Vina Morales changes statement about wanting to be a member of "9262 Club": “Di natuloy.”

Sinabi ni Vina Morales na wala siyang komunikasyon ngayon sa dating partner na si Cedric Lee, ama ng anak niyang si Ceana.


Binabawi ng singer-actress na si Vina Morales ang nauna niyang pahayag na miyembro siya ng "9262 Club."

Ang "9262 Club" ay tumutukoy sa mga artistang babaeng nagsampa ng kasong paglabag sa R.A. 9262, o Violence Against Women and their Childen Act, laban sa kanilang mga asawa.

Kabilang sa mga artistang ito sina Kris Aquino (laban sa dating asawang si James Yap), Sunshine Cruz (laban sa asawang si Cesar Montano), at Claudine Barretto (laban sa asawang si Raymart Santiago).

Matatandaang nang makapanayam ng media si Vina noong August 15 ay tinanong siya tungkol sa "9262 Club," at ang natatawang sagot ng ASAP mainstay ay, "Naku, kasama ako diyan!"

Sa report na lumabas dito sa PEP, binanggit na kasalukuyan ding may legal battle si Vina sa dating partner nitong si Cedric Lee, ama ng apat-na-taong-gulang niyang anak na si Ceana.

(Read: Vina Morales admits to being a member of "9262 Club")

Ngunit sa bagong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Vina sa opening ng franchise ng Ystilo Salon sa Makati City, kaninang hapon, September 22, biglang kumambiyo ang 37-year-old performer nang muling tanungin tungkol dito.

Sabi ni Vina, “Hindi ako member. Di natuloy.

"Pero I have other things to take care of. Mahirap... kasi ayokong maging vocal about it.

“As much as possible, wala silang maririnig sa akin, para mas tahimik, para sa anak ko rin ’yon.”

Kumusta naman ang relasyon ng anak sa ama nitong si Cedric?

Tugon ni Vina, “I haven’t been in touch with the person.

"Ako kasi, pagdating sa ganyan, para sa akin, medyo personal, and whatever what’s happening now, I wanna, as much as possible, maging private yung gano’n.

“But I’m sure things will turn out in a good way. I know, in God’s time.

"But Ceana and I are okay, we’re so blessed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


READY FOR A RELATIONSHIP. Aminado si Vina na matagal-tagal na rin siyang single mula nang maghiwalay sila ng ama ng kanyang anak.

Ibig bang sabihin nito ay hindi pa siya ready sa isang commitment?

“I am ready. It’s just that I have no one yet to be committed to,” paglilinaw ng nakatatandang kapatid ni Shaina Magdayao.

Gayunpaman, dahil isa siyang single mom ay alam ni Vina na hindi karaniwan ang kanyang sitwasyon.

“The person has to accept that I have a daughter already. It’s a package [deal] na kailangan tanggapin niya.

“Pangalawa, of course, I want someone who’s responsible enough to take care of our family.

“Hindi naman ako nasa stage na puwede akong maglaro, di ba? O I can just play around or to have some fun and date around? No.

"I want a serious one naman.

"I guess it’s the right time for me to have a serious relationship.

"Kung fun lang, napakarami diyan.”



SERIOUS RELATIONSHIP. Ayaw rin daw ni Vina na pumasok sa isang relasyon dahil lang sa matagal na siyang single.

“Alam mo, I can’t do anything about it because, maybe, if you force it to happen…

"If it’s gonna be my way, it won’t work out, so I want it in God’s time.

“Ayokong pilitin yung hindi talaga para sa akin—for now.

"Kung meron talagang guy for me, I’m really praying for that.

"But it’s just that nasa stage ako ngayon na hindi katulad noon na I push things to happen.

“This time, I just go with the flow.

"But, of course, you have to work, you have to go out, you have to meet people.

"Pero even if you meet some people, kung hindi pa rin naman buo ang desisyon mo to have a relationship, then I guess it’s not gonna work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Vina, hindi naman importante sa kanya ang nakaraan ng lalaking susunod na iibigin niya.

“Ako nga, single mom ako.

"Pag may lalaki, baka sabihin niya, ‘Ay, gusto ko single lang.’

"Paano naman ang single mommy?” sabay tawa niya.

“So, ayokong mag-judge. Mahirap ang gano’n.

“I just wanna make sure he’s committed to me and my daughter. I think that’s the most important thing.

“Whatever his past was, hindi ko rin problema ‘yon kasi I also had my problem before. I also have my past.

"So I guess if things are gonna work out, then why not, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN