Jake Cuenca clarifies reported involvement in bar brawl

"One thing for sure, hindi ako nagsisimula ng away. Wala namang bugbugan na nangyari," paglilinaw ni Jake Cuenca sa balitang nasangkot diumano siya sa gulo sa isang bar sa The Fort kamakailan.


Nilinaw ng aktor na si Jake Cuenca ang lumabas na balitang nasangkot daw siya sa gulo sa isang bar sa The Fort ilang linggo na ang nakalilipas.

Ayon sa kuwentong lumabas, may nakaaway raw si Jake na mula sa isang kilalang political clan. Dahil sa kanilang away, bugbog-sarado raw nang lumabas ang Kapamilya actor.

“Hindi, wala... wala, nothing," tanggi ni Jake nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng ABS-CBN primetime soap Maria Mercedes last week.

Patuloy niya, "Actually, tinanong sa akin ‘yan ng mga kaibigan ko yesterday.

"Gulung-gulo naman ako dahil wala namang gulo na nangyari.

"Although, mayroong tao. Hindi ko alam kung kilala ba niya ako o ano, medyo binangga niya ako.

"Ang ginawa ko na lang, umalis na lang ako, kasi ilang beses na akong nasangkot sa ganyan.

"I just became the bigger person and I just left."

Sabi pa ni Jake, "One thing for sure, hindi ako nagsisimula ng away.

"Wala namang bugbugan na nangyari.

"Kung makikita ninyo naman ang mukha ko, wala namang nangyari.

"Hindi naman ako nanapak, ni hindi nga ako nagsalita. Hindi naman ako nasaktan.

"Salamat na rin sa management na wala naman talagang gulo na nangyari dun, kasi okay yung security.

"May mga kasama ako kaya ako umalis, kasi ayoko namang yung mga kaibigan ko ang masama sa ganun.

"Kaya tulad ng sinabi ko, ilang beses na akong nasangkot sa ganyan.

"So, I think one thing I learned for sure, at ginawa ko naman yun, I just walked away."

THE GUY. Hindi raw kilala ni Jake ang nakabanggang lalaki. Hindi niya rin alam ang background nito kung totoong galing ito sa isang kilalang political clan.

“Hindi. Hindi ko alam at wala naman naging problema, at wala naman akong sinabi at ginawa.

"Siguro lasing siya, hindi ko alam kung ano talaga. I don’t know what’s his thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nung binangga niya ako, I just walked away.

"Hindi ko na siya kinausap, hindi ko na siya inano.

"I don’t even know his name. I don’t even know how he looks like.

"Kasi nga, ang ginawa ko lang, umalis na lang ako. Hindi ko na idinetalye sa utak ko.

"Kasi ako naman, personally, wala akong problema.

"Ako ang umalis, kasi nga ayoko ng gulo.”

Paliwanag pa niya, “Kasi sa ganyan, ang babaw. Bakit ako makikipag-away sa isang bagay na it’s not even worthy of a fight?

"Pero kung mayroong bumangga sa pamilya ko, sa mga mahal ko, ay, puwede rin naman akong maging gago!

"Puwede rin naman akong makipag-away at hindi ako magdadalawang-isip.

"Basta saktan ang mga mahal ko, saktan ang pamilya ko, hindi ko alam ang puwede kong gawin.

"Pero kung ganun lang, nasa gimikan lang, ang babaw. What for?

"Ilang beses na akong nalagay sa losing end with that issues.

"Ilang beses na ako na parang ako pa yung nagmumukhang masama, so ako na lang [ang magpapaubaya].

"Kung ganyan lang naman kababaw, at kaya nga lumalabas para maging masaya.

"E, di aalis na lang ako, kasi hindi naman masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN