Kristoffer Martin on teamup with Julie Anne San Jose: “Happy ako… medyo bothered lang sa mga fans.”

Sinabi ni Kristoffer Martin na marami siyang naging girlfriends bago naging sila ni Joyce Ching. "Pero hindi siya ganoon kaseryoso as now. Siguro, yun nga, unexpected love," paglalarawan ng young actor sa relasyon nila ngayon ng kasintahan.


Usap-usapan na maraming hindi pabor sa tambalan nina Kristoffer Martin at Julie Anne San Jose sa bagong primetime drama series ng GMA Network, ang Kahit Nasaan Ka Man.

Base sa Twitter at iba pang social networking sites, may mga fans na hindi sang-ayon sa desisyon ng GMA na pagsamahin ang dalawa sa serye.

Naging malaking hamon naman kay Kristoffer ang pagkakataong naibigay sa kanya ng istasyon para masubok ang bagong loveteam nila ni Julie Anne.

Aminado rin si Kristoffer na hindi agad sumagi sa isip niya ang pagiging romantic lead sa Kahit Nasaan Ka Man.

“Noong una, hindi siya nagsi-sink in sa akin. Kasi, for me, it’s work lang.

“Pero, as days go by na nagtatrabaho na kami, parang meron naman, meron naman.

“Hindi naman siya ganoon kalakas, pero meron,” pagtukoy niya sa chemistry nila ni Julie Anne.

Hindi rin akalain ni Kristoffer na magiging topbilling at malaki ang larawan niya, kasama si Julie Anne, sa billboard ads ng programa nila.

“Akala ko po, kaming tatlo ni Lucho [Ayala]... ang kinis ng mukha ko doon!” biro pa niya.



BAGONG PUTAHE. Ang loveteam nina Kristoffer at Julie Anne ay masasabing bagong putahe sa mga manonood, dahil “identified” pa rin ang young singer-actress sa unang ka-loveteam nitong si Elmo Magalona.

Pananaw ni Kristoffer dito, “Hindi namin hinahayaang pumasok sa amin ang issue na ito.

"From the start, before this happened, magkaibigan na kami ni Elmo.

“Kilala namin ang isa’t isa.”

Giit niya, “Okay kami, okay kami—as in.

“Nag-uusap kami, sa laro, lagi kaming naglalaro.”

Madalas maglaro sina Kristoffer at Elmo ng online video game na L.O.L (League of Legends).

As for his teamup with Julie Anne, sabi rin ni Kristoffer, “Happy ako… medyo bothered lang sa mga fans.

“Pero ako kasi, I don’t mind.

“Sa akin lang, as long as may trabaho ako, happy ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung saan man dadalhin itong trabaho namin ni Julie Anne, so be it.”



GOING STRONG. Bukod sa pahayag na ito ni Kristoffer, maaring ikapanatag ng JuliElmo fans ang relasyon ng young actor sa girlfriend niyang si Joyce Ching.

Kapansin-pansin kasi na makuwento si Kristoffer tungkol kay Joyce, kahit hindi ito ang katambal niya sa ipinu-promote na primetime soap.

When asked kung gaano na sila katagal ni Joyce, sagot ni Kristoffer: “Two years, seven months.”

Inamin ng binata na marami siyang naging girlfriends bago si Joyce.

“Hindi ako nagbibilang, pero feeling ko, madami na,” nakangiting sabi niya.

Pero bago siya mapagdudahan na naglalaro lang sa pakikipagrelasyon sa mga babae, sabi ni Kristoffer, “Noong high school lang po yun.

"Ako kasi, more on flings.

“Actually, hindi ko siya kinu-consider as girlfriend, more on flings lang—MU [mutual understanding].

“First time kong magseryoso, kay Joyce.

"Hinagilap ko yung sarili ko, yun talaga.

“Meron akong naging girlfriends, pero hindi siya ganoon kaseryoso, as now.”


UNEXPECTED LOVE. Ano ba ang mayroon si Joyce na wala sa ibang naging girlfriends niya?

“Hindi ko din nga alam, e!” natatawang wika ni Kristoffer. “Hindi ko rin alam.

“Siguro, yun nga, unexpected love."

Pag-amin pa ng binata, “From the start, ayaw ko sa kanya, e. Parang ayaw namin sa isa’t isa.

“Tapos, yun nga, hindi namin masabi lahat.

“Opposites do attract.”

Unang nagkasama sina Kristoffer at Joyce sa dating primetime series ng GMA-7 na Endless Love, kung saan gumanap sila bilang mga batang Dingdong Dantes at Nadine Samonte.

Si Kathryn Bernardo (bilang batang Marian Rivera) pa noon ang katambal ni Kristoffer.

Nang ilunsad ng ABS-CBN si Kathryn into full stardom via Mara Clara, ipinareha naman ng GMA-7 si Kristoffer kay Joyce sa teen-oriented series na Tween Hearts.

Ngunit pagkatapos nilang magtambal sa ilang proyekto ay nagdesisyon ang GMA management na buwagin muna ang kanilang loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mabibigyan uli ng pagkakataong magkatambal sila ni Joyce, okay lang ba kay Kristoffer?

“Okay lang,” sagot niya. “Actually, hoping nga ako na magkatrabaho uli kami.”

Kumusta ang communication nila ngayon ni Joyce, habang hindi sila magkatrabaho?

“Text-text... yun lang, cell phone lang.

“Tapos, pag free kami, we make it a point na magde-date kami, manonood kami ng movie.”



ON COCO MARTIN. Samantala, sinasabing may pagkakahawig daw si Kristoffer sa Kapamilya actor na si Coco Martin.

Nangingiting reaksiyon ni Kristoffer dito, “May nagsasabi nga po, ‘kapatid’ ko raw si Coco.

“Siya naman po, hindi ‘Martin’ ang totoong [family] name… Rodel Nacianceno po siya.

“Ako po, Kristoffer Martin talaga. Kristoffer Martin Dangculos, ‘yan po ang tunay kong pangalan.”

Okay ba sa kanya kung magkatrabaho sila ni Coco sa isang proyekto?

“Okay lang po. Idol ko din naman siya, e,” sagot ng Kapuso young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN