Enzo Pineda on dating Louise delos Reyes again: “Gusto namin na ma-inspire kami sa isa’t isa as friends.”

Enzo Pineda on current status of relationship with Louise delos Reyes: “Magkaibigan lang talaga and nothing way more than that. Gusto ko ring balansehin ang lahat. Mas gusto kong maging focus kami ni Louise sa trabaho namin. Gusto namin na mag-inspire kami sa isa’t isa as friends.”


Malaki ang pasasalamat ng Kapuso hunk na si Enzo Pineda dahil sa magandang pagtanggap ng marami sa kanilang Sunday teen suspense series na Dormitoryo.

Maganda ang naitalang ratings ng Dormitoryo based sa overnight household data recorded sa Urban Luzon last September 22.

Nakakuha ang Dormitoryo ng 15.5 percent household. Sa Mega Manila, nakakuha sila ng 16.5 percent rating.

Natuwa nga ang buong cast at crew ng Dormitoryo kaya pangako nila na kaabang-abang na mga episodes ang mapapanood nila.

“Nagpapasalamat kaming lahat dahil sa pagtutuok nila sa Dormitoryo.

“Hindi ito yung usual na teen-oriented series na nakasanayan nila from GMA-7. Hindi ito yung nagpapakilig sa televiewers, pero susundan nila ang mga nangyayari sa series.

“It’s something new para sa aming lahat and we’re happy na nagustuhan ito agad ng marami.

“Kaya abangan lang nila every week ang mga nagaganap na misteryo at sa mga madi-discover nilang mga characters naming lahat sa series,” kuwento pa ni Enzo nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Gustung-gusto ni Enzo ang binigay na role sa kanya bilang si Burn Chavez—isang campus heartthrob at isang star varsity player pero may misteryo sa kanyang pagkatao.

“Ganito ang mga roles na gusto kong gawin. Yung nanghuhula ang mga televiewers sa kung ano ba ang totoong pagkatao ni Burn Chavez.

“Nasanay na ako sa mga conventional roles on television. Kumbaga, nagawa ko na ng ilang beses na. But with this new character sa Dormitoryo, na-challenge ako to create its personality,” pag-amin ni Enzo

METHOD ACTING. Sa estado ni Enzo ngayon, mas gusto niyang mabigyan siya ng mga roles na makakasubok sa kanyang mga natutunan na sa mga acting workshops.

Tulad na lang ng ginawa niyang role sa Magpakailanman kunsaan gumanap siya bilang isang binata na pinanganak na may muscular scoliosis.

“Doon nasubukan yung mga napag-aralan ko sa mga acting workshops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang kasi ang pag-memorize ng lines ang ginawa natin kundi pati ang paggalaw ng katawan, yung movements ng isang taong may gano’ng sakit ay pinag-aralan ko.

“It was hard to stay in character pero I did my best and it eventually paid off.

“Doon ko na-experience yung tinatawag nilang ’method acting.’ Focus ka lang sa character and act from the heart,” dagdag pa ng binata.

DATING LOUISE AGAIN. On a lighter side, hindi naman itinatanggi ni Enzo Pineda na nagde-date na ulit sila ng kanyang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes.

Pero ayon kay Enzo, date raw iyon ng dalawang magkaibigan lamang.

“I’m enjoying her company.

“Matagal din kaming hindi naging ganito ni Louise. Hindi nga ba parang nag-iwasan din kami before?

“Ngayon, we’re doing okay. Marami na kaming napagkukuwentuhan. Tulad ng mga bagong trabaho namin.

“Happy kami na we’re both busy.

“Maganda rin itong nagkikita kami kasi pareho kaming masyadong busy ngayon.

“Okay din yung may time kayo to chill at mag-update kayo ng personal at hindi lang through text or tweet,” paliwanag pa ni Enzo.

Wala ngang sinasabi ni Enzo na nililigawan niya ulit si Louise dahil ang pakikipagkaibigan lang daw ang gusto muna nila.

“Magkaibigan lang talaga and nothing way more than that.

“Gusto ko ring balansehin ang lahat.

“Mas gusto kong maging focus kami ni Louise sa trabaho namin. Gusto namin na ma-inspire kami sa isa’t isa as friends,” giit niya.

Hindi naman din daw sila exclusively dating ni Louise kaya okay lang daw na makipag-date ito sa ibang guy.

“Ayokong pinagbabawalan ang isang tao na malapit sa akin. Kung gusto talaga niya to go out with someone else, okay lang basta masaya siya.

“Hindi naman kailangan ni Louise na magpaalam sa akin, eh. She can do whatever she wants dahil siya naman ang masusunod sa mga desisyon niya,” pangwakas niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN