Karl Medina bags Best Actor award for first movie The Guerilla is a Poet

Character actor Pen Medina on eldest son Karl (right): “Lahat naman ng mga anak ko, namana ang pagiging artist natin. Bago ako pumasok sa paggawa ng pelikula, painter tayo. Iyon ang kinabubuhay natin noon. At tulad ng mga anak ko, aksidente lang ang pagkahilig ko sa pag-arte.”


May isa na namang anak ang character actor na si Pen Medina na pinasok ang larangan ng pag-arte at nanalo pa ito ng kanyang first acting award sa kanyang first movie.

Pagkatapos ngang mag-artista sina Ping Medina at Alex Medina, heto at pumasok na rin ang panganay ni Pen Medina na si Karl Medina ang nanalong Best Actor sa unang pelikula nito na The Guerilla Is A Poet na dinirek ni Sari at Kiri Dalena sa CineFilipino Film Festival.

Nagulat nga raw si Karl sa pagkapanalo niya sa kanyang pagganap bilang Communist Party of the Philippines leader na si Jose Mari “Joma” Sison.

Hindi raw niya ini-expect na siya ang naging frontrunner for Best Actor sa naturang festival.

Ito nga ang ikalawang beses na gumanap bilang Joma Sison si Karl dahil una niyang acting experience ay para sa isang docu-drama para sa Case Unclosed ng GMA-7 na dinirek din nila Sari at Kiri Dalena. Gumanap siya bilang batang Joma Sison.

THE RELUCANT ACTOR. Nagulat nga raw ang ama nitong si Pen Medina dahil hindi niya akalain na may tinatagong husay sa pag-arte ang kanyang panganay.

Never daw kasi itong nagpaturo sa kanya tungkol sa pag-arte.

Ayon pa kay Pen, tahimik lang daw si Karl at mahilig sa pagpinta at ang sport nito ay skateboarding.

“Lahat naman ng mga anak ko, namana ang pagiging artist natin.

“Bago ako pumasok sa paggawa ng pelikula, painter tayo. Iyon ang kinabubuhay natin noon.

“At tulad ng mga anak ko, aksidente lang ang pagkahilig ko sa pag-arte.

“Nagkainteres ako sa teatro kaya sinubukan ko. Naging paraan iyon sa pagpasok ko sa pelikula. Una kong ginawang pelikula ay yung Himala ni Ishmael Bernal noong 1982.

“Na hanggang ngayon, ang pag-arte na ang kinabubuhay namin, pati na ng mga anak ko,” kuwento pa ni Pen sa interview niya sa News5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIKE FATHER, LIKE SONS. Ang dalawa pang anak ni Pen ay lumikha na rin ng ingay sa showbiz.

Si Ping Medina ay kasama ngayon sa GMA teleserye na Prinsesa Ng Buhay Ko at nasa cast din siya ng award-winning indie film na Transit na siyang napiling Philippine entry ng Film Academy of the Philippines para sa Best Foreign Language category ng Oscar Awards sa 2014.

Si Alex Medina naman ay nanalo ng Best Actor para sa Cinema One Original film na Palitan noong nakaraang taon at kalalabas lang niya sa indie film na Babagwa (The Spider’s Lair) na isa sa naging entry ng 9th Cinemalaya Independent Film Festival.

Hindi naman magpapatalo ang ama sa pagiging busy ng kanyang mga anak.

Kasama si Pen sa cast ng bagong afternoon series ng GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-ibig? kunsaan gumaganap siya bilang ama ni Heart Evangelista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN