Sofia Andres on working with Piolo Pascual for the first time: “Hindi po ako makagalaw noong first take.”

Star Magic talent Sofia Andres on working with Iñigo Pascual, Piolo’s son, for Iñigo’s very first indie film, Relaks, It’s Just Pag-Ibig: “He’s really nice, sobrang gentleman. Kumportable po ako sa kanya. Hindi po siya ma-ere. Kasi, yung iba, kahit anak ng artista, siya po, hindi.”


Bukod sa pagiging matangkad nito sa edad na 15 anyos, hindi rin maikakaila ang angking ganda ng Star Magic artist na si Sofia Andres.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia sa contract signing niya noong September 25, sa Boy’s Food Republique, sa Panay Avenue, Quezon City, bilang isa sa bagong celebrity endorsers ng clothing line na BNY.

Sa October 11 daw ang grand mall show ni Sofia bilang endorser nito.

Dalawang taon na rin si Sofia sa showbiz.

“Okay naman po ang two years, at sana po, may dumating pa rin na project. Kakatapos lang po ng Princess and I, at sana po, magkaroon na rin po ng kasunod na teleserye,” panimula niyang pahayag.

Pero natutuwa daw siya dahil madalas siyang nabibigyan ng guesting, tulad sa Maalaala Mo Kaya, at three years old pa lang daw, gumagawa na siya ng TV commercials.

“Bata pa lang po talaga ko, gusto ko na. Pero, hindi ko pa po alam na work yun. Basta nag-e-enjoy lang po ako,” pag-amin ni Sofia.

SEXY BUT WHOLESOME PEG. Pero tahasang sinasabi ni Sofia, na kung ito ang tatanungin, gusto raw niyang karakter ay tulad ng ginagawa ni Jessy Mendiola ngayon na Maria Mercedes.

“Gusto ko po talaga na parang Maria Mercedes,” nakangiting sabi niya.

May inggit siya na si Jessy ang gumaganap ng naturang role ngayon?

“Kay Ate Jessy? Hindi naman po. At saka, wala pa naman po sa age ko, fifteen pa lang po ako,” pagklaro niya.

Kung sakali, may pagka-Jessy Mendiola ang gusto niya?

“Opo, o kaya Cristine Reyes po, yung sexy po pero wholesome,” banggit niya.

BIG BREAK IN INDIE FILM. Sa mga hindi nakakaalam, si Sofia ang naging leading lady ni Iñigo Pascual, ang anak ni Piolo Pascual, para sa kauna-unahang indie film nitong Relaks, It’s Just Pag-Ibig.

Ano nga ba ang role niya roon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Painter po ako, na weird na matapang dun. Tapos, nakilala ko po si Iñigo.”

Kumusta naman si Iñigo?

“He’s really nice, sobrang gentleman.”

Dugtong pa niya, “Kumportable po ako sa kanya. Hindi po siya ma-ere. Kasi, yung iba, [dahil] anak ng artista... siya po, hindi.”

Katulad ni Sofia, 15 years old pa lang din raw si Iñigo.

Nakuha ni Sofia ang role niya sa pamamagitan ng audition.

Aniya, “Audition po ‘yan. Marami po kaming nag-audition.”

Ano raw ang meron siya at siya ang nakuha na maging leading lady ni Iñigo?

“Sabi po nila, may ilalabas daw po ako na wala yung ibang nag-audition. Kaya po, kailangan ko talagang gawin ang best ko. Yung character po, medyo boyish,” dagdag pa ni Sofia.

WORKING WITH PIOLO. May cameo role rin si Piolo Pascual sa indie movie ng anak.

Nakasama na rin daw ni Sofia si Piolo sa shooting nila.

Kumusta naman si Piolo?

“Kamukha ko raw po ang crush niya,” natatawang sabi ni Sofia.

Sino raw ang crush ni Piolo?

“Si Winona Ryder raw po,” nakangiting sabi pa niya.

Ayon kay Sofia, sa shooting daw, naka-eksena rin niya si Piolo.

“Hindi po ako makagalaw noong first take,” pag-amin nito.

CRUSH ON ENRIQUE GIL. Dalaga nang tingnan si Sofia sa edad na kinse anyos. Pero, natatawang sinasabi nito na wala raw nanliligaw sa kanya.

“Hindi ko nga po alam bakit wala. Kahit sa school po, wala,” natatawang sabi niya.

Aminado naman si Sofia na ang crush niya sa showbiz ay si Enrique Gil.

“Actually, magka-work po kami sa Princess and I. Kuya Enrique nga po ang tawag ko sa kanya,” sabi ng teenager.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN