artistang sina Tessie Tomas bilang Lola Corazon, Ronaldo Valdez bilang Lolo Tino, at Yayo Aguila bilang Medel.

Ito ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.

Pangatlong proyekto na ito ni Michael sa Kapuso Network. Ang dalawang nauna ay ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? at ang Indio.

May preparasyon ba siyang ginawa para sa kanyang papel?

“Yeah. Actually hindi pa ako nakakapag-taping, kakarating ko lang nung Wednesday from the States. I was there for six weeks, so medyo nadye-jetlag pa.”

Sa tanong kung ano ang ginawa niya sa States, ikinagulat namin ang sagot niya na.

“E, doon ako nakatira, e!

“Dun ako naka-base talaga for now, so after Indio umuwi ako doon habang naghihintay nitong bago.”

Ano ang ginawa niya habang nasa US siya?

“Naghihintay,” sabi nito, sabay tawa. “Nagpahinga, nagpunta kami ng wife ko sa Miami, dun kami nag-celebrate ng birthday niya.

“Tapos pumunta ako sa Amsterdam. Pero trabaho din yun, shooting ng 10,000 Hours, yung movie ni Robin Padilla.

“So after that bumalik ako ng Amerika, tapos nandito na ulit so pagkatapos nito [Kahit Nasaan Ka Man] balik na ulit ng Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga walong linggo raw aabutin ang taping ng Kahit Nasaan Ka Man.

“Depende kung mag-e-extend, pero sa ngayon eight weeks pa lang.”

Tuluyan na niyang binitiwan ang trabaho niya sa Amerika.

“Oo, kasi full time talaga dito, e. Pagka, let’s say, magtatagal ako ng more than one month, nagpa-part time naman ako dun, e.

“Kasi nagtuturo ako ng first aid ’tsaka CPR, so puwede kong gawin iyon on my own. Tutal, licensed instructor naman ako, e,” kuwento niya.

Hindi raw niya matalikuran ang showbiz.

“Ang hirap tanggihan nung dumating yung opportunity na makabalik, hindi ako nakatanggi,” pag-amin niya.

ON SON GEOFF EIGENMANN. Aware raw si Michael sa memo ng Kapuso Network sa anak niyang si Geoff Eigenmann na kailangan nitong magpapayat para sa kanyang career.

“Yeah, I’m aware. I saw him yesterday. Pumunta siya sa bahay, malaki na yung ipinayat niya.

"Ano naman e, pursigido naman si Geoff na pumayat, e. So, he’s lost a lot of weight. He’s looking good now.”

Nang nakarating sa kanya ang tungkol sa memo, ano ang naging rekasyon niya? Nagalit ba siya kay Geoff?

“Hindi! Malaki na si Geoff, e. Kung anuman yung choice niya, di ba? Siya lang naman din ang nakakaalam nun, siya rin ang mahihirapan if ever, di ba?

“So I guess, na-realize niya na kailangan talaga ng disiplina sa pagiging artista,” saad ng beteranong aktor.

Wala siyang ipinayo sa kanyang anak tungkol sa pagpapapayat?

“Wala, wala, kasi kumbaga ano ba yung relasyon namin? Geoff is thirty.

"Thirty na siya e, so hindi ko na siya pinagsasabihan, alam naman niya, e.

“Kami naman makukuha sa tingin, makukuha sa ngiti-ngiti, alam na ibig sabihin, kumbaga hindi na kailangan magsalita,” dagdag pa ni Michael.

Tungkol naman sa pagpapakasal ni Geoff kay Carla Abellana, hindi pa raw naman nagpapaalam sa kanya ang anak. Maaaring ang ibig sabihin ay wala pang plano ang magkasintahan na lumagay sa tahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya raw siya sa magandang relasyon ng dalawa.

“Okay naman, I’m happy for them. I’m happy for them.

Ang isa pa raw niyang anak, si AJ Eigenmann, ay ikinasal nitong August 10 sa Las Vegas. Doon na naninirahan si AJ nang maraming taon.

“Doon na siya, he’s doing well there, masaya naman siya doon,” pagmamalaki niya.

Ang kapatid ni Michael naman na si Mark Gil ay gumaganap bilang ama ni Carla sa My Husband’s Lover.

“Kasama pala siya sa My Husband’s Lover? Okay, ayos, ayos iyon!”

Hindi raw siya nakakapanood ng MHL dahil nasa Amerika nga siya.

“Kahit nung andito pa ako, hindi rin ako nakakapanood e. Taping din e, shooting din,” panghihinayang niya.

WORKING WITH YOUNG STARS. Ano naman ang expectations niya sa pagtrabaho with the young stars of today, tulad nga ni Julie Anne at nina Kristoffer at Lucho sa Kahit Nasaan Ka Man?

“I’ve never really worked with them, to be honest. I’ve never seen their body of work so I really can’t comment for now, di ba?

"Yung ano lang, siguro, yung professionalism, yung alam nila yung ginagawa nila.”

Ang mga veteran stars naman raw na kasama sa Kahit Nasaan Ka Man ay nakatrabaho na niya in the past, tulad nina Eula, Tessie, Rita, Yayo, at Ronaldo.

“Lahat ’yan, I’ve worked with them, not just once, so kumbaga gamay-gamay na namin ang isa’t isa.”

SECOND CHOICE? Hindi raw niya alam kung totoong second choice lamang siya for the drama series, na si Ricky Davao sana ang gaganap bilang Ernest.

“I have no idea. Supposed to be sa Prinsesa Ng Buhay Ko ako kasama.

"Tapos, hindi nagka-ano sa schedule kasi I had to be in the States, and then I had to leave for Amsterdam, so ito yung napunta sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw kaso sa kanya kung second choice nga siya.

“It really doesn’t matter, what matters is pag nasa iyo na, dun mo na lang siya, kumbaga, pag-uukulan ng panahon talaga.

“Pero first, second, third, fourth choice, okay lang. Ang importante, sa iyo napunta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN