JC de Vera on alleged involvement in LJ Reyes-Paulo Avelino issue: "Ayoko patulan ang isyu."

Naging matipid ang mga sagot ni JC de Vera tungkol sa pagkakaugnay niya sa isyu nina LJ Reyes at Paulo Avelino. Diin ng Kapamilya actor, "Wala akong dapat sagutin."


Naging matipid ang mga sagot ni JC de Vera nang tanungin tungkol sa isyung nagkakamabutihan daw sila ni LJ Reyes at may alitan daw sila ni Paulo Avelino.

Si Paulo ang ama ng anak ni LJ, ngunit matagal nang napapabalitang may problema sila sa relasyon, na nauwi na raw sa hiwalayan.

Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon mula kina Paulo at LJ. Kadalasan ay iniiwasan nila ang isyu kapag tinatanong ng entertainment press.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si JC sa backstage ng World Trade Center kagabi, September 24, tinanong siya kung totoong may alitan sila ni Paulo.

"Hindi naman kami magkaaway," sagot ni JC, na isa sa celebrity hunks na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash 2013 kagabi.

Bagamat inamin ni JC noon na lumabas sila ni LJ, kasama ang ilang mga kaibigan, hindi raw niya idini-date ang Kapuso actress.

Nang matanong ang aktor kung ano ang status ng relasyon nila ni LJ, ang maiksing tugon ni JC: "Friends."

Kinunan din ng reaksiyon si JC sa balitang naglasing diumano si Paulo dahil sa pagkakamabutihan nina JC at LJ.

Pero sabi ng bagong Kapamilya star, "Ayokong patulan yung issue.

"This time lang ako sasagot. Di ko siya papatulan.

"Wala akong dapat sagutin," diin pa ni JC.

Nauna nang sinabi ni Paulo na wala siyang alam tungkol sa balitang pagkakamabutihan nina LJ at JC.

Ayon pa sa aktor, mas mabuti raw na sina JC at LJ ang tanungin tungkol sa isyu.

(Read: Paulo Avelino keeps mum about rumored romance of LJ Reyes and JC de Vera)

Sa hiwalay namang panayam kay LJ, sinabi nito na hindi niya naging boyfriend si JC.

Ang sabi niya ay magkaibigan sila, at nagkaroon ng pagkakataong lumabas sila kasama ang iba pang mga kaibigan.

(Read: LJ Reyes insists JC de Vera never became her boyfriend; works with Star Cinema for the first time)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN