Iwa Moto and Pampi Lacson welcome their baby girl Eve

Nagsilang na ang StarStruck alumna na si Iwa Moto ng anak nila ng kasintahang si Pampi Lacson ngayong araw, September 23. Nag-post pa si Pampi ng Instagram video ng bagong silang nilang anak na si Eve.


Nagsilang na ang StarStruck 3 First Princess na si Iwa Moto ng malusog na baby girl ngayong gabi, September 23.


Mismong boyfriend ni Iwa na si Pampi Lacson ang nag-post ng maiksing video sa Instagram, kung saan makikitang itinabi ng nurse ang sanggol sa kanyang ina.


Naging emosyunal naman si Iwa, 25, habang masuyong hinahagkan sa ulo ang anak.

“Anak, nandito si Mommy. Sorry, Anak,” naluluhang sambit pa niya.


Proud daddy naman si Pampi, 31, base na rin sa caption ng kanyang Instagram post: “Welcome to the world, Eve.”


Pinangalanan nina Iwa at Pampi ang kanilang anak na Eve.


Sa dating panayam ni Iwa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naikuwento nitong si Thirdy, ang anak ni Pampi sa aktres na si Jodi Sta. Maria, ang pumili ng pangalang Eve noong nagbubuntis pa lang si Iwa.


“Siya ang nagbigay ng name na Eve. Yun daw ang gusto niyang name sa baby sister niya.”



Dagdag pa ni Iwa sa interbyung iyon, plano niyang panandaliang huminto sa showbiz pagdating ng baby upang matutukan muna ang pag-aalaga ng anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN