Raymond Gutierrez on being a fair and unbiased TV host: “I think you just have to know when to be a brother or a son and when to be a professional TV host.”

Raymond Gutierrez on getting better as a "fearless" TV host: “You know, I’m a work-in-progress. Hindi pa rin ako sanay na kasing tapang ni Nay Cristy o Direk Joey. Siguro, through time, we’ll see what happens. Maturity comes with it. Age comes with it, and I’m definitely not shy about expressing myself and my thoughts, since I think, people know that about me. So, I speak my mind.”


Sa Kapatid network na nga napapanood ang dating Kapuso host na si Raymond Gutierrez. Ito ay sa pamamagitan ng bagong showbiz talk show ng TV5 na Showbiz Police.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymond sa taping ng kanilang programa kahapon, September 27, sa Reliance Studio ng TV5 sa Mandaluyong City.

Ayon kay Raymond, hindi raw naging mahirap sa kanya ang maging Kapatid.

“Actually, yung adjustment period, madali,” panimula niyang kuwento.

“Nadalian ako kasi I have friends here like Lucy [Torres-Gomez], Divine [Lee]. They make it easier.

“Working with Direk Joey [Reyes] and Nay Cristy, parang it’s been pleasant. So, wala kaming problema, so far, everything’s going smoothly.

“Bago ang studio namin, mas malapit sa bahay ko. So, it’s convenient.”

Sa Makati raw nakatira si Raymond.

Hindi na bago kay Raymond ang maging host ng isang showbiz talk show.

Unang-una, ilang taon din siyang naging host ng Showbiz Central sa GMA-7. Ano ang kaibahan ng ginagawa niya ngayon dito sa Showbiz Police, na napapanood tuwing Sabado ng gabi ng 6:00 p.m. sa ginagawa niya noon?

Pagkumpara niya, “I think, this one, it’s a little bit serious.

“We’re taking it to a new level, and it’s a little bit fearless. So, parang yun ang direksiyon.”

Nakahanda siya sa ganoong istilo noong tanggapin niya ang alok ng TV5?

“Parang handa na ’ko, and it already showed sa first episode namin. I’m ready to ask the serious questions,” saad niya.

FEARLESS AND UNBIASED. Wala raw sa kontrata niya, na kapag pamilya niya ang sangkot sa intriga, hindi niya ito puwedeng galawin.

Natatawang sabi ni Raymond, “Oh no, nakita niyo ba ang first episode namin? There’s no clause to that in my contract.

“If my family is involved in the issue, and we have to talk about it, we have to talk about it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahirap din sa kanya kapag pamilya ang nalalagay sa kontrobersiya?

“I think you just have to know when to be a brother or a son and when to be a professional TV host.

“So, ako, I just know my role and I know what I have to portray. Kung merong mga instances na kailangan kong pag-usapan yung mga nangyari sa family, then I really have to discuss it.

“But if it’s not also my place to talk about it, hindi rin ako magku-comment on their behalf,” paglinaw niya.

Dugtong pa niya, “You know, we grew up in this business. We grew up in this industry, and we know how the game works. We know how it works. So, naiintindihan naman nila.

“I’ve been doing a showbiz talk show for how many years now. At ang dami na rin napagdaanan ng family ko, that even when I was in GMA, my sister’s divorce, whatever happened with my Mom and all these things, marami akong napagdaanan na as a TV host concerning my family.

“So, parang more or less, sanay na rin ako.”

Bilang isang talk-show host, masasabi na ba niya sa sarili na “fearless” siya?

“I will try my best,” saad niya.

“You know, I’m a work-in-progress. Hindi pa rin ako sanay na kasing tapang ni Nay Cristy o Direk Joey. Siguro, through time, we’ll see what happens.

“Maturity comes with it. Age comes with it and I’m definitely not shy about expressing myself and my thoughts, since I think, people know that about me.

“So, I speak my mind.”

FREELANCER. Ang kontrata raw ni Raymond sa TV 5 ay freelance contract. Kaya ang kontrata pa lang na pinipirmahan niya ay para lang sa Showbiz Police.

Pero ayon kay Raymond, “Initially, they wanted an exclusive contract but I told Tita Wilma [Galvante], let’s try out first one show and we’ll see if you want exclusively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, right now, I’m enjoying the show.

“I like working with the people and what’s nice about working with the new station and a new show like this, they are more accepting with the new concept, new ideas and I’ve attended a couple of brainstorming [sessions], I also give them my inputs and ideas.

“Yun ang maganda sa bagong show, mas receptive sila, mas accepting, mas open sila.

“So, yun din ang exciting about TV5. Not just Showbiz Police but TV5 as the network. They are more willing.

“Sabi ko nga nga kay Tita Wilma, we’ll get to that stage where I wanna pitch a show to you na gusto kong gawin at ang maganda do’n, she’s open.”

FAMILIAR FACES. Ngayong si Raymond ay nasa TV5 na, diretsahan namin siyang tinanong kung posible kayang may ibang miyembro ng pamilya nila na sumunod din sa kanya sa network.

Sabi naman niya, “Well, if they’ll ask my opinion, so far so good, di ba?

“Kung merong gustong maka-join sa akin dito, why not? I mean, I’m not a complete stranger with the people I work here.

“Marami kaming naka-trabaho dito na naka-trabaho ko na before. Maraming mga taga-GMA na familiar faces na nakikita ko rin sa hallway ng TV 5.

“And, huwag na tayong lumayo, si Tita Wilma na lang...

“Siya talaga ang nag-push sa akin before and kay Chard [Richard Gutierrez] na rin. Siya talaga ang parang naging unang boss namin sa showbiz. So, it’s nice to be working with her again sa TV5.”

BROTHER RICHARD’S CAREER. Marami ang nag-aabang naman sa estado ng career ng kanyang kakambal na si Richard Gutierrez.

Hindi pumirma si Richard ng panibagong kontrata sa Kapuso network, at sa ngayon, wala pa rin namang nababalitaang bagong network na gusto nitong makasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya ang tatanungin, iimbitahan ba niya ang kakambal na maging Kapatid o mas papayuhan niya itong maging Kapuso pa rin?

“You know, di ba, sinabi ko kanina, you go where the work is. Kung saan maganda ang offer, kung saan maganda ang ilalatag sa ‘yo.

“At si Chard kasi, marami na rin siyang nagawa at marami siyang kayang gawin.

“Not only as an actor in a soap-opera, he’s done documentaries, he’s done reality shows, musical variety. So, yung range niya, mas malawak talaga kesa sa akin, sa nagagawa ko.

“So, for me, ang advice ko sa kanya, pumunta ka kung saan mas maganda ang ilalatag sa ‘yo, di ba?”

Pero, masasabi niyang puwedeng maging asset si Richard ng TV5?

“I think Chard would be an asset in any network. He’s a hard worker,” pagmamalaki niya.

Ilang buwan na ring hindi visible si Richard sa telebisyon.

May maibabahagi ba siyang mga plano nito ngayon pagdating sa kanyang career?

“I think Chard is enjoying his time-off. He’s been working non-stop for how many years, more than eleven years. Kasi, kung ako nga napapagod, ano pa kaya siya?

“Kapag may soap, kapag walang soap, may movie. Kapag walang movie, may documentary, may reality show.

“So, talagang walang pahinga.

“I think, for him, the past few months narelax mode muna siya, parang ine-enjoy niya.

“Happy siya ngayon. He’s been working out. He’s been vacationing. The time off has really helped also para hindi siya mukhang pagod.

“Mukha siyang excited again to work."

Dugtong nito, "I think, everybody needs that break, di ba?”

Kuwento rin ni Raymond, “Ang alam ko, this Sunday, he will be in ABS-CBN. So, he will be in Gandang Gabi Vice this Sunday. And we’ll see what happens after that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN