Yeng Constantino explains boyfriend Victor Asuncion’s surprise appearance at Star Magic Ball

Marami raw natututunan si Yeng Constantino mula sa relasyon nila ng first boyfriend na si Victor Asuncion. Sabi ng singer, "To have someone in your life na sobrang mahal mo, ang dami kong natutunan ngayon na di ko matututunan as a single person."


Ipinagtanggol ng singer na si Yeng Constantino ang boyfriend niyang si Victor Asuncion, kaugnay ng akusasyong gumawa lang ito ng gimik sa nakaraang Star Magic Ball para mapag-usapan.

May mga nagbibigay-kulay sa pagpunta ni Victor sa taunang event ng talent arm ng ABS-CBN, kung saan may dala itong bulaklak at lumuhod pa sa harap ni Yeng.

Sabi ni Yeng sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala, secured kaming dalawa.

“Ang gusto ko sa boyfriend ko, sobra siyang secured, hindi siya magpapatinag sa iba, e.

“He wants to express his love for me, sobra akong na-touch.

“Nata-touch ako sa kanya, kasi sobra siyang tahimik na person.

“So, parang para sa akin, ‘Grabe, nakakakilig naman ito!’

“Sobrang nakakatuwa lang.”

Unang boyfriend ni Yeng si Victor, dating miyembro ng bandang Indios at lead worship vocalist ng kanilang Victory Christian Fellowship.



SOLO FLIGHT. Mag-isa lang pumunta si Yeng sa 7th Star Magic Ball na ginanap noong September 7, sa Fairmont Hotel, Makati City.

May mga nag-akalang nagkagalit sina Yeng at Victor, kung kaya’t sumunod si Victor at binigyan siya ng bulaklak.

Paliwanag ni Yeng, “Ay, hindi, sumunod ang boyfriend ko kasi may work siya. Ayoko naman siyang istorbohin from his work.

“Parang chill lang kaming dalawa, ayoko namang maging girlfriend na parang sagabal sa work.

“Gusto ko tapusin niya yung ginagawa niya, so I went alone sa Star Magic Ball.

“Tapos, sinurprise niya ako. Paglabas ko, may dala siyang bulaklak sa lobby nung hotel.

“Hindi na siya pumasok, naka-T-shirt lang siya.

“Sobrang nakakakilig, binigyan niya ako ng flowers!”

Bukod sa masaya si Yeng sa itinatakbo ng relasyon nila ni Victor, marami raw siyang natutuhan sa pagkakaroon ng kasintahan.

“Sobra akong saya!” sambit niya.

“Sobrang learning experience ito for me.

“Wala akong magulang na kasama sa bahay, wala ang assistant ko.

“To have someone in your life na sobrang mahal mo, ang dami kong natutunan ngayon na di ko matututunan as a single person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang grateful ’ko kay God na ang dami kong natututunan sa relasyon na ito.

“Minsan, akala mo alam mo na kung paano magmahal.

"Pero pag nandun ka na sa journey na yun, ang dami mong matututunan about love, sa mga desisyon na hindi ka na alone.

"Nakaka-mature, nakakadalaga ito.”



REPEAT. Samantala, masaya namang ibinalita ni Yeng na magkakaroon ng repeat ang successful concert nila Bamboo sa Smart Araneta Coliseum.

“Mayroon kaming repeat ni Bamboo on March 2014. Sobrang excited na kami ni Bamboo.

“Sobrang pasasalamat namin ni Bamboo sa suporta na nakuha namin nung nakaraan.

“Sobrang thankful kami and sana suportahan nila uli kami.

“Hindi ko in-expect na magiging ganun ka-successful, pero sobrang in faith ako kay God.

“Kung ano ang sinimulan ni God, He will finish it.

“Nung nakita ko na na-soldout, ‘Yes!’ Ang saya!”

Magkakaroon din ba siya ng panibagong album?

“New album, wala.

"Pero magre-release kami ng bagong single from my fifth album, Metamorphosis, very, very soon.

“In my album, yung ‘Chinito’ lang ang hindi ko isinulat.

“Isinulat yun ng friend ko. Yun din ang favorite ko from the album.

“Sobrang natuwa ako na grabe ang response ng mg tao sa ‘Chinito.’

“And, siyempre, salamat kay Enchong [Dee] na pumayag siya na maging leading man ko sa aking music video.

“Sa lahat ng mga tao na pag nagmo-mall show ako, kinakanta ng mga tao… halos hindi na nga ako kumakanta, sila na lang.

“Salamat po, sobrang nakakataba ng puso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN