Cesar Montano refuses to answer Sunshine Cruz’s statements against him: "Ano ang makukuha ko para linisin ang sarili ko?"

Ilang araw pagkatapos ng interview ni Sunshine Cruz sa The Buzz, si Cesar Montano naman ang nagpaunlak ng interview sa Startalk. Ngunit tumanggi ang aktor na saguting isa-isa ang mga pahayag ng asawa laban sa kanya.


Pagkatapos ng panayam ni Sunshine Cruz sa The Buzz ng ABS-CBN noong Linggo, September 22, ang asawa nitong si Cesar Montano ay nakausap naman ng Startalk ng GMA Network.

Naganap ang panayam ng Startalk co-host na si Ricky Lo kay Cesar noong Martes, September 24.

Sinorpresa ng aktor ng isang pagbati ang panganay niyang anak na si Angelina, na nagdiwang ng kanyang 13th birthday sa pinapasukang paaralan nito.

Bago umupo si Cesar para sa exclusive interview ay nagpasabi na itong hindi niya sasagutin ang lahat na mga sinabi ni Sunshine sa The Buzz laban sa kanya.

Sa naunang panayam ni Sunshine ay inilahad niya ang kanyang saloobin sa labintatlong taong pagsasama nila ni Cesar bilang mag-asawa at kung bakit siya nagdesisyong tapusin na ito.

(Read: Sunshine Cruz compares fighting for husband Cesar Montano to a "beauty contest")

Paliwanag ni Cesar, ayaw niyang siraan ang ina ng kanyang mga anak. Iniiwasan din daw niyang magsiraan pa silang lalo ni Sunshine sa publiko.

“To be quite honest, she’s the mother of my children.

"I’m not gonna use this interview para sabihin kung ano yung mali niya, kung ano yung mga pangit sa kanya, dahil ayokong masira ang tingin ng mga anak ko sa kanya.

"Hindi ko gagawin yun, hindi ko gagawin yun.

"And I know my children love her as their mother, and dapat, ganun din ako.”

FORMER BOLD STAR. Sa kabila ng pakiusap ni Cesar, naitanong pa rin ni Ricky ang tungkol sa sinabi ni Sunshine, na laging pinapaalala ng aktor ang pagiging "bold star" niya noon tuwing nagtatalo sila.

Sabi ni Sunshine sa kanyang interview: “Siguro, merong mga tao na hindi makalimot sa past ng ibang tao. And he would always tell me na dati kasi akong bold star.

“Masakit, kasi kahit naman naging ganoon ako, first boyfriend ko yun, e. So... saka thirteen years na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag nag-aaway, ikaw ang may ginagawa, tanggapin mo. Huwag mong ibalik ang past. Pelikula yun, e.

"So, yun yung masakit sa akin. Palagi mong ibinabalik, trabaho.”

Sagot naman ni Cesar dito, “Alam mo, Ricks, ano, I’d love to talk about that, to tell them kung sino ang may mali, sino ang tama.

“But, ano ang makukuha ko para linisin ang sarili ko? No.

"But, ako, ayoko nang pag-usapan ’yan. I’m not here para, you know, to wash dirty linen.

"Ang maaapektuhan kasi, ang mga bata. Nandito lang tayo ngayon para batiin si Angelina sa birthday niya.”

COURT MEETINGS. Ayon kay Cesar, maayos naman ang usapan nila ni Sunshine sa korte, pagdating sa hatian ng araw sa mga anak nila.

Kaya sa kaarawan ng kanilang panganay, wala si Sunshine, dahil kay Cesar ang araw na iyon para sa kanilang tatlong anak.

Malungkot man daw sabihin, pero nagkakanya-kanya na sila ng oras para sa kanilang mga anak.

Sa ngayon ay malabo na raw na magkasama ang kanilang buong pamilya.

Sabi pa ni Cesar, nagkakausap lang sila ni Sunshine pagdating sa mga bata—at sa harap ng judge daw nila ito napag-uusapan.

“Nakakatuwa yung judge namin dahil pinag-usap na lang kami.

"Pero may gag order, e. Nag-agree kami sa mga bagay na hindi…

"Nakakatuwa yung judge na yun, si Judge Bautista, dahil naiintindihan niya yung sitwasyon.

“Sabi niya, ’Huwag kayong magsisiraan. Huwag kayong magsasabi ng di maganda, kasi naaapektuhan yung mga anak.’ And I appreciate that.

“Sabi ko nga, sa mga bagay na ganito, mas sila yung nagsa-suffer,” pagtukoy ni Cesar sa mga anak nila.

Dagdag ng aktor, sinusunod lang niya kung ano ang order mula sa korte.

Pero pagdating sa obligasyon bilang ama at asawa pa rin ni Sunshine, hindi naman daw siya nagkukulang.

THE HOUSE. Dahil si Sunshine ang umalis ng kanilang bahay, naghanap ang aktres ng bahay na marerentahan nila ng kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nilinaw ni Cesar na siya ang nagbabayad ng upa ng bahay na tinitirhan ni Sunshine, pati ang tuition fees ng mga bata.

Gusto man daw niyang si Sunshine ang maiwan sa bahay nila, dahil ipinagawa nga raw ni Cesar yun para sa kanila, ayaw naman daw ng aktres. Gusto na raw talaga nitong umalis ng bahay.

Kuwento pa ni Cesar tungkol sa pagrerenta ng bahay ngayon ni Sunshine, “It was her mom who got that house.

“Ang mommy niya yung kumuha ng bahay, naghanap ng bahay para sa kanila.

"Mommy niya rin ang nag-furnish nun.

“Of course, it wasn’t my idea. Siyempre, against ako dun sa idea.

"Pero, I’m the one paying the house ever since.

"Lalo na ngayon, ako nagbabayad, dahil kasi talagang order ng court yun, na talagang ako magbabayad nun.

"Simula’t sapul, ako na talaga. From day one, ako na talaga."

Bayad na rin daw nang buo ang tuition fees ng mga bata.

“Paid in full na yun. For the entire year, binayaran na.

"Gusto ko binabayaran na lahat para wala na ako iniisip for the entire year,” sabi ng aktor.

THE LOVE IS STILL THERE. Hindi na raw maisip ni Cesar kung ano ang kahahantungan ng problema nila ni Sunshine ngayon. Pero umaasa siyang hindi sana maapektuhan nang husto ang kanilang mga anak.

Samantala, inamin ni Cesar na may pagmamahal pa rin siya kay Sunshine, bilang ina ng kanilang tatlong anak.

Hindi naman nito masagot ang tanong kung sa tingin niya’y mahal pa rin siya ni Sunshine.

“Hindi importante kung ano ang nararamdaman niya sa akin.

"Ang importante, kung ano ang nararamdaman. What you can give, hindi yung what you can receive, e.”

Safe din ang sagot ng aktor sa tanong tungkol sa posibleng pagbabalikan nila.

Aniya, “Kung magkakabalikan kami, hallelujah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung hindi kami magkakabalikan at kami’y magiging magkaibigan for our kids, well, praise God. Sa akin, okay yun.

“Everything works together for good, sabi nga.”

Mapapanood ang kabuuan ng panayam ng Startalk kay Cesar sa Sabado, September 28.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN