Derek Ramsay deactivates Instagram account; ignores rumored sex video of Cristine Reyes and Rayver Cruz

Aminado si Derek Ramsay na sinasagot niya ang kanyang bashers, pero hindi raw ito ang pangunahing dahilan kung bakit niya isinara ang kanyang Instagram account.


Inamin ng aktor na si Derek Ramsay na isinara na niya ang kanyang Instagram account, @kingderekramsay.

“I just felt that I wanna be a bit more private,” paliwanag ni Derek tungkol sa desisyon niyang ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Derek sa launching ng augmented reality treat ng Dunkin’ Donuts kaninang tanghali, September 26, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Ayon sa Kapatid actor, bagamat isinara na niya ang kanyang Instagram, active pa naman ang Twitter account niya para i-update ang kanyang supporters.

"I have my Twitter account to keep my fans posted on what I’m doing. That’s still there."

Inamin din ni Derek na nagbukas siya ng panibagong Instagram account, "but I’m going to keep that private for now."



AFFECTED BY BASHERS. Tinanong ng PEP si Derek kung may kinalaman ang bashers niya sa pagsasara ng kanyang Instagram account.

“Yeah, minor," pag-amin niya.

"It did get to me that people could be so hurtful.

"But, it’s funny when you open their accounts and there’s only one follower, no posts."

Inamin din ni Derek na sinasagot niya ang kanyang bashers sa Twitter.

Aniya, “You’ve been following my Twitter account for the longest time, I answer bashers back.

“Everybody has their limit and it gets to you. But if they can express themselves—even if it’s not positive, but it’s in a respectful way—I’ll respect that."

Hindi raw maatim ni Derek kapag below-the-belt ang pagtirada sa kanya.

"Sometimes, di na opinyon. That I can’t respect, but I will not disrespect. So, for me, it’s better to avoid it.

“People see negative things about me. But, put it in a proper way, I admire people like that.

"I can’t make everybody like me—I won’t even try.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is me, like me or don’t like me. It’s just how it is.

"You cannot make everybody like you. “



ON CRISTINE’S ALLEGED SEX VIDEO. Samantala, hindi namanapektado si Derek sa mga naglabasang isyu tungkol sa diumano’y sex video ng girlfriend niyang si Cristine Reyes at ex-boyfriend nitong si Rayver Cruz.

Ani Derek, nakatanggap din siya ng text tungkol dito—gaya rin ng marami—pero alam niya na spam lang ito.

“I got the text too. I didn’t bother to open it.

"I know what it is. It’s a blast text. I didn’t bother."

Hindi raw sigurado si Derek kung alam na ni Cristine ang tungkol dito.

“She never spoke to me about it. I never spoke to her about it. Di kami nag-uusap abou it.

"Di ko alam kung alam niya. Di namin pinag-uuspan.

"Even if there is, it doesn’t matter.”



NOT THE JEALOUS TYPE. Hindi rin daw nababahala si Derek kung malapit pa rin si Cristine sa mga dati nitong kasintahan, gaya nina Dennis Trillo at Rayver Cruz.

“Hindi ako yung selosong type. Not at all," paniniyak ni Derek.

Tungkol sa pagiging close ni Cristine sa pamilya ni Dennis, ani Derek, “We talk about it all the time. She tells me she’s close to the sibling. They follow each other on IG."

Wala rin daw kaso kay Derek ang pagiging magkatrabaho ngayon nina Cristine at Rayver sa ABS-CBN primetime series Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Diin pa ng aktor, "No, there’s really no problems with exes."

Nagkaroon na ba sila ng pagtatalo ni Cristine pagdating sa mood swings ng aktres, gaya sa trabaho? Noon pa man ay may mga naisulat na sa diumano’y pagiging moody ni Cristine sa taping, lalo na kapag pagod ito.

Sabi ni Derek, “It’s very early [to tell].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Cristine is my friend. I’ve known her for years.

"I know what she’s like, we all know what she’s like.

"But we’ll see if she’ll have an episode with me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN