Lucho Ayala reveals crush on Carla Abellana and Rhian Ramos

Aminado si Lucho Ayala na ang hitsura ang unang tinitingnan niya sa isang babae. Sabi niya, “Siyempre, una, yung appearance, di ba? So, kailangang maganda. Siyempre, gusto ko guwapo at maganda ang magiging anak ko, di ba?”


Sina Carla Abellana at Rhian Ramos ang mga crush na taga-showbiz ng Kapuso young actor na si Lucho Ayala.

Pero yun nga lang, pareho nang “taken” ang dalawang crush niyang ito dahil may mga boyfriend na sila.

Ang boyfriend ni Carla ay ang aktor na si Geoff Eigenmann, habang ang kasintahan ni Rhian ay ang radio-TV host na si KC Montero.

Bakit puro may mga boyfriend na ang nagiging crush niya?

Sagot niya, “Di ba, sinasabi nga, mas mahirap hulihin ang manok na nakatali?”

Pero bawi ni Lucho, “Hindi, joke lang!

“Crush ko lang naman sila, crush ko lang.”

Wala bang artistang crush niya na gusto talaga niyang ligawan?

“A, wala, hindi ko masasabi, hindi ko alam.

“Hindi kasi ako ano, e, hindi ako nasa GMA para manligaw. Nandito ako para magtrabaho, e.

“So, kung may mahanap man ako, kung may ma-meet man ako o may makilala ako na ano… okay na babae, who knows, kung ano ang mangyayari?

“So, let’s see na lang.”



LEADING LADY. Kung mabigyan siya ng launching project, sino sa mga aktres ngayon ang pinapangarap niyang maging leading lady?

“Si Carla Abellana,” tukoy pa rin ni Lucho sa crush niya.

“Iba kasi ang dating niya sa akin. Aside from she’s one of the prettiest actresses that we have right now, magaling din siyang umarte.”

Okay ba sa kanya kung may i-groom na ka-loveteam niya talaga?

“Oo naman. Kasi nakakadagdag ano siya, e… fans, di ba, kung may loveteam ka?

“Of course, I’m open to it. Hinihintay ko na lang kung sino yung mape-pair sa akin.”

Sa Kahit Nasaan Ka Man ay si Julie Anne San Jose ang lumalabas na kapareha ni Lucho, bilang karibal ni Kristoffer Martin.

How does he find Julie Anne?

“She’s pretty, tapos mabait pa,” sagot niya.

Si Julie Anne ba ang tipo niyang babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Lucho, “I have yet to see it, kasi hindi ko pa siya ganoon masyadong nakakasama.

“Masasabi ko siguro yun kapag matagal-tagal ko na siyang nakakatrabaho. Kasi, first time ko pa lang ito to work with her, e.”

Ano ba ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae?

“Siyempre, una, yung appearance, di ba? So, kailangang maganda.

“Siyempre, gusto ko guwapo at maganda ang magiging anak ko, di ba?” natatawang sabi ni Lucho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN