Ronnie Liang bags Gold Record award for second album; stars in indie film Object of Desire

Ronnie Liang on constantly reinventing himself as an artist: “Kailangan din kasing i-reinvent mo ang sarili mo every time, para hindi ka rin pagsawaan ng audience. Kailangan yun sa showbiz, na you always have something new to offer. Hindi kasi dapat mawala ang excitement nila sa iyo. Yung tipong Ronnie Liang na parang pari kung tingnan—na merong other side naman ako. Game din ako at hindi boring.”


Tumanggap ng Gold Record award si Ronnie Liang para sa second album niyang May Minamahal noong Miyerkules, September 25.

Ang award ay iginawad ng Viva Records executives na sina MG Mozo and Veronique Del Rosario-Corpus.

Nang makausap si Ronnie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon na inihanda sa kanya ng Viva Records, ipinaaabot niya ang pasasalamat sa mga taong gumabay sa kanyang singing career.

Aniya, “Siyempre, nagpapasalamat ako sa Viva Records sa tiwalang ibinigay nila sa akin, sa suporta at opportunity na ibinigay nila sa akin.

“Kung hindi sa kanila ay hindi ko makakamit ang anumang achievement ko ngayon.

“Sa ngayon, siyempre, gusto naman naming ma-achieve ay yung Platinum award. Hopefully, sa tulong ng supporters ko, yung bumibili ng album, ay maa-achieve namin yun.

“At siyempre ,sa tulong din ng mga radio jocks at ng entertainment media.”

Naging curious kami kung paano niya hina-handle ang mga babaeng kilig na kilig sa kanya habang nagpe-perform siya sa stage.

Sa mall tours para sa promotion ng nasabing album, may ilang babae raw na umakyat sa stage at sa kasabikan ay halos punitin ang damit niya para lang mayakap siya at mahalikan.

Paliwanag naman ng first Pinoy Dream Academy finalist, “Siyempre, mas matatakot ako kung wala ng girls na nanggaganyan—yung nagiging aggressive sa ’yo.

“So, okay lang kung may girls na ganyan.

“Pero, sa akin, alam ko na supporters lang sila na masaya.

“So, masaya na ako na napasaya ko sila, at natutuwa ako na meron pa pala akong X-factor sa kanila.

“Mas nagpapasalamat pa nga ako sa pagwawala nila nang ganun.

“Kung wala na, magtanong ka na sa sarili mo kung bakit, di ba?”

Yung mga bekis naman na kinikilig din sa kanya? Paano siya nagre-react sa mga kakulitan nito?

“Hindi ako against sa gays,” nangingiting sabi ng guwapong balladeer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Normal naman yun sa kanila. Natutuwa nga ako, e.

“Tulad ng sinabi ko, kung wala nang ganyang reactions sa akin, that’s the time na dapat i-question ko na ang sarili ko.

“Kasi kapag ganun, ibig sabihin ay hindi na sila natutuwa sa akin—hindi na sila natutuwa sa music ko.

“Mapapaisip talaga ako.”

WORST EXPERIENCE. Ano ang worst experience na naranasan niya sa kanyang buong singing career?

Natatawang pagbabalik-tanaw ni Ronnie, “Out of town po yun, e.

“Habang kumakanta ako, may biglang dumagan sa likod ko. Pumasan talaga siya sa balikat ko.

“Babae siya from the audience, na habang patalikod ako paakyat ng stage, naramdaman ko na lang yung weight niya.

“Grabe, natawa talaga ako. Hindi niya talaga napigilan ang sarili niya.

“Okay lang sa akin, naintindihan ko naman. Alam ko naman na kapag sa probinsiya talaga ay ganun. Madalang kasi yung may nakikita silang artista, di ba?

“Other than that, wala na. Usually kasi, yakap at kiss lang sila. Pero, nagpapaalam naman. Pa-picture. Yung ganun lang.”

MOVIE. Sa ngayon ay gumagawa siya ng isang indie movie, ang Object of Desire ni Elwood Perez.

Eto raw ang masasabing reinvention ng kanyang sarili bilang movie actor.

“Medyo sexy ako rito,” pagmamalaki ng 28-year-old singer-actor.

“Kaya nga nag-workout ako. May abs na ako hanggang tuhod. Joke!

“Kung ano yung hinihingi sa script, yun lang ang ibibigay ko. Hindi naman siya super-sexy na parang bold movie na, pero mae-excite sila.

“Hindi naman ito tulad ng ibang indie film, elegante naman po siya.

“Hindi siya yung parang makagawa lang ng isang movie. Hindi siya ganun.”

Hanggang saan ang kaya niyang ibigay sa moviegoing public?

Kahit ang mga magagaling na aktor na tulad nina Dingdong Dantes, Derek Ramsay, Joem Bascon at iba ay naipakita na ang buong kahubdan ng kanilang katawan, kahit nakatalikod lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I also have limitations. Siguro, from waist up lang [ang exposure].

“Mature na rin ako. Kung yun ang nire-require sa role at kung ikagaganda ng movie, bakit hindi? Pero, siyempre, may limits din.

“Hindi naman puwede all throughout.

“Basta, yung eleganteng sexy.”

Dagdag pa niyang sabi, “Kailangan din kasing i-reinvent mo ang sarili mo every time para hindi ka rin pagsawaan ng audience.

“Kailangan yun sa showbiz, na you always have something new to offer. Hindi kasi dapat mawala ang excitement nila sa iyo.

“Yung tipong Ronnie Liang na parang pari kung tingnan, na merong other side naman ako. Game din ako at hindi boring.”

GAME FOR COSMO BASH? Ibig bang sabihin nito ay kung imbitahan siya sa Cosmo Bachelor’s Bash next year ay handa na siyang mag-participate?

“At least, I’m more prepared na,” nangingiting saad niya.

“At least, meron na akong abs.

“Before, nag-Cosmo na rin ako, pero hindi pa okay ang abs ko noon... first time ko yun.

“Yun ang isa sa mga ginawa ko na hindi ko pinagsisihan, pero hindi ako happy kasi hindi ako nakapag-prepare, e.

“Hindi ko naibigay ang best ko, at hindi pa ready yung katawan ko for that, e.

“Next year, handa na ako. Kaya nang maghubad ng shirt and ipakita ang buto sa may tagiliran.

“Topless na naka-jeans.”

WHAT’S SEXY? Ano ba ang sexy para kay Ronnie?

“Sa aming mga lalaki, ang sabi nila sa abs daw,” sagot nya.

“Pero, sa babae, ang tinitingnan ko ay yung labi.

“Gusto ko yung pout ng lips niya. Second, yung dibdib niya.

“Siyempre, nakakasaya yun sa akin, pero ’wag naman yung sobrang laki.”

Sa showbiz girls, sino ang kanyang object of desire, pagbibiro namin sa kanya.

“Lahat silang mga sexy, may magandang labi at dibdib,” natatawang sabi ni Ronnie. “Siguro si Pokwang. Joke lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, sa akin na lang yun.”

Sino nga ba? Cristine Reyes ba?

“Yung mga tipong ganun,” medyo kumislap ang mga mata niya at napangiti.

“Ah, sige. Siguro yung mga tulad ni Anne [Curtis]. Yun, I find her very sexy.

“At saka, maputi rin siya. Yun kasi ang gusto ko,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN