Yayo Aguila reveals Baron Geisler tried to settle after court found him guilty of acts of lasciviousness

Yayo Aguila says she has a better relationship now with William Martinez after their separation. She says, "Sobrang close kami. Actually, mas okay nga kami ngayon kesa noong few years back."


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yayo Aguila ang kasong acts of lasciviousness na isinampa ng panganay niyang anak na si Patrizha laban sa aktor na si Baron Geisler.

Noong Hulyo ay dinesisyunan ng Makati City Metropolitan Trial Court na "guilty" si Baron sa kasong ito.

Hinatulan ng korte ang aktor ng anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong at pinagmumulta ng P30,000 para sa moral damages.

Ngunit maaari pa itong iapela ng kampo ng aktor.

Ano na ang development sa kaso?

Ayon kay Yayo, “Wala pa siyang mangyayaring ano... dapat makukulong siya, di ba?

"Kasi, may fifteen days siya para mag-appeal. Sabi ng lawyer namin, nag-appeal siya.

"So kami, waiting lang kami.”

Ano ang naramdaman niya at ng anak na si Patrizha sa pangyayaring ito?

“Wala, okay na kami. Parang nabunutan na kami ng tinik, especially yung araw na dumating ang desisyon.

"Pero hindi pa rin kami kampante. Kasi, hindi mo naman alam kung ano ang ipapataw sa kanyang parusa.”

Kung sakaling hindi tanggapin ng korte ang apela ni Baron at makulong ito, gusto ba niyang makita ito sa ganoong kalagayan?

Nagkasama sina Yayo at Baron bilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

Sabi ni Yayo, “Sa totoo lang, ayoko naman ng ganoon.

"Si Patrizha, ini-interview siya, ayaw niya rin ng ganoon.

"Pero hindi na niya desisyon yun. Desisyon yun ng court.

"Sabi nga ni Patrizha after the hearing, ’Sino ba naman ang may gusto na magpapakulong ka ng tao?’

“Pero, in all honesty, after the hearing, yung side ni Baron, nag-try talagang makipag-communicate sa akin kasi gusto nilang ayusin.

“Sa akin lang, ano pa ang aayusin? Hindi na namin yun... Well, court na ang nag-decide.

"Sabi ko, ’Sana noon ninyo pa inayos.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yayo sa press conference ng Kahit Nasaan Ka Man, noong September 19, sa 17th floor ng GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RELATIONSHIP WITH WILLIAM. Samantala, masasabi raw ni Yayo na mas maganda na ang relasyon nila ngayon ng nakahiwalayang asawa na si William Martinez.

Sabi ni Yayo, “Sobrang close kami. Actually, mas okay nga kami ngayon kesa noong few years back.

“Noong first two years namin, hindi kami okay.

“Siguro, part yun, di ba? Trying to recover siya, tapos siyempre nagkasakit pa siya.”

Nilinaw ni Yayo na hindi sila nagkabalikan noong nagkasakit si William.

“Hindi rin, siyempre nandoon ako, kasi wala rin namang ibang gagawa nun, kami rin.”

Sa Antipolo raw nakatira si William, habang si Yayo at ang kanilang tatlong anak ay nasa Quezon City.

NEW RELATIONSHIPS. Inamin ni Yayo na pagkatapos nilang maghiwalay ay nagkaroon siya ng boyfriend, habang si William naman ay nagka-girlfriend din. Pero pareho raw hindi nag-work ang kani-kanilang relasyon.

“Ayaw ko na,” nakangiting sabi ni Yayo tungkol sa pagkakaroon ng bagong relasyon.

Sabi pa niya, “Si William, isa lang din ang naging girlfriend niya, nauna pa nga siya.

"Pero ngayon, pareho kaming wala.”

Posible kayang dahil pareho silang walang karelasyon ngayon, kaya mas okay ang relasyon nila?

Tugon ni Yayo, “Kahit naman noong may boyfriend ako, okay rin kami.

"Actually, mas okay kami ngayon kasi, magaan na. At saka siguro naman dapat maging okay kami.”

TWENTY-FIVE YEARS. Ipapayo rin ba ni Yayo sa ibang mag-asawa na nagkakaroon ng problema o hindi na magkasundo na maghiwalay na lang?

Tugon niya, “Ako, ina-advice ko yun sa mga kakilala ko.

"Hindi ko naman sila kinukunsinting makipaghiwalay. Pero siyempre, palagi kong sinasabi na i-work out muna.”

Dalawampu’t limang taon daw silang nagsama bilang mag-asawa ni William. Ibig bang sabihin nito ay 25 years din siyang nagtiis?

“Hindi ko naman masasabing nagtiis, kasi lahat naman ng ginawa ko, gusto ko naman noon.

"Siyempre, mag-asawa kayo, so siyempre naman, lahat ng crisis, dapat nandoon kayo. Siguro, burnout, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiisip niya ba na baka sa huli ay magkabalikan din sila ni William?

“Hindi ko naiisip!” natatawang sabi niya. “Ang nakakaisip nun, yung ibang tao.”

DIVORCE OR ANNULMENT. Kung tutuusin, mabilis dapat ang proseso nang pagpapawalang-bisa ng kasal nila ni William dahil sa Amerika sila ikinasal.

Pero bilang mga Filipino raw sila, kailangang ang batas sa Pilipinas pa rin ang sundin nila.

Ayon kay Yayo, “Sa Amerika kami ikinasal, pero naguguluhan ako.

"Divorce talaga ang alam ko, pero noong tinanong ko yung mga lawyers dito, kailangan pa rin daw kami ng annulment. Kasi, Filipino citizen kami.

“Naguguluhan ako kasi ang daming batas. Kasi raw, Filipino citizen kami.

"Kasi kapag divorce lang, may online.”

Nasubukan na ba nilang mag-file ng divorce?

“Hindi pa, hindi ko pa yun nasubukan," sagot ni Yayo.

Paliwanag pa niya, “Kasi, okay naman kami sa usapan. Tanggap naman niya kung ano.

"Nagkaroon siya ng girlfriend, okay sa akin.

"Noon, hindi ako nagpaalam sa kanya kung magkakaroon ako ng boyfriend. Alam niya at saka tanggap niya.

“Minsan sinasabi pa niya, ’O, kumusta kayo?’ Ganyan… kaya alam ko naman na okay na.”

THE CHILDREN. Kumusta ang tatlong anak nila—dalawang babae at isang lalaki?

“Okay ang mga bata. Naiintindihan nila, kaya nga okay ako.”

Sa mga larawang ipinu-post ni Yayo sa Instagram ay parang isang pamilya pa rin sila dahil kasama rin nila si William.

Sabi ni Yayo, “Yes, we make it a point kasi kapag Friday, yung bunso ko, yung nag-iisa naming lalaki, umuuwi yun kay William.

"Siyempre bunso, tapos lalaki. Yun ang set-up namin. Kapag Saturday and Sunday, umuuwi sa kanya.

“Yung dalawa ko, nagwo-work naman. Minsan, hanggang Saturday.

"Pero nagte-text sila sa Papa nila.”

Mababait naman daw ang mga anak niya. Yung mga nagtatrabaho na ay may kusa raw sa pagtulong sa kanya.

“Mababait yung mga anak ko, never ko silang inobliga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako naman, sabi ko sa kanila, ’Hangga’t nabubuhay ako, humihinga at nagtatrabaho, ako ang bahala sa ating lahat.’”

Masuwerte naman daw si Yayo dahil hindi siya nababakante ng trabaho.

Pagkatapos ng My Little Juan sa ABS-CBN, ngayon naman ay kasama siya sa Kahit Nasaan Ka Man ng GMA-7.

Sabi niya, “Ako naman kasi, kahit saan, kung nasaan ang trabaho. Magiging choosy ka pa ba?

"Nagpapasalamat nga ako at saka, siyempre, basta maayos ka lang sa trabaho.”

Sa Kahit Nasaan Ka Man ay ginagampanan ni Yayo ang ina ni Lucho Ayala at magiging nanay-nanayan ni Julie Anne San Jose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN