Rayver Cruz laughs off rumored sex video with ex-girlfriend Cristine Reyes

HIndi nababahala si Rayver Cruz sa kumakalat na balitang may sex video diumano sila ng dating kasintahang si Cristine Reyes. Sabi ng Kapamilya young actor, marahil ay mayroon lang mga taong nais silang sirain.


Natawa lang ang Kapamilya young actor na si Rayver Cruz nang tanungin tungkol sa balitang mayroong kumakalat na sex video nila ng ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes.

"Natanggap ko rin ’yon [text], pero ano ba kayo? Siyempre, kung meron ’yon, malamang nasa Facebook ko na ’yon," sabi ni Rayver sa PEP.ph Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at iba pang media sa World Trade Center kagabi, September 24.

Kabilang si Rayver sa celebrity hunks na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash 2013 kagabi.

Sabi pa ni Rayver tungkol sa kontrobersiya, "Tsaka virus ’yon, e. May link, kasi pag kinlick mo, baka ma-virus lang yung phone n’yo."

Ang tinutukoy ni Rayver ay ang mga agaw-atensiyong titles ng links, na kadalasang nakikita sa status ng Facebook users. Kapag na-click daw ito ay posibleng magka-virus ang mga gadget.

Diin ng young actor sa diumano’y sex video nila ni Cristine, "Wala talaga. Siyempre, huwag namang ganun."

Ayon pa kay Rayver, napag-usapan na nila ni Cristine ang tungkol dito. Tinawanan lang daw nila ang isyu.

"Oo, tinatawanan lang namin.

"Siguro, may mga tao diyan na naninira talaga. Di lang namin pinansin.

"Nagtatawanan lang kami sa taping, kasi pati siya nakatanggap [ng text message]. Ako, nakatanggap. Buong family ko, nakatanggap.

"Andami, sobra! Andaming nakatanggap, so nakakatawa lang. ’Huh!? Ano ’yan?’"

Bagamat tinapos na ng dalawa ang kanilang relasyon, nananatiling magkaibigan sina Rayver at Cristine.

Sa ngayon nga ay magkasama pa sila sa ABS-CBN primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Rayver na nakabilang siya sa centerfolds ng Cosmo Men ngayong 2013. Isa siya sa nakatanggap ng pinakamalakas na clapping at cheering mula sa fans.

Ang iba pang mga aktor na kabilang ngayong taon ay sina Alden Richards, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Matteo Guidicelli, JC de Vera, Sam Concepcion, at Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN