Sharon Cuneta defends husband Kiko Pangilinan against Senator Jinggoy Estrada

Ito ang hamon ni Sharon Cuneta sa makakapagpatunay na may ninakaw sa kanyang PDAF ang dating Senador Kiko Pangilinan: "I will give you P10 million in cash and I will leave my husband."


Ilang oras matapos ang privilege speech ni Senador Jinggoy Estrada sa Senado ngayong araw, Setyembre 25, nag-react sa Twitter si Megastar Sharon Cuneta.

Ito ay dahil pinangalanan ni Senator Estrada ang asawa ni Sharon, si dating Senator Francis Pangilinan, na isa diumano sa mga nagpondo rin sa non-government organizations (NGOs) mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) nito nung nasa posisyon pa ito.

Si Kiko Pangilinan ay naging senador mula 2001 hanggang 2013.

Ayon kay Senator Estrada, hindi raw ito binusisi sa imbestigasyong isinasagawa ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng multi-billion pork barrel scam.

Isa si Estrada sa tatlong senador—ang dalawa pa ay sina Senador Juan Ponce Enrile at Bong Revilla—na kinasuhan ng plunder at malversation of funds noong September 16 ng Department of Justice at National Bureau of Investigation kaugnay ng paggamit nito ng kanyang PDAF.

Bukod kay Pangilinan, ang iba pang mga senador na pinangalanan ni Senator Estrada sa kanyang halos isang oras na talumpati ay sina Miriam Defensor Santiago, Alan Peter Cayetano, at Manny Villar.

Sa kanyang Twitter account na @sharoncuneta12, sinabi ni Sharon na handa siyang magbigay ng pera sa makapagpapatunay na may naibulsang pera ang asawa mula sa kanyang PDAF.

Handa rin daw siyang iwan si Kiko kung mapapatunayan ang akusasyon laban dito.

Ganito raw kasi siya ka-confident na hindi magnanakaw ang kanyang asawa.

Ito ang mga tweet ni Sharon ngayong hapon:

"HUH? WHAT? WHEN? WHERE?!!!! Hahahahahaha if it weren’t so hurtful it would be so funny!!!! Hala MAKALABASAN NA TALAGA DAPAT PARA MAGKAALAMAN NA KUNG SINONG IILAN LANG SA SENADO NA MATITINO."

"If anyone reading this can prove to me that my husband has stolen any amount from his PDAF in his 12 years as senator, I will give you P10 million in cash and I will leave my husband. That is how confident I am. Sorry, HINDI KAMI MAGNANAKAW."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dagdag pa niya, ’HINDI KAMI TULAD NG IBA NA KATA IPAKAIN SA MGA ANAK NAMIN ANG PERANG DI AMIN O DI NAMIN PINAGHIHIRAPAN. HINDI PARE-PAREHO ANG LAHAT NG POLITIKO. DAHAN-DAHAN LANG. DAPAT MAG-UMPISA NANG MAGLABASAN ANG TOTOO NGAYON."

"It is not as hard as people may think. Kung nakukulangan sila sailang papeles o anuman--- isa-isahin niyo ang pinagbigyan ni Kiko ng PDAF. Ask the Baranggay Captains (puwera ako kahit na ako si Madam Chairman! Hahaha) and kung sino-sini pa ang nabigyan. At nang makita ng lahat na walang BOGUS na organisasyon o foundation o sinuman, anuman na napuntahan ang pera kundi mga tunay na govt organizations, legitimate organizations. Ganin lang naman yon. NOW, I HAVE SAID ALL I HAVE TO SAY ABOUT THIS."

"KAHIT TANUNGIN AKO NASAGOT KO NA DITO, SO AYO[K]O NA MAGSALITA TUNGKOL DITO AFTER THIS. MAG-INGAT TAYONG LAHAT. SA PAGSALI SA MALINIS NA PANGAKAN NG IBA PARA MALIHIS SA TOTOONG ISSUE!

"Thanks for reading this. Im working now even if I have been wanting to go into semi-retirement na, because my husband has oly his law firmand his farm & his shares in some restaurants that our friends are experts at running to derive income from, and I have lots of utang to pay for. With all due respect to Kiko, kaya ako nakakapagyweetna akin ang bahay na yan, na ito, na yon, ay di para magyabang kundi para masagot ang ilang malisyosong tanong, at malaman ng tao na sa hirap at dugo’t pawis ko naggaling---HINDI DAHIL himalang YUMAMAN kami nung naging senador ang asawa ko. Ayan.. kasi di kami nagnakaw eh! E di sana may bahay na rin ako sa New York at Paris. Tsk tsk tsk...THE END!"

"Okay , back to work na ako!:-) Moving on na po!!!! Basta malinis ang konsensya , masaya!!! Thanks foe your time. :-)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN