Sheree opens up about reason for breakup with Gian Magdangal: “Dumating lang talaga yung time na na-feel ko na lang na parang walang plan.”

Sheree on reason behind breakup with Gian Magdangal: “Una, tinanong ko siya, kasi siyempre, ilang years na kami and then parang na-realize ko lang na parang six years and then nothing. Dumating lang talaga yung time na parang na-ano ko… na-feel ko na lang na parang walang plan, yung ganun. Di naman ako pariwarang babae, maayos naman ako, bakit parang walang plan?”


Taong 2007 nang magkaroon ng relasyon sina Gian Magdangal at former Viva Hotbabes member na si Sheree. Isang taon ang nakalipas, isinilang ni Sheree ang kanilang panganay ni Gian.

Ngunit marami ang nagulat dahil nitong nakaraang mga lingo ay pumutok ang balitang hiwalay na ang dalawa makalipas ang halos anim na taong pagsasama.

Sa panayam ng Showbiz Police ng TV5 kahapon, September 28, sinabi ng matalik na kaibigan ni Sheree na si Rachel Lobangco na naawa daw siya sa kaibigan dahil palagi daw itong umiiyak.

Aniya, “Hindi niya talaga nakuha yung assurance na yun, ilang beses nang tinatanong, sabi niya wala na ’tong planong…binigay ko na buong buhay ko sa kanya, binigyan ko pa siya ng anak.

“Nakakaawa, iyak nang iyak, lagi na lang iyak nang iyak.”

Kuwento naman ng kaibigan ni Gian na si Luke Mejares, “Hindi pa talaga handa siguro si Gian na magpakasal, kasi ang pagsasama naman ay hindi naman talaga kailangan na ikasal para magsama kayo ng habambuhay.”

Matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila, hindi binigyang-linaw ng magkabilang panig kung ano nga ba ang talagang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Pero maraming espekulasyon ang nagsulputan at isa na nga rito ay wala diumanong balak si Gian na pakasalan talaga ang long time live-in partner na si Sheree kaya daw nakipag-hiwalay na lamang ang huli.

Kuwento pa ni Sheree sa Showbiz Police, “As a person, as a woman, I need… kailangan kong…kumbaga yung value as a woman. Maayos naman ako na nanay sa anak ko.”

Isa pang dahilan diumano ng kanilang hiwalayan ay mayroon daw lihim na karelasyon si Gian na taga-showbiz din.

Saad pa ni Sheree, “Binigay ko naman lahat, yung time…yung effort, yung feeling di ba, parang medyo mahaba-habang oras din yung in-invest ko.”

Sa text message ni Gian sa Showbiz Police, sinabi nitong nagkausap na sila ni Sheree tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya pa, “With respect to our families and our son, we’d like to keep family matters in private and personal.”

SHEREE SPEAKS UP. Bukod sa VTR, nagpaunlak din si Sheree na maging live guest ng show sa segment ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez na “Lucy’s Desk.”

Unang tanong ni Lucy ang tungkol sa kagustuhan nitong magpakasal na sila ni Gian.

Sabi ni Sheree, “Una, tinanong ko siya, kasi siyempre, ilang years na kami and then parang na-realize ko lang na parang six years and then nothing.

“Pag tinatanong siya parang ’change question please,’ yung mga ganung answer, or hindi pa siya handa, ganun, pero hindi talaga niya nasasabi sa akin ng straight.

“Parang ano lang siya… puro malabo na na answers, ganun. Dumating lang talaga yung time na parang na-ano ko…na-feel ko na lang na parang walang plan, yung ganun.

“Na parang walang pinupuntahan yung relationship namin. Kaya parang gumulo na rin talaga yung isip ko na parang…di naman ako pariwarang babae, maayos naman ako, bakit parang walang plan?

“Dumating lang talaga siya sa point na hinanap ko lang talaga.”

Alam ba ng anak niyo ano ang mga nangyayari?

Tugon nito, “Minsan pag nakikita niya akong umiiyak, tinatanong niya ako, ‘Mommy, why are you crying?’”

Anong sinasagot niya?

Aniya, “Kapag hinahanap niya si Gian, ‘Where’s daddy?’ ini-eplain ko sa kanya na, ‘Haley, daddy and mommy are not together for now. We have to… You have to stay with me sometimes and daddy.’ Ini-explain ko sa kanya.

“Sa ngayon alam kong hindi pa niya naintindihan lahat pero siyempre I have to also think kung ano yung tama, kasi I cannot force myself to be in a relationship where… hindi ako happy, hindi na ako nagiging happy.

“I think this is also a lesson for me na may mga bagay din siguro na kailangan kong matutunan para sa next time na if ever man na magsama kami ulit, or magkaroon ako ng relationship, it would be better.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN