Isabelle Daza says her late grandmother Nora Daza "lived a very full life"

Ipinagmamalaki ni Isabelle Daza na natuto siyang magluto dahil sa kanya paternal grandmother na si Nora Daza, na yumao noon lamang September 13. Ani ni Isabelle, "Tinuruan niya talaga ako. When I would visit her, we would cook together, like chicken siomai, nine layers of pansit luglog... I’m gonna miss her.”


Ang yumaong culinary expert na si Nora Daza ay paternal grandmother ng TV host-actress na si Isabelle Daza.

Ang anak ni Nora na si Bong Daza ang ama ni Isabelle. Ang ina naman ni Isabelle ay ang aktres at dating Miss Universe na si Gloria Diaz. Hindi na magkasama sina Bong at Gloria.

Pumanaw si Nora Daza noong September 13.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Isabelle sa launching ng kanyang perfume line sa Bench, ang Univers, noong September 22, sa TriNoMa Activity Center, kinumusta namin siya ilang araw matapos mailibing ng kanyang lola.

Sabi niya, “Actually, before the show, I really wanted to think... to have fun.

"And then, usually kasi I pray, and then, ayun, I just thought of my lola. Something to make her happy and make her proud."

Pagkatapos nito ay sinabi niya, “Naiiyak ako...

“I’m so close with my lola kasi. So when she passed, I’m just a bit shocked.

"But then she lived a very full life, and I’m happy and thankful for her life.

“Eighty-four na rin siya, and she was happy to have lived a full life.”

Araw-araw raw siyang pinapanood noon ng lola niya sa Eat Bulaga! Minsan daw ay nagpapabati pa ito sa kanya.

Madalas din daw dumalaw si Isabelle sa kanyang lola pagkatapos ng trabaho nito.

“Ang dami niyang mga tips," sambit ni Isabelle.

COOKING LESSONS. Magaling din ba siyang magluto gaya ng kanyang lola?

“Siyempre, magaling na magaling!

“My lola teaches me everything. I’m a very good cook,” pagmamalaki ni Isabelle.

Sino ang mga ipinagluluto niya?

“Ay, naku, marami akong friends! Palagi silang nasa bahay ko. Ako ang nagluluto.

"I think I have good taste buds and I have a talent.

"Marunong akong magluto and I know how to distinguish good food.

"Tinuruan niya [her lola] talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When I would visit her, we would cook together, like chicken siomai, nine layers of pansit luglog... I’m gonna miss her.”

Sabi pa ng morena beauty, “You know, I visit my lola at least once a week.

"Close talaga ako sa lola ko na yun, ever since growing up.

"Kasi, dito siya [sa Pilipinas] nakatira. A lot of my cousins are abroad.

"So I visited her two weeks before she passed away. I even told her na may mga pasalubong ako for her.

“Yung lola ko kasi, she’s so malambing. She always hugs me and she always holds my hand.

"So when I found out that she passed away, I just broke down.

"I thought nobody’s, you know, gonna hold my hand again like that."

Ano ang mga hindi niya makakalimutang payo ng lola niya sa kanya?

“To celebrate life—and eat, drink, and be merry.”

LIHIS. Samantala, isa si Isabelle sa nakatanggap ng magandang reviews sa ipinamalas na pag-arte sa pelikulang Lihis, na ipinalabas sa nakaraang Sineng Pambansa National Film Festival.

Ramdam na ba niya ang pagiging aktres?

“Well, hindi ko pa isinusulat sa Immigration form, hindi ko nilalagay na actress. Nahihiya pa ako!” natawa niyang sabi.

Dagdag ni Isabelle, “Parang it’s something I have to work on pa. I have to be better in acting. I still have a lot of learning to do.”

Ano ang inilalagay niyang "occupation" sa mga form na pini-fillup-an niya?

“Minsan nilalagay ko, Dabarkads, TV host... Minsan student, entrepreneur... No, joke lang ang Dabarkads.”

Ang "Dabarkads" ay bansag sa mga hosts at manonood ng Eat Bulaga!

Ano ang reaksiyon niya sa magagandang reviews sa kanya?

Sagot niya, “I think you guys are very generous naman with your compliments.

"Kapag hindi naman magaling, hindi n’yo sasabihin. Quiet lang kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But thank you so much. I work hard.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN