Cousins Sunshine Cruz and Sheryl Cruz finally bury the hatchet

Pagkatapos ng ilang taong hindi pag-uusap ay nagkaayos na ang magpinsang Sunshine Cruz (kaliwa) at Sheryl Cruz. Kuwento pa nga ni Sunshine ay nagbabalak silang magbakasyon ni Sheryl sa Europe na silang dalawa lang.


Bagamat magtatapos na ang ABS-CBN afternoon soap na Dugong Buhay, hindi pa rin mawawala sa timeslot na ito ang aktres na si Sunshine Cruz.

Kasama rin kasi siya cast ng papalit na programa rito, ang Galema. Bida rito si Andi Eigenmann.

Kasama rin sa Galema ang pinsan ni Sunshine na si Sheryl Cruz, na nakaalitan niya ng matagal na panahon.

Nag-ugat ang alitan ng magpinsan at iba pa nilang mga kamag-anak dahil sa hindi pag-uwi noon ni Sheryl, mula sa Amerika, nang yumao ang ama nitong si Ricky Belmonte noong 2001.

Ngayon ba ay masasabing wala na silang galit sa isa’t isa?

Lahad ni Sunshine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakakatuwa, kasi after more than ten years, ngayon lang kami nagkakausap ni Ate Sheryl.

"And it was me na nauna sa kanya. Sa story conference ng Galema, magkatabi kami, nauna ako.

“Then, nang dumating siya at nakaupo na sa tabi ko, tinanong ko siya nang diretso: ‘Ate She, bakit ka ba nagalit sa akin?’

“Of course, nagkaedad na kami at pareho na kaming may anak. So, nandoon na yung confidence ko na tanungin siya nang diretso.

"Dati kasi, hindi ko siya madiretso.

“Sabi ko sa kanya, ano ba talaga ang ikinagalit niya sa akin. Kasi, never naman akong nagsalita ng kahit na ano against her.

“Tapos, sabi niya sa akin, na nadamay lang daw ako sa mga pinagsasabi ni Geneva. Kasi, alam niya, close talaga ako kay Geneva."

Si Geneva Cruz ay pinsan din nina Sunshine at Sheryl.

Patuloy niya, “Sabi ko, ‘That’s unfair.’ I have always respected yung pagiging magkamag-anak naming lahat.

“Sa totoo lang naman, never akong nagpa-interview at nagsasabi ng dapat niyang ikagalit. At wala akong sinasabing pangit against Ate She.

“Sabi niya sa akin, ‘Okay na yun, huwag na nating pag-usapan.’

"And that’s it. Nag-hug na kami at wala nang problema sa aming dalawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BONDING. Panay na nga raw ang pag-uusap nilang dalawa ngayon sa set, at maski sa telepono ay madalas din silang nagkukumustahan.

Banggit pa ni Sunshine, “And now, we are planning na magkaroon ng European trip para makakita daw kaming pareho ng mga Europeans.

“Kami lang, at hindi na raw namin muna isasama ang mga anak namin. Kumbaga, bonding naming magpinsan.

“Sabi ko nga sa kanya na dapat magka-lovelife na siya dahil ang ganda- ganda pa rin niya.

“Sabi niya sa akin, paano raw siya magkaka-lovelife?

“Sabi ko sa kanya na lumabas naman siya sa lungga niya, or yung hindi na lang parati na lang siyang nagkukulong sa bahay niya.

“Pero sabi niya sa akin, e, ayaw naman daw niya talaga ng Pinoy.

“Pero ako, kung ano ang ibibigay sa akin, e, okay lang kung wala o happy na rin naman ako.”

Hiwalay na rin sa asawa si Sheryl.



GENEVA CRUZ. Nabaling naman ang usapan sa isa pa nilang pinsan na si Geneva Cruz. Nabanggit ni Sunshine na ikakasal na naman ito.

“Korek, ikakasal siya ulit at ang guwapong-guwapo ng mapangasawa niya. Mahal na mahal siya ng kanyang fiancé.

"At kung ano man ang dumarating na magaganda sa mga pinsan ko, e, matutuwa talaga ako.”

Kung masaya na si Geneva ngayon, hindi ba sila naiinggit ni Sheryl?

Tugon ni Sunshine, “Well, happy na rin naman kami sa mga anak namin at yun naman ang pinaka-importante.

"Hindi ka naman kailangang magkaroon ng lovelife para maging masaya."

NEW OPPORTUNITIES. Samantala, nagpapasalamat si Sunshine sa pagkakasali niya sa afternoon soap ng ABS-CBN na Dugong Buhay.

Ito raw kasi ang nagbukas ng panibagong oportunidad sa kanya mula nang bumalik siya sa showbiz, pagkatapos makipaghiwalay kay Cesar Montano.

Sabi ni Sunshine, “Malaki ang utang na loob ko sa programa, sa director, at sa mga taong nagtitiwala sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, sino ba naman si Sunshine Cruz para mabigyan ng ganitong klaseng pagpapahalaga?

“Kumbaga, ang dami-daming puwedeng pagbigyan ng role na ito, pero sa akin nila ipinagkatiwala. Sumugal sila sa akin.”

Ayon kay Sunshine, dahil sa pagbabalik-showbiz niya ay nagkasunud-sunod din ang endorsements at offers sa kanya.

Lahad niya, “Noong nag-decide akong hiwalay na talaga kami ng asawa ko, grabe ang dumating na offers sa akin, mga endorsements.

“Kaya wala talaga akong karapatang malungkot o magreklamo, kasi ang daming mga magagandang blessings na dumarating.

“Kumbaga, pinalitan ng Diyos ang kalungkutan ko ng sobra-sobrang blessings.

“Yung alam mo na gusto mong malungkot at mag-emote, e, nag-heal na lang bigla dahil sa mga trabahong ibinigay Niya sa akin.

“Dahil doon, nawala na lang basta ang sugat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN