Christian Bautista excited about forthcoming musical Cinderella

Christian Bautista on why he loves doing musicals: “Since live siya, kaya of course… mapi-feel mo kaagad yung interaction mo sa audience. And sa story onstage… maganda talaga. Walang cut. So dire-diretso. Pero mas enjoy talaga ako. Kasi, do’n po ako nagsimula, e. Sa musicals. I started sa musicals. And I would always love going back to musicals.”


Successful ang caravan show ng GMA Pinoy TV sa Dubai kung saan kabilang si Christian Bautista at ilan pang mga GMA-7 artists.

Tungkol nga rito ang kaagad niyang naikuwento nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo, September 29.

“Ang ganda! That was a very good show. Nagkaroon talaga kami ng chemistry,” pagtukoy pa ni Christian sa kanyang mga nakasama roon na sina Marian Rivera, Rachel Anne Go at Julie Anne San Jose.

“Gusto nga naming i-tour kahit papano. Kasi nag-enjoy talaga ang mga Pilipino roon.

“Naging show siya talaga. Hindi lang basta nag-personal appearance kami roon. It’s really a concert experience,” masaya niyang ibinalita.

Nagkaroon daw sila ng duet ni Rachel Anne. How was it performing na kasama ulit ang ex-girlfriend niya?

“Maganda!” sabay ngiti niya. “Maganda yung duet na nangyari.

“At yung mga kababayan natin doon, very, very warm ang naging pagtanggap sa amin.

“Ang Dubai naman, I’ve been there siguro mga five times na.

“Talagang yung mga Pinoy doon, lagi silang sabik. They sing along.

“Gusto nila yung kinakausap mo sila. At gusto nila yung… laging may interaction.”

Ilang days silang nag-stay sa Dubai?

“Ano lang… dumating kami, nag-show the next day. Tapos umalis na the next day.

“Kararating lang namin. At diretso na agad dito sa SAS pagdating namin kanina.

“So medyo pagod pa nang konti. Walang… tulugan!” pabirong sigaw pa niya ala-German Moreno sa Master Showman.

“Nakahabol pa kami nina Julie Anne and Rachel na mag-rehearse para sa production number namin sa SAS. Kahit papaano.

“Pero mostly, kantahan na lang.

“Masaya po yung Dubai trip namin. Meron pasyalang nangyari nang konti.

“Mabilisan na parang sa Extra Challenge!” tawa pa niya.

So close ulit sila ng ex niyang si Rachelle Anne nang dahil sa pagsasama nila sa Dubai?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naman kaming friends na talaga. Whether we’re in Dubai or Manila. Friends naman kami talaga lagi,” giit niya.

Kumusta ba ang puso niya ngayon?

“Okay naman. Sakto lang!” nangiti ulit si Christian.

“Sakto lang. Normal.”

Mero na siyang bagong special someone?

“Hindi pa muna sa ngayon. Hindi muna,” mabilis niyang pagtanggi.

MUSICAL. Pagkatapos ng morning series na With A Smile na tinampukan nila nina Andrea Torres at Mikael Daez, anong sunod na bagong gagawin niya sa GMA?

“Sa ngayon, wala pa. Ito munang Sunday All Stars. And then the musical Cinderella sa Resorts World.

“We’re gonna run October 9 to December. So I’m doing thirty shows.

“Kasama ko rito si Karylle naman. Third or fourth time na namin ito already,” dagdag pa niyang kuwento.

Enjoy naman daw si Christian sa mga pagkakataong nakakasama siya sa cast ng isang musical play.

“Since live siya, kaya of course… mapi-feel mo kaagad yung interaction mo sa audience.

“And sa story onstage… maganda talaga. Walang cut. So dire-diretso,” patuloy ni Christian.

Mas may pressure gawin kumpara sa TV show o series?

“Meron. Kasi parang… ‘yon nga, hindi ka makaka-edit ng kahit na ano. So kung anong magyari, kailangang mabawi mo ‘yon.

“Pero mas enjoy talaga ako. Kasi, do’n po ako nagsimula, e. Sa musicals.

“I started sa musicals. And I would always love going back to musicals,” pagmamalaki niya.

DREAM PARTNERS FOR MUSICALS. Sino pang hindi niya nakakatrabaho for a musical ang masasabi niyang dream partner for him?

“Well, si Julie Anne! Why not?

“I think puwedeng-puwede si Julie Anne.

“And… Rachel Anne, of course. Kasi nag-Aladdin na siya. At saka nag-Tarzan.

“Frencheska [Farr] also.

“Si Aicelle Santos din. Ang daming Kapuso actors na nagmu-musical, di ba?

“Marami tayong maganda malagay sa stage talaga.

“And maganda yung bago, e. Maganda yung nakaka-discover ka ng bago,” pangwakas niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN