TJ Trinidad somehow gladdened by his election loss

Pansamantalang nawala sa sirkulasyon si TJ Trinidad dahil sa pagtakbo niya bilang konsehal ng Pasay City noong nakaraang May elections. Sa kasamaang-palad ay hindi siya nanalo. Ngayon ay nagbabalik siya sa pag-arte sa pamamagitan ng GMA-7 primetime series na Genesis.


May ilang buwan ding nawala sa sirkulasyon si TJ Trinidad dahil sinubukan nitong pasukin ang mundo ng pulitika.

Tumakbong konsehal si TJ sa Pasay City noong May elections ngunit nabigo siyang manalo.

“It’s okay,” sambit niya tungkol sa kanyang pagkatalo.

“It’s not like I spent a lot of money because I ran independent.

"And I don’t really... parang it’s my first time.

"I learned a lot and I learned that you still can make a difference even if you’re not in a position.

"But you can make a bigger difference if you’re in a position.

“But... grabe, ang dami... sa experience ko, I’ve met...

"Well, in light of what’s happening now, with PDAF scandal, you see na may pera naman pala. There is enough to go around.

"So it’s frustrating. Mapapamura ka. Mapapamura ka talaga.

“Bakit, bakit kailangang maghirap yung ganito? E, may pera naman pala?

"We’re not talking about just small amount, I mean it’s big money.”

Dahil ba sa isyu ng PDAF o pork barrel ay gusto niyang tumakbo muli o nadismaya na siya at nawalan na ng gana?

Sabi ni TJ, “Actually, I’m kinda glad na... okay sa akin na hindi ako nanalo.

"Of course, to make a change, you have to be in the system. To effect the change.

"But you can’t help but to be cynical about it. How much change can you do?

“I don’t know if I wanna run again.”

Kung nanalo raw siyang konsehal, plano ni TJ na mag-focus sa pagiging public servant at hindi na ang pag-aartista.

“I would definitely have showbiz to take a backseat.

"But everything happens for a reason. And like I said, maybe it’s not meant for me.”

CELEBRITY POLITICIANS. Ano naman ang reaksiyon niya sa pagkakadawit ng ilang actor-politicians, gaya nina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada, sa pork barrel scam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni TJ, “Well, first of all, I think we are all innocent until proven guilty.

"Even if... what I wanna know lang, even if the senators would show that it is not under their mandate whether to determine if the NGOs are bogus or not, what I wanna know is if the money was returned to them—if they indeed received kickback.

“If they didn’t, then that’s great. Then they are all innocent and somebody else is capable.

"Let’s find who is the guilty party and let’s hope the justice be served.”

Pero dahil sa pagkakadawit ng ilang pangalan ng mga artistang pulitiko, nakikita ba niya na posible itong magkaroon ng hindi magandang impresyon sa mga artistang pumapasok sa pulitika?

Sagot ni TJ, “Actually, ever since naman, before the scandal, ganun talaga. Because siyempre you’re popular. You already have a leg up.

"That’s normal. It’s not really a problem even if they give you a bad rap.

"If you did naman a good job, then that would speak for itself.

“People will criticize you about something one or the other, pero kung magaling ka namang public servant, hindi ka naman nagnanakaw, walang problema.”

FIRST ACTING AWARD. Kauna-unahang acting award ni TJ ang napanalunan niyang Best Supporting Actor trophy sa Cinemalaya Independent Film Festival noong July. Ito ay para sa kanyang pagganap sa pelikulang Sana Dati.

Ngunit lead role ang ginampanan ni TJ dito, ayon sa direktor ng pelikula na si Jerrold Tarog.

Sinabi ito ni Jerrold sa press conference para sa theatrical run ng Sana Dati, noong September 19, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center.

Sa awards night ng Cinemalaya ay napagdesisyunan ng mga hurado na hindi magbigay ng award para sa Best Actor sa Directors’ Showcase category.

Pero ayon kay TJ, walang kaso sa kanya kung Best Actor o Supporting Actor ang napanalunan niya, lalo’t higit unang tropeyo niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “First of all, I feel grateful that I actually got my first award. So, parang it’s good pala.

"And it’s up to the jury naman on how they perceived the story. If you look at the story, it is basically the lead actress, which is Lovi’s [Poe] character in her life, interacting with three men.

“So if their interpretation is... I’m in a support role and not naman [lead], at least nanalo.

"Wala akong magagawa. It’s okay.

"For me naman, it doesn’t really matter. I’m really happy that the film was received well.”

Nanghihinayang nga lang si TJ dahil hindi niya personal na natanggap ang kanyang award.

“Siyempre naman, to be able to experience the whole thing, yung tatanggapin mo ang award and to be able to thank the people that you worked with and have supported you since the beginning of your career, you kinda missed it.

“But it’s alright.”

THEATRICAL RELEASE. Natutuwa naman si TJ na ipalalabas na sa mga sinehan ang Sana Dati simula sa Miyerkules, September 25. Ang GMA Films ang magre-release nito.

“Yeah, very happy. I’d like to think that film can be made, I suppose, indie budget, but could still make money.

“And it’s not like we’re tackling something that is very hard to watch. It’s just basically love story. Everyone can be able to relate to it.

"So, parang hindi siya... alam mo yun, hindi siya heavy or nothing political or religious in nature.

“It’s about love and it’s very universal thing.”

GENESIS. Samantala, pagkatapos ng halos kalahating taon na hindi gumawa ng teleserye si TJ, mapapanood siya sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Genesis.

Magsisilbing reunion din ito para sa kanilang tatlo nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos, na nakasama niya noon sa Stairway To Heaven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad sa Stairway to Heaven, may love triangle na naman silang tatlo sa Genesis.

Sabi ni TJ, “Ako yung ka-love triangle nina Dingdong at Rhian, pero I’m in line with the bad guys.

"Sa antagonist ng istyorya kasi, hindi lang naman ako yung... may antagonist dun, sa karakter ni Lorna [Tolentino], sa bad side ako.”

Na-excite ba siya nang malaman niyang silang tatlo muli ang magkakasama sa Genesis?

“Of course I was happy but it’s not only that. I mean, it’s easy to work with people that you worked before—sina Dong and Rhian.

"I was excited because Lorna Tolentino is part of it and I’ve never worked with her before.

“So I’m hoping na magkakaeksena kami for the coming weeks.

"And of course, Direk Mark [Reyes], Direk Joyce [Bernal] and the whole team.

"Mahirap i-execute ang mga scene but we have a good team, so I’m excited about that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN