Aljur Abrenica serenades girlfriend Kylie Padilla to win her back

Ipinaliwanag ni Aljur Abrenica kung bakit kailangan pang mapanood ng mga kasamahan nila sa Sunday All Stars ang panghaharana niya sa kasintahang si Kylie Padilla. Sabi ni Aljur, "Yun ang isa sa mga pagkukulang ko sa kanya, na hindi ko naipakita sa mga tao kung gaano ko siya kamahal. Yun ay isa sa mga paraan ko para patunayan sa kanya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya bilang lalaki.”


“Maayos naman po kami,” sagot ni Aljur Abrenica nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ng kasintahang si Kylie Padilla.

Ngunit napag-alaman ng PEP mula sa isang source na hinarana raw ni Aljur si Kylie, pagkatapos ng live airing ng Sunday All Stars noong Linggo, September 22. Pareho silang mainstay sa weekly musical-variety na ito ng GMA-7.

Ayon sa kuwento ng source, hinarana ni Aljur si Kylie sa loob ng dressing room ng GMA Studios sa harap mismo ng mga kasamahan nilang artists sa Sunday All Stars.

Noong una ay tumangging magbigay ng pahayag ang aktor nang tanungin ng PEP tungkol dito. Ngunit sa huli ay nagsalita na rin siya.

“Sabagay, kumalat na rin... oo. Oo, e,” pagkumpirma nito sa panghaharana niya kay Kylie.

NEAR-BREAKUP. Totoo rin bang hinihiwalayan siya ni Kylie kaya sinuyo niya ito sa pamamagitan ng panghaharana?

Sagot ni Aljur, “Basta ako, totoo po yun na hinarana ko siya.

"At nagpapasalamat ako dahil kung nasaan man kami ngayon, maayos na maayos kami ngayon.

“Yung mga nakaraan, iwan na natin yun.”

Hindi ba niya kayang mawala sa kanyang buhay si Kylie, at natakot siyang tuluyang iwan nito?

Sabi ni Aljur, “Hindi naman po sa ganun. Bilang isang lalaki, pag nagmamahal tayo...

"Ang babae kasi, pinaghihirapan ’yan, e.

"Ang mga lalaki, tulad po natin, hangga’t maaari, hangga’t nararamdaman natin yung tunay nating nararamdaman, ipinapadama pa rin natin sa babae.

"Kahit lumayo man ’yan, kahit wala na ’yan sa kamay mo, patuloy mo pa ring mamahalin yung babae.

"Kasi nga, mahal mo at may pinagsamahan kayo.”

Bakit kinailangan pang mapanood ng mga kasamahan nila sa Sunday All Stars ang panunuyo niya kay Kylie?

Tugon ni Aljur, “Hindi naman sa ganun.

"Yun ang isa sa mga pagkukulang ko sa kanya, na hindi ko naipakita sa mga tao kung gaano ko siya kamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ay isa sa mga paraan ko para patunayan sa kanya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya bilang lalaki.”

Ipinarating namin kay Aljur ang mga sinabi ni Kylie sa huli naming panayam dito. Sinabi ng young actress na masaya siya sa kanilang relasyon.

Kaya nga ikinagulat namin ang balitang muntik na silang maghiwalay.

“Alam mo naman ang relasyon,” sabi ni Aljur, na ang ibig niyang sabihin ay ang pagkakaroon ng problema o tampuhan sa mga magkakasintahan.



WHERE IS KYLIE? Maraming namataang female celebrities sa Cosmo Bachelor Bash kagabi, September 24.

Naroon sila upang suportahan ang mga boyfriend nilang rumampa; gaya nina Diane Medina (girlfriend ni Rodjun Cruz), Divine Lee (live-in partner ni Victor Basa), at Jasmine Curtis Smith (rumored girlfriend ni Sam Concepcion).

Kaya tinanong namin si Aljur kung bakit wala sa audience si Kylie.

Nakangiting sagot ng morenong aktor, “Well, natuwa ako sa kanya. Masaya po ako dahil binisita niya ako bago ako rumampa.

"Pero hindi po siya nanood.

"Pinuntahan niya ako kanina, ipinagdasal niya ako. Binoost niya yung confidence ko.

"I’m just happy na supportive siya.”

Ano yung words of encouragement ni Kylie para ma-boost ang confidence niya?

“Basta, anything na makakapagpalakas ng loob ko,” sagot ni Aljur.

Inimbita ba niyang manood si Kylie?

“Gusto kong imbitahan, pero alam ko kasing hindi niya hilig ang ganito. Ayaw niyang masyadong nakakakita ng hubad na lalaki.”

Ayaw rin ba niyang ma-expose si Kylie sa ganung klaseng show?

Ani Aljur, “Ako, sa totoo lang, kung ano yung gusto niya, yun ang sinusunod ko. Ayaw talaga niyang mag-ano [manood].

"I’m just thankful na sinuportahan pa rin niya ako kahit hindi siya nanood.”

Saad pa ng hunky actor, “Yun ang hinangaan ko sa kanya.

"Bago ko pa siya imbitahan, sinabi na niya sa akin na ayaw niyang manood.

“Kaya nga ako humanga sa kanya, kasi ayaw nga niyang makakita ng maraming nakahubad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Enough na sa akin na dumating siya kanina bago ako rumampa.

"Isa siya sa mga dahilan kung bakit lumakas ang loob ko. Kasi, talagang kinakabahan ako kanina.

“Isa siya sa mga inspirasyon ko, sa everyday life ko.”

Tungkol naman sa kanyang leading lady na si Kris Bernal, hindi raw nag-effort si Aljur na imbitahan pa ito para manood ng show.”

Aniya, “Sobrang aga ng call time namin.

"Inimbitahan ko sila pati si Ms. Lani, yung EP [executive producer], yung director namin, kahit awkward.

“Pero hindi talaga puwede dahil alas-sais ang call time namin mamaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN