Sid Lucero on Heart Evangelista: “We were there for each other at a certain point of our lives.”

Sid Lucero on brief relationship with Heart Evangelista: “Yeah, we were dating. We would see each other... sakto kasi we were there for each other at a certain point of our lives. And I think the relationship, more than anything, just became, it just became a part of our growth as individuals. That’s why we’re friends. Kasi if it was anything more than that, and it became bad, I don’t think anybody will be friends just like that, di ba?”


Malaking gulat daw para kay Sid Lucero ang ginawang pag-amin kamakailan ni Heart Evangelista na minsan ay nag-date sila ng Kapuso actor.

“Medyo, medyo. Para tuloy, for me, parang ‘F_k, tuloy, sinungaling ako,’” natatawang pag-amin ni Sid sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“No, but don’t take it against me. Of course, I’m just respecting the other person, di ba? It’s not really about my privacy anymore. It’s really, respeto lang naman sa isa’t isa yan, e.

“Siyempre, nagulat ako, gulat na gulat nga ako e,” at muling tumawa si Sid.

“But, well, it’s gonna be much easier to talk to you guys because I don’t have to, like, think of all these, like, you know, weird alibis pa.”

GOOD FRIENDS. Masasabi ba niyang si Heart ay ang “the one that got away?”

“No, I wouldn’t say so. I wouldn’t even say that it wasn’t... I wouldn’t even say that it’s what you’re thinking of, that kind of a relationship.

“Yeah, we were dating. We would see each other and... but I think it was more of, sakto, kasi we were there for each other at a certain point of our lives.

“And I think the relationship, more than anything, just became, it just became a part of our growth as individuals. That’s why we’re friends.

“Kasi if it was anything more than that, and it became bad, I don’t think anybody will be friends just like that, di ba?

“Kahit gaano ka-professional kami, medyo mahirap yun.

“But we’re really good friends.

“It’s not that it didn’t work out, it’s just, things just—we just became really good friends,” pag-amin pa ni Sid.

Hindi niya pinursue si Heart?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There was no pursuit in any way. It just happened.

"It just, parang, it was spontaneous, and then it dissipated on its own, and then, parang, we’d see each other, and ‘Oh, how are you?’ Ganito ganyan.

“I think it was more of timing for each other. Timing talaga, e, as in, yun lang,” dagdag pa niya.

EVERYBODY’S A TEACHER.” Sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? ay gaganap si Sid bilang isang guro, na malayo sa tunay niyang pagkatao.

Paano ito pinaghandaan ng aktor, na sinasabing isa sa pinakamahusay sa kanyang henerasyon?

“I think any show that we’ve done here [in GMA] is malapit na malapit sa buhay ng lahat ng tao. Very true yun!

“Sabi ko nga, feeling ko, bakit lahat ng ginagawa ko parang ang lapit sa buhay ko?

“Hindi ko masasabing nag-aral ako para maging guro, pero I think in a lot of ways everybody’s a teacher.

“Like for now, kunwari, as simple as having a relationship. Each teaches the other person to be better than whatever, di ba?

“You learn na ’I’m gonna be a dad.’ You think about, I mean I’m a dad now, pero wala pa naman yung teacher-teacher dun.

“It’s basically like that. You just have to build a relationship between you and your students, that’s it, di ba?” sabi ni Sid.


MOTIVATION. May punto dati na nawalan ng gana si Sid sa kanyang career.

Ano ang gagawin niya ngayon para patunayan sa GMA na desidido na siyang magpakaseryoso sa career?

Aniya, “Well, ayokong planuhin kung ano yung gusto kong gawin. I just have to do what I didn’t do before, which is do my job properly.

“I mean, like, arrive on time, di ba?”

Ano ang motivation niya ngayon para magsipag na?

“Wala akong motivation, motivated lang. Like, first time akong, umaakyat pa lang yung gigising sa akin, gising na ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na parang, ’Whoa! Anong nangyayari sa akin?’” at tumawa si Sid.

Ang ama niyang si Mark Gil ay muling naging aktibo sa telebisyon. Gumaganap ito ngayon bilang ama ni Carla Abellana sa My Husband’s Lover.

“Sobra, sobra! Nang-iinggit nga, e.

“Pag pinagsasabihan niya ako, ganito ako pagsabihan ng dad ko, e... Yung last time na pinagsabihan niya ako, sabi...

"‘Hey, Timmy, I’m so busy na, ang dami kong ginagawang trabaho talaga! Ikaw? A, wala nga pala ano kasi hindi ka nga nagbe-behave!’” ang tawa nang tawang kuwento ni Sid, na Timmy ang palayaw.

Tumatalab sa kanya ang pang-iinis ng daddy niya?

“Oo naman,” at muling tumawa si Sid.

Ano ang isinasagot niya?

“Hindi ko na kailangang sumagot.

“Hindi siya nagpaparinig. Sinasabi niya, that’s his way talaga,” at tumawa muli si Sid.

Bukod kina Sid (na gumaganap bilang si Lucio Aragon) at Heart (Eloisa Aguirre), mapapanood rin sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? sina Katrina Halili bilang Margot, Alessandra de Rossi bilang Gigi...

Dominic Roco bilang Bobby, Pen Medina bilang Andoy, Isabel Oli bilang Richelle Mangahas, Anna Capri bilang Lualhati, at Miss Celia Rodriguez bilang Doña Hilaria.

Kasama rin sa cast sina Shamaine Centenera, Luz Valdez, Vangie Labalan, Mariel Pamintuan, Nicky Castro, at Angelo Ilagan.

Ito ay sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN