(UPDATED) Raymart Santiago submits details of Claudine Barretto’s alleged drug dependence in his counter-affidavit

Raymart Santiago’s counter-affidavit illustrates Claudine Barretto’s alleged drug addiction: "Contrary to Complainant’s allegation, she would inject prescription and other prohibited drugs on herself to sedate her body, as she claims, or to remove the pain that she feels..."


Ang paggamit diumano ng droga ni Claudine Barretto ang isa sa mga matinding rebelasyon ni Raymart Santiago sa isinumite nitong counter-affidavit sa Office of the City Prosecutor ng Marikina noong Setyembre 24.

Ang counter-affidavit ni Raymart ay sagot sa complaint-affidavit ng asawang si Claudine, na nagpaparatang sa kanya ng physical, verbal, psychological, at economic abuse.

Ayon sa aktor, ang mga akusasyong ito ni Claudine ay ginawa ng aktres upang pagtakpan ang sariling “disturbed mental state” at “violent behavior,” gawa ng pagkalulong diumano ng aktres sa droga.



REHAB PROGRAM. Sa counter-affidavit, isang pruwebang binanggit sa sinasabing drug problem ni Claudine ay ang pagsasailalim umano ng aktres sa rehabilitation program ng isang ospital, noong Enero ng 2011.

Ayon sa salaysay ni Raymart, mismong mga kaanak ni Claudine ang nagdala sa aktres sa ospital:

"No less than Complainant’s own family took the initiative and had her admitted at The Medical City for rehabilitation.

"They were hoping that Complainant would be treated so she could live a normal life without depending on prohibited or regulated substances for her daily sustenance.

“This was the instance that Complainant mentioned in her Complaint-Affidavit when I cooperated with her family to take her to Medical City in the guise of visiting her father.”

Kalakip ng counter-affidavit ni Raymart ay ang resulta ng Screening Drug Test Report ni Claudine noong January 24 at 28, 2011.

Isinumite rin ng aktor ang medical certificate mula sa The Medical City, na may petsang February 2, 2011, na nagpapatunay na si Claudine, (quoted as is): “sought consult and was assessed to have Anxiety Disorder.”



EVIDENCE OF DRUG USE. Binanggit din sa counter-affidavit na ang paghahabi diumano ni Claudine ng mga kasinungalingan ay epekto ng pagkalulong ng aktres sa droga.

Halimbawa raw nito ang akusasyon ni Claudine na tinurukan siya ni Raymart ng ketamine.

Napag-alaman ng PEP, sa abovetheinfluence.com, na ang ketamine ay isang uri ng matinding tranquilizer na ginagamit para sa tao at hayop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang side effects ng ketamine, sabi naman ng counter-affidavit ni Raymart, ay ang mga sumusunod: “analgesia, anesthesia, hallucinations, elevated blood pressure, and bronchodilation.”

Mariing itinanggi ni Raymart na tinurukan niya ng ganitong gamot si Claudine:

"The worst of the Complainant’s delusion is her preposterous claim that I injected ketamine on her. Had I done it on Complainant, the syringe’s needle would certainly break while being forcefully administered as Complainant would naturally resist the same."

Ayon sa aktor, si Claudine mismo ang nagtuturok ng mga ipinagbabawal na gamot sa sarili nito:

"Aside from Ketamine, Complainant also abused herself with marijuana, Nubain, Duromine, Clonotril, Dormicum, and Soniphen on a daily basis."

Ginagawa raw ito ni Claudine, ayon kay Raymart, “in order to sedate her body, as she claims, or to remove the pain that she feels.”

Bilang ebidensiya, isinumite ni Raymart ang affidavit ng isang witness—na sinabi niyang dati nang may close access sa kanilang mag-asawa—na nagbigay ng sinumpaang salaysay at actual video footage.

Personal daw na nasaksihan ng witness ang "pagtuturok" ni Claudine sa sarili ng prescription drugs, kasama na ang Nubain at Soniphen.

Sa pananaliksik ng PEP, ang Nubain, ayon sa MedicineNet.com, ay isang brand ng nalbuphine, isang uri ng narcotic pain reliever na maihahalintulad sa morphine.

Ang Sodiphen naman ay isang brand ng gamot na naglalaman ng diphenhydramine.

Ayon sa Wikipedia, ang diphenhydramine ay isang uri ng first-generation antihistamine na gamot sa allergy. Isa sa side effects nito ay pampatulog para sa, halimbawa, mga may insomnia.

Sinabi ng witness sa nilagdaang statement para sa korte, "maraming beses" niyang personal na nakita ang paggamit umano ni "Ms. Claudine" ng prescription drugs.

Nakuhanan pa nga raw niya ang aktres ng video na nagtuturok umano ng Nubain at ng Soniphen sa sariling "braso" at "hita."



MARIJUANA. Bukod sa mga nabanggit na droga, lulong din daw si Claudine sa marijuana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Raymart: "There was even an instance when Complainant inhaled marijuana in the presence of our daughter..."

Pinagtibay din ito ng kanyang witness sa sinumpaang salaysay.



ABSENTEE PARENT? Sinagot din ni Raymart (sa counter-affidavit) ang akusasyon ni Claudine (sa complaint-affidavit), na isa siyang pabayang ama.

Bilang patunay, binanggit ni Claudine ang pag-iwan ni Raymart sa kanilang mga anak.

Sagot ng aktor, kaya niyang patunayan ang pagmamahal sa mga anak, na nagkakaedad ng siyam at seis.

Regular pa rin daw niyang nabisita ang mga anak matapos siyang umalis sa bahay nila ni Claudine, sa Loyola Grand Villas, noong March 17, 2013.

Patunay raw nito ang mga masasayang larawan niya, kasama ang mga anak, noong: “March 22; April 4, 9, and 13; May 18, 19, and 25; and July 23.”

Sinabi rin ni Raymart na, kahit noong bago siya umalis ng bahay, madalas ay siya ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng mga anak.

Si Claudine naman daw ay madalas tulog.

Kaugnay ng mga pahayag ni Raymart ay ang salaysay muli ng kanyang witness, na nakalakip sa counter-affidavit.

Dito ay sinabi ng witness na "tulog... maghapon" si Claudine. Kaya rin daw si Raymart ang taga-attend ng mga PTA (Parent-Teacher Association) meetings at tagadala sa mga bata sa simbahan pag Linggo.

Sa kasalukuyan ay bawal bumisita si Raymart sa mga anak, dala ng Temporary Protection Order (TPO) na ibinigay ng korte kay Claudine.

Naaprubahan ang TPO noong July 29, 2013.

Dinidinig na rin ang petisyon ni Claudine para sa Permanent Protection Order (PPO) laban kay Raymart.



CLAUDINE’S REACTION. Dalawang beses nakontak ng PEP ang abugado ni Raymart, si Atty. Ruth Castelo ng Castelo & Associates Law Office, upang klaruhin ang counter-affidavit ng kanyang kliyente, na nakuha namin mula sa isang source.

Una ay noong Setyembre 26, nang tanungin namin kung may gag order sa kliyente niya.

Sagot ni Atty. Castelo sa text message: "There is no gag order yet."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganito rin ang sinabi niya, sa telepono, sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan noong Setyembre 27, nang alamin namin kung maaaring gamitin ang laman ng nakuha naming counter-affidavit ni Raymart.

Bago noon, paliwanag ni Atty. Castelo, sa text, noong Setyembre 26: "Everything that we stated in the affidavit are facts as narrated by Raymart. These are actual events that took place, and all supported by evidence. These pieces of evidence are attached to the counter-affidavit, 41 annexes in all."

Sinubukang kunan ng PEP ng pahayag ang kampo ni Claudine, sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe, sa Facebook account ng kanyang legal counsel na si Atty. Junelet Mataro, noong Huwebes, September 26.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito sumasagot.

Hindi rin makontak ang nakalista sa Internet na cellphone number ng Mataro and Associates Law Office.

Si Atty. Mataro ang legal counsel ni Claudine sa kasong paglabag sa R.A. 9262, o Violence Against Women and Children Act, na isinampa ng aktres laban kay Raymart.

Kinunan din ng PEP ng pahayag si Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel naman ni Claudine sa kanyang Permanent Protection Order petition laban sa mister.

Bukod sa pagiging abugado ay itinuturing din ni Claudine na malapit na kaibigan si Atty. Topacio.

Sa huling pakikipag-usap ng PEP kay Atty. Topacio, sinabi nitong nakatakdang sagutin ni Claudine ang mga alegasyon ni Raymart laban sa kanyang kliyente sa Martes, Oktubre 1.

Pahayag ni Atty. Topacio sa text message niya sa PEP kahapon, September 27: “We will be having a press conference on Tuesday, October 1.

"We will give the statement there.

"All we can say at this point is that Mr. Santiago is an ass.”

Nananatiling bukas ang PEP para sa anumang pahayag ng mga kampo nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.


ED’S NOTE: Ilang minuto matapos lumabas ang artikulong ito, nakatanggap ang PEP ng tawag mula sa abugado ni Raymart Santiago, na si Atty. Ruth Castelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kababasa lang daw niya nito, at nag-aalala siya sa epekto nito sa "proteksyon" ng kanilang witness.


Nakiusap siyang tanggalin na ang pangalan ng witness.


Dahil walang facts na naapektuhan, dahil malinaw pa rin ang salaysay ng kuwento, at dahil kapakanan ng isang witness ang nakataya, pumayag ang PEP.


Ang mababasa rito ngayon ay ang updated version.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN