Megan Young wins Miss World 2013!

Napanalunan ng kandidata ng Pilipinas na si Megan Young ang korona bilang Miss World 2013, na ginanap sa Bali, Indonesia, ngayong gabi.


Ang 23-year-old actress at TV host na si Megan Young ang kinoronahang Miss World sa 63rd edition ng international beauty pageant na ginanap ngayong gabi, September 28, sa Bali, Indonesia.

Tinalo ni Megan ang 126 pang mga candidates mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang First Princess ay si Marine Lorphelin ng France.

Second Princess ang kandidata ng Ghana na si Carranzer Naa Okailey Shooter.

Ang iba pang mga nakapasok sa Top 6 ay ang mga kandidata mula sa Brazil, Spain, at ang Gibraltar matapos siyang gawaran ng People’s Choice award.

Si Megan ang kauna-unahang Pilipina na nanalong Miss World.

Bago ang pagwawagi ni Megan ay naging mailap ang koronang Miss World sa Pilipinas.

Bago nito, ang pinakamataas na puwesto na nakuha natin ay First Princess o 1st runner-up, na napanalunan nina Evangeline Pascual noong 1973 at Gwendoline Ruais noong 2011.

Second Princess o 2nd runner-up naman ang puwesto ni Ruffa Gutierrez noong 1993.

Si Megan din ang nanguna sa Top 10 semifinalists, matapos niyang makuha ang pinakamataas na iskor sa preliminary competitions.

Kabilang na rito ang pangunguna niya sa Top Model competition.

Pumuwesto rin si Megan sa Beach Fashion (5th) at Multimedia (4th).

Ang iba pang mga nakapasok sa Top 10 semifinalists ay ang mga kandidata mula sa Australia, Nepal, England, Indonesia, at Jamaica.

Sa huling bahagi ng competition ay tinanong isa-isa ang final six finalists kung bakit sila ang dapat manalong Miss World.

Ang sagot ni Megan: "I treasure the core value of humanity and that guides her into understanding people, why they act the way that they do, how they’re living their lives. And I will use these core values in my understanding, not only in helping others, but to show other people how they can understand others, to help others. So that, as one, together, we shall help society."

Sa kanya namang interview pagkatapos ianunsiyo ang winners, naluluhang sinabi ni Megan na ipinapangako niyang siya ang magiging "best Miss World ever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Megan din ang kinoronahang Miss World Asia.

Ang iba pang continental queens of beauty ay ang mga kandidata mula sa Brazil (Americas), Australia (Oceania), Jamaica (Caribbean), Ghana (Africa), at France (Europe).

Bago pa man ganapin ang coronation night, sinasabi nang "top contender" o "early favorite" si Megan na mapanalunan ang korona ng Miss World ngayong taon.

Sa katunayan, sa mga poll ng beauty pageant websites, gaya ng globalbeauties.com, ay si Megan ang nangunguna.

Kabilang sa mga judges sa 63rd edition ng Miss World ay sina Miss Liliana Tanoesoedibjo (chairwoman of Miss Indonesia Organization), Coretta Kapoyos Bayuseno (chairwoman of Jakarta Police Wives Organization), at Julia Morley (chairwoman of Miss World Organization).

Si Megan ay produkto ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck Batch 2 noong 2005.

Noong 2007 ay lumipat siya sa bakuran ng ABS-CBN, ngunit gumawa rin siya ng ilang proyekto sa TV5.

Ang huling TV project niya bago siya magwaging Miss World Philippines ay ang mini-serye ng TV5 na Misibis Bay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN