Maja Salvador says she and Gerald Anderson are still together

Tiniyak ni Maja Salvador na sila pa rin ni Gerald Anderson sa kabila ng mga isyung lumalabas na hiwalay na umano sila. “Para sa akin, never ka dapat mag-doubt sa ka-partner mo. Ang pinakaimportante kasi sa akin, yung actions,” pahayag ng aktres.


Hindi na nagulat si Maja sa mga lumalabas na isyung nagkakalabuan na sila ng boyfriend na si Gerald Anderson.

Dulot umano ito ng pagkaka-link ni Gerald kay Dawn Jimenez, ang kanyang leading lady sa pelikulang OTJ, kung saan nagkaroon sila ng intimate scene.

Ipinagtanggol ni Maja si Gerald.

“Ganun naman, hindi po mawawala ‘yon. Halos lahat mag-aabang ng breakup n’yo, at kung sino ang susunod sa inyo,” paliwanag ng aktres sa kanyang Maja Unveils @ 10 press conference, sa ABS-CBN Compound, noong Setyembre 24, Martes.

“Ang pinakaimportante, alam niyo sa isat-isa, pinoprotektahan niyo ang isat-isa, at may tiwala kayo sa isat-isa.

“Dahil nasa industriya kami, mali-link at mali-link talaga," pahayag ni Maja.


LOVE AND TRUST. Tiniyak ni Maja na may tiwala siya sa boyfriend.

“Kung may tiwala ka sa isang tao, panindigan mo ang tiwalang ‘yon kasi mahirap pag nag-doubt ka sa isang taong malapit sa ‘yo.”

“Para sa akin, never ka dapat mag-doubt sa ka-partner mo. Ang pinakaimportante kasi sa akin, yung actions.”

Tinanong ba niya si Gerald tungkol sa pagkaka-link ng binata kay Dawn?

“Hindi na kailangang tanungin,” sagot ni Maja. “Mas importante ang actions sa akin kesa sa sabi-sabi lang.”

Masasabi bang 100 percent ang tiwala niya sa boyfriend?

“Kailangan. Sa akin po, sa umpisa ng relasyon yung trust talaga… kasi pag ‘yon ang ibinigay mo, yun ang babalik sa ‘yo. Kung ano ang ibinigay mo, yun ang ibabalik sa ‘yo.”

Sa katunayan nga raw ay nag-meet na sila ni Dawn.

“Actually, in-invite ko siya sa special screening,” paliwanag ni Maja, na tinutukoy ang pelikulang OTJ.

Okay ba sila ni Dawn?

“Oo. Alam mo, sa industriyang ito, hindi naman talaga mawawala ang pagli-link sa ka-partner natin sa isang pelikula, at sa akin normal na lang ‘yon.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja kung naapektuhan ang relasyon nila ni Gerald dahil sa love scene nina Gerald at Dawn sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Artista kami, ano ba ‘yon? She’s on the job,” sagot niyang may halong biro.

Sa madaling sabi, sila pa ba at walang katotohanan ang mga sabi-sabing nagkahiwalay na sila?

“Oo naman. Ano ba ‘yon! Mukha ba akong may pinagdadaanan?” sagot ni Maja.


10 YEARS IN THE BIZ. Para sa kanyang ika-10 taon sa industriya, naglunsad si Maja ng kanyang concert tour na Maja Unveils @ 10, kung saan nililibot niya ang ibat-ibang lugar sa bansa para makapag-perform.

“Bilang 10 years sa industriya, parang ano bang bago ang pwede kong i-offer? Ano bang pwedeng bago nilang pwedeng makita sa akin?

“So parang, yung handler ko, sabi, ‘Nakakakanta ka. Mag-voice lessons ka.’ Sabi ko, ‘Parang gusto kong maging total performer.’

"Gusto kong yung nagsi-sing and dance. Sana soon gusto kong mag-concert."

Para sa next leg ng kanyang concert tour, pupunta si Maja sa Bacolod, sa October 12, at sa KCC Mall General Santos City sa November 9, 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN