Comelec disqualifies Governor ER Ejercito for "overspending" in May 2013 elections

Umabot sa P6 million ang ginastos ni Governor ER Ejercito sa TV advertisements, kaugnay ng kanyang pangangampanya noong nakaraang eleksiyon. Dahil dito ay nagdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) First Division na i-disqualify siya bilang gobernador ng Laguna.


Napagdesisyunan ng Commission on Elections (Comelec) First Division na idiskwalipika bilang gobernador ng Laguna si ER Ejercito dahil sa kasong “overspending” noong May 2013 elections.

Ayon sa ulat ng GMA News ngayong araw, September 26, inanunsiyo ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na P6 million ang nagasta ni Governor ER sa kanyang TV advertisements.

Hindi pa kasama rito ang ibang ginastos ng 49-year-old actor-politician sa pangangampanya bilang gobernador.

Base sa alituntunin ng Comelec, hanggang P4.5 million lamang ang maaaring gastusin ng isang local candidate para sa election campaign.

Handa raw ang Comelec na panagutin at sampahan ng kaso ang iba pang kandidato na nagkaroon ng violation noong nakaraang eleksyon.

Giit ni Chairman Brillantes, “Hindi kami nagbibiro.”

Nakasaad sa resolusyon ng Comelec na ang isang kandidatong nangangampanya ay hanggang tatlong piso lang ang puwedeng gastusin para sa bawat botante.

Ang Laguna, kung saan muling nahalal na gobernador si ER, ay may nakatalang 1,525,522 na botante.

May limang araw si Governor ER para magsumite ng motion for reconsideration kaugnay ng kanyang disqualification.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN