Megan Young’s "topless photos" draw controversy one day before Miss World 2013 pageant

Isang araw bago ganapin ang Miss World 2013 sa Bali, Indonesia, sumulpot ang ilang fans na nagrereklamo sa diumano’y "naked pictures" ng kandidata ng Pilipinas na si Megan Young. Nailathala ang naturang artikulo sa isang online site sa U.K.


Bukas, September 28, ang coronation night ng Miss World 2013. Gaganapin ito sa Bali Nusa Dua Convention Center, Bali, Indonesia.

Tulad ng mga nakaraang international beauty pageants, sinasabi na malaki ang tsansa na makuha ng Philippine representative ang Miss World crown. Ngayon ay turn naman ni Megan Young.

Pero isang araw bago ang coronation night, kumalat ang mga litrato ni Megan na na-publish sa March 2012 issue ng isang men’s magazine.

Sinasabing topless photos ang mga ito, ngunit nang nakita ng writer na ito ang litrato, malinaw na wala mang saplot na pang-itaas si Megan, nakadapa ito sa buhangin o kaya’y nakatayo na nakatalikod.

Ibig sabihin, walang nakikita sa kanyang maselan na bahagi ng katawan. Sexy na matatawag ang mga litrato, ngunit hindi nude.

Lumabas sa U.K. edition ng International Business Times, isang New York-based online publication, ang balita tungkol sa controversy ng "topless photos" ni Megan, dahil sa reklamo diumano ng nagagalit na fans.

Sinabi sa artikulo na si Megan ay "one of the top contenders" at "early favourite" upang makuha ang korona ng Miss World ngayong taon.

Pero ilang fans daw ang kumukuwestiyon sa "topless photos" na ito ni Megan.

Nagtatanong din daw ang ilan kung magsasagawa ng protesta ang Indonesian group ng mga religious and feminists sa "naked pictures" ni Megan.

Ito ang bahagi ng report ng International Business Times:

“The most recent contestant to join the controversies is Miss Philippines, Megan Young. Having made it to the top ten of two contests—Beach fashion and Top Model—at the Miss World 2013 pageant, Young is one of the top contenders predicted to win the coveted Miss World crown during the finale.

“However, topless photos of Megan Young, an early favourite among pageant’s fans, that appeared in the March 2012 issue of Rogue Magazine have surfaced and drawn ire from the fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Rules are rules when it comes to the Miss World beauty contest it seems that contestants’ taking their clothes off is a clear breach of the laws,’ a user wrote to IBTimes UK on condition of anonymity.

“’A beauty queen is somebody that is a good role model inside and out and obviously is a beautiful person. It’s not just about exterior beauty; a beauty queen has to have outstanding morals, elegance, femininity and class. And that’s what everybody thinks it is. Beauty queens should be seen as role models not sex object.’

"The user asks: ’Will an Indonesian group of religious and feminist launch a protest on Megan Young’s naked pictures? How will Miss World Organization and Indonesian government handle this issue?’

“Notwithstanding any of these controversies, the Miss World Organisation is readying to host all the 130 contestants on the Miss World 2013 finale. Both Miss Philippines and Miss Uzbekistan remain listed on the pageant’s official website.”

Ang kandidata ng Uzbekistan na si Rakhima Ganieva ay inakusahan naman ng fraud.

Sinabi ni Ganieva sa mga interview sa kanya, na nanalo siya sa national pageant sa kanilang bansa noong July. Ngunit ayon sa mga opisyales ng Uzbekistan ay walang ginanap na pageant sa kanila.

Hindi pa naglalabas ng statement ang Miss World Organization tungkol sa "topless photos" controversy na kinasasangkutan ni Megan.

Pero nakakuha ng kakampi si Megan mula sa mga kababayan niya, na pinutakti ang comments section ng International Business Times.

Inakusahan nila ito ng "irresposible journalism."

Sinisiraan lamang daw nito ang Filipina actress-TV host, na strong contender para sa Miss World crown and title.

Iginiit ng mga tagapagtanggol ni Megan na artistic, hindi topless, at walang bahid ng kalaswaan ang kanyang sexy pictorial.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN