Heart Evangelista on smooth-sailing relationship with Sen. Chiz Escudero: “Ngayon lang ako nagkaroon ng boyfriend na the best.”

Heart Evangelista on Senator Chiz Escudero’s endearing traits: “Sobrang walang pakialaman na he lets me do my thing. Very, very supportive. Kahit sa mga damit ko. Never niya akong pinagbawalan. Hindi gaya ng ibang boyfriends ko na bawal akong magsuot ng ganito. Ngayon lang ako nagkaroon ng boyfriend na the best. The best talaga.”


Madi-delay nang kaunti ang time table ng pelikula ng Viva Films na Trophy Wife, na siyang comeback mainstream movie ni Direk Elwood Perez.

Ibinalita ni Heart Evangelista, isa sa mga bida ng pelikula, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na magri-reshoot sila ng maraming eksena sa nasabing movie project.

“Magri-reshoot kami, e. Marami kaming iri-reshoot…So, naloka lang ako dun,” nangingiting pahayag ni Heart.

Nakapanayam ng PEP si Heart noong Linggo, sa dressing ng room ng Sunday All Stars, at ayon sa kanya ay may mga naging problema sa mga damit at location na ginamit sa shooting.

“Ewan ko, hindi yata nagustuhan yung damit ni Cristine [Reyes], yung location, something like that.

“So, lahat ng mga eksena namin sa bahay iri-reshoot. Ang dami nun,” kuwento niya.

Magdadalawang-buwan daw nilang ginawa ang mga eksenang kukunang muli, kaya matatagalan bago matapos ang nasabing pelikula.

Okay lang ba sa kanya na magdagdag ng panibagong dalawang buwan para sa re-shoot?

“Ahm, as an artist, very frustrating pag may ganyan na re-shoot. But it’s ok, gano’n talaga, kung sa ikagaganda naman ng movie,” sagot ni Heart.

Kinumpirma ni Heart na si Elwood pa rin ang magdidirek ng mga kukunan uling mga eksena.

IN PRAISE OF ELWOOD. Kumusta naman ang pakikipag-trabaho sa isang Elwood Perez?

“He’s very nice. He’s very, very nice. In fairness to him, at least very hands-on siya.

"Nakakatuwa naman. It’s very nice to work with someone na legend na rin,” pagpuri niya sa batikang direktor.

Paano naiiba si Direk Elwood sa mga direktor na nakasama na niya sa pelikula o telebisyon?

“Same din naman, pero siya, he likes to please the actors. Ahm, very supportive siya.

“At saka, I feel like he’s a people-pleaser. Kung gusto niyang ma-please yung mga kasamahan niya, ginagawa niya. Nakakatuwa naman siya,” patuloy niyang pagtukoy kay Direk Elwood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH DEREK AND CRISTINE. Nabanggit na nga ni Heart ang pangalan ni Cristine Reyes bilang isa sa mga co-actors niya sa movie, kaya kinumusta namin sa kanya ang Kapamilya actress.

“Okay naman siya. Okay naman kami. Sisters kami sa movie,” saad ni Heart.

Kasama rin sa pelikula, bilang leading man nila ni Cristine, si Derek Ramsay.

Kumusta naman si Derek sa kanilang shooting?

Napangiti muna si Heart at saka sumagot, “Okay naman silang dalawa. Sweet sila.”

Pag nakikita mong sweet sina Derek at Cristine, hindi mo iniisip na sana nandun rin si Senator Chiz Escudero?

“Hindi naman, sanay naman ako sa gano’n. Saka mabait naman silang dalawa.

“Saka hindi naman sila yung all over each other.

"They’re very private naman with each other,” pagklaro ni Heart tungkol sa magkasintahan.

Base sa nauna naming interview kay Heart, may mga intimate scenes din sila ni Derek sa pelikula.

Ano na ang mangyayari ngayong magkasintahan in real life sina Derek at Cristine? Hindi ba ito sagabal sa trabaho nila?

“Actually, hindi naman. Mas intimate sila ni Cristine. Hindi naman gano’n ka-ano...

“Meron kaming kissing scene at bed scene, pero may mga binago nang kaunti. Hindi naman siya gano’n ka-scary.”

ON CHIZ. Si Sen. Chiz ba, dumadalaw sa shooting?

“Hindi. Hindi siya pumunta,” tugon ni Heart, na agad nilinaw na allowed bumisita ang kasintahan sa location shoot ng movie niya.

Dagdag niya, “Hindi naman sa hindi siya allowed. Ang layo din kasi, at busy din siya. Yung location ko sa Pampanga, Laguna. Gano’n yung mga location ko.

“Kawawa naman kung magpapadalaw pa ako sa gano’ng kalayo. Puwede naman siyang dumalaw kung gusto niya, but also in a way, he’s busy rin, e.

“Ayoko namang makialam sa schedules niya. Dami niyang ginagawa.

“Ako, I’m fine kung pumunta siya. I’m open with these things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although, naiilang din ako, pero hindi naman siya gano’n type na seloso.”

SMOOTH-SAILING RELATIONSHIP. Nasabi namin kay Heart na, base na rin sa mga nauna niyang interview, hindi lang maganda kundi smooth-sailing pa ang relasyon nila ng senador.

“Sobra!” mabilis niyang pagsang-ayon habang nakangiti.

“Sobrang walang pakialaman, na he lets me do my thing. Very, very supportive. Kahit sa mga damit ko.

“Never niya akong pinagbawalan, hindi gaya ng ibang boyfriends ko na bawal akong magsuot ng ganito.

“Siya, everything is nice. ’Nice dress.’ Yun ang sinasabi niya.”

“Ngayon lang ako nagkaroon ng boyfriend na the best. The best talaga.”

Matatandaang naging malaking controversy ang pakikipagrelasyon ni Heart sa senador, nang tangkain ng kanyang mga magulang na paghiwalayin silang dalawa.

Alam ba ng parents mo na ganito ka kasaya at very supportive sa iyo si Sen. Chiz?

“Oo,” mabilis na sagot ng Kapuso actress.

“Saka nakikita naman ng Daddy ko...pag nakikita niya, na maayos naman, ganyan.”

Hindi ba sinasabi ng daddy niya kung kailan niya gustong makita si Sen. Chiz uli?

“Wala. Kasi hindi ko na ipinipilit, e. Hiwalay na talaga ’yan. It doesn’t matter who I’m with. It’s just never gonna work.

“If it doesn’t work, hindi ako umaasa na magkausap or what. Wala.

“What’s important to me is my time with my dad, my time with my family, and that’s it,” paglinaw ni Heart.

Sabi namin kay Heart, nakakabilib ang ginawa niyang paninindigan nang ganito para sa love.

Sumang-ayon naman ito sa narinig, “Nang ganito, yes! I think it also comes with maturity.

"Siyempre, it comes with the right guy.

“You know, if it’s the right guy, hindi ka na makakahanap. You know na gano’n na mahal na mahal ka na.

“Hindi ko sinasabing hindi ako minahal ng iba. I think it has to do a lot with myself being mature, and alam ko na kung ano ang gusto ko sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve experienced so much with my life. Kung magkamali, magkamali. But as of now, I just go with my instinct.”

MORE CONFIDENT NOW. Nakatulong ba sa kanyang pagkatao at pagkababae ang paninindigan niya sa love?

“Yeah, everything. Sobra. I’ve been very confident with myself. Not so scared to make decisions.

“Kunwari sa work, if I don’t want to do it, I’m more confident to say so.

"Hindi gaya dati na I don’t know how to say no. Now I know to say yes, and when I say yes, I appreciate what… yung gano’n.”

“Malaking bagay [yung pagiging independent], kasi you appreciate the little things.

"Ang pera, naa-appreciate mo, kasi you see your hard work. You see where it goes. Malaking bagay talaga siya.”

Paano siya nai-impluwensayahan ni Senator Chiz sa pagiging independent niya ngayon?

“Sinusupport niya ako ,pero yung sa influence, hindi masyado. Sabi niya, ’Di ba ginusto mo yan? Gawin mo yung gusto mo.’

“Pinababayaan niya ako. Kunwari, pag nagbabayad ako ng tseke, tinignan lang niya ako, nakangiti lang siya sa akin. Titignan niya kung paano ko gagawin.”

Wala na siyang mahihiling pa pagdating sa relasyon nila ng senador?

“Wala,” mabilis niyang sagot.

Masasabi bang si Senator Chiz na ang puwede niyang pakasalan?

“Siya na talaga ang the best. In fairness, ang bait-bait nya.”

Wala raw makakakuwestyon ng pagiging masaya niya ngayon dahil nakikita naman ito sa kanyang itsura.

Sabi pa ni Heart, “Kita mo naman sa isang tao kung masaya o kung may itinatagong karamdaman. Kita mo rin yun.”

Wala raw naiisip na takot si Heart sa kung ano ang mangyayari sa kanilang relasyon ng senador. At kung sakaling mapag-initan ang kasintahan ng mga kalaban nito sa pulitika?

“Wala, e. Basta, patas lang, wala kang tinatapakang tao or anything, you know.”

Handa na ba siyang pasukin ang buhay may-asawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, in fairness, even when they asked me how does it feel today at the center?

“To be honest, they forget sometimes he is a senator... Minsan, parang nakakalimutan ko na, ’Ay, senador pala siya.’

“Kasi nga, hindi mo mararamdaman, e. Hindi naman siya yung maraming bodyguard or sobrang ganito or ganyan. Simpleng tao lang talaga siya,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN