Julie Anne San Jose on changing image from wholesome to sexy: “Hindi po, hindi po. Ayoko po talaga!”

Base sa unang linggong pagpapalabas ng primetime series nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin sa GMA-7 ay tila tanggap na ng marami ang kanilang tambalan. Sabi ni Julie Anne tungkol dito, “Nagpapasalamat din po ako, kasi natanggap po nila kami ni Kristoffer as a new tandem. Kasi nga, bago po e.”


Kagagaling lang ni Julie Anne San Jose sa Dubai para sa caravan show ng GMA Pinoy TV. Nakasama niya rito sina Christian Bautista, Rachelle Ann Go at Marian Rivera.

Hindi raw inasahan ni Julie Anne na sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay isang sorpresa ang sasalubong sa kanya—ang Quintuple Platinum Award para sa kanyang self-titled debut album.

Natutuwa niyang ipinahayag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sobrang salamat po talaga. Hindi ko po ini-expect na aabot sa ganito.

“Akala ko, natapos na noong umabot sa Quadruple Paltinum. Tapos, ’yun nga po, still counting pala.

"So, I’m very blessed.”

Kasama sa album niya ang kantang “I’ll Be There,” ginamit na theme song ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7, ang Kahit Nasaan Ka Man.

Nominee rin si Julie Anne bilang New Female Recording Artist sa PMPC Star Awards For Music na gaganapin October 13 sa Solaire Hotel.

Labis na ikinatutuwa ni Julie Anne ang sunud-sunod na magandang pangyayari sa career niya.

Aniya, “Lahat po ng ito, unexpected po talaga.

“Sobrang blessed po talaga ako na nare-receive ko ang mga ganitong blessings.

“Sobrang punung-puno po talaga ang umaapaw sa kasiyahan ang puso ko.

“Kasi, ang dami-dami talagang dumarating na opportunities, at ang dami ngang blessings.

“Tapos, sunud-sunod po talaga, kaya I’m so thankful.”

SEXY JULIE ANNE? Agaw-pansin ang suot na blue dress ni Julie Anne sa Sunday All Stars (SAS) kung saan tinanggap niya ang kanyang Quintuple Platinum Award kahapon, Linggo, September 29.

Biniro tuloy siya ng PEP, pagkatapos ng show, tungkol sa revealing backless dress na suot niya.

“Hindi naman revealing itong suot ko!” napahalakhak niyang sabi.

Bakit naisip niyang medyo daring ang damit na isinuot niya?

Paliwanag ng Kapuso singer-actress, “Kasi, ’yung theme kasi namin, talagang nili-level up ’yung mga bagay-bagay tungkol sa career ko, simula sa image ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero parang ano… mas nag-level up nga lang ng konti.”

Handa na rin ba siyang sumabak sa pagpapa-sexy?

“Hindi po, hindi po. Ayoko po talaga!” mariing sabi ni Julie Anne.



TRENDING. Samantala, nasa ikalawang linggo na ngayon ang Kahit Nasaan Ka Man. Masaya naman daw si Julie Anne sa magandang feedback ng viewers dito.

“Nagpapasalamat po ako sa mga nanonood, kasi marami po kaming natatanggap na magagandang feedback at saka mga reviews.

“So, sana po ay patuloy pa rin nilang panoorin ito at patuloy lang nilang suportahan.”

Ikinatutuwa rin ni Julie Anne na trending sa Twitter gabi-gabi ang kanilang musical-drama love story ni Kristoffer Martin.

“Oo nga po, e—trending every night!” sambit ni Julie Anne.

Ibig bang sabihin nito ay tanggap na ng marami ang "KrisLie" tandem nila ni Kristoffer?

“I would like to believe so, kasi wala naman po akong negative na mga nababasa e.

“And, ayun, nagpapasalamat din po ako, kasi natanggap po nila kami ni Kristoffer as a new tandem. Kasi nga, bago po e.

“Kaya sobrang natutuwa kami kasi nabigyan kami ng chance. And tinanggap namin yung chance na yun.

“Kaya, sana, tanggapin din ng tao na… tingnan muna nila bago i-judge.

“And so far, so good, naman… yes.

“Marami pong aabangan, like magku-krus na po ulit ang landas namin [ni Kristoffer].”

Ang character ni Kristoffer ay long-lost childhood friend ni Julie Anne sa istorya.

“Kasi, parang itinadhana talaga kami. So, magku-krus at magku-krus ang landas namin.”



DESTINY. Naniniwala ba si Julie Anne na may tao talagang nakatakda para sa isa’t isa?

“Oo naman. Kung sino ang itinadhana sa atin ni Lord, iyon na ‘yon.

“And kung kailan darating yung itinadhana sa akin? Naku, matagal pa ’yun!” tawa ni Julie Anne.

Hindi ba siya naiinip na hindi pa sila nagku-krus ng landas ng taong itinadhana para sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman. Kasi hindi naman talaga ako ’yung parang nagmamadali e.

“Kumbaga, ang dami kong inaasikaso sa buhay, so parang wala munang space for love.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN