Alden Richards says, "I’m very much ready" for mature and daring roles

Ngayong nagdesisyon na ang GMA management na pagpahingahin muna ang loveteam nina Alden Richards at Louise delos Reyes, nagbanggit ng mga pangalan ang young actor ng mga gusto niyang makapareha: "Of course, hopefully po, si Ms. Marian Rivera. And then si Lauren [Young] at saka si Barbie [Forteza]."


Pagkatapos rumampa ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards sa Cosmo Bachelor Bash noong nakaraang linggo, pakiramdam niya ay nag-iba na ang tingin sa kanya ng marami.

Parang nawala na raw ang kanyang boy-next-door image.

Pero okay lang naman daw ito sa kanya.

“Ngayon po, parang masyado akong na-typecast na parang sex symbol, ganoon,” nangingiting sabi ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, September 29.

Pagpapatuloy niya, “Marami ang nagulat. At the same time, marami rin po ang medyo nabigla.

“Na, bakit all of a sudden ay ganoon daw agad ang ipinakita ko sa Cosmo."

Nang rumampa si Alden ay pinahiran siya ng body oil ng ilang miyembro ng SexBomb Dancers, at ibinaba rin niya nang bahagya ang suot niyang boxer shorts.

Ayon kay Alden, hindi na niya uulitin ang ginawa niya sa Cosmo Bachelor Bash.

“Kasi, parang last ko na po, e. Last ko na muna for this… eto pong part ng career ko, last na po muna na magse-sexy.

“Siguro yung next na sexy ko po ay sa film na, or sa soap.

“Pero siguro po sa Cosmo Bash, baka pahinga po muna ako.

“Kasi last year po and this year, parang tumodo na ako, e.”

SEX SYMBOL. Hindi inasahan ni Alden na pagkatapos ng sexy pictorial niya sa Cosmopolitan magazine at pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash ay magiging "sex symbol" na siya.

“Hindi po talaga.

“Sa pagkakaalam ko po, sa career path ko, hindi ko po ini-expect na ganoon ang magiging label sa akin.

“Pero kung may ilang negative comments, mas marami naman po ang natuwa.

"So, okay na po ako doon.”

Dahil nagmistulang tinutukso ni Alden ang audience habang hinihila niya pababa ang itim niyang boxer shorts, marami sa kanila ang nakiliti sa imahinasyon.

“Susmaryosep!” napahalakhak na reaksiyon ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, dala na rin po siguro ng… parang naisip ko na siguro last ko na muna nga ito for this year, itinodo ko na.

“So, iyon na po ang to the extreme.”

Paghahanda na rin daw niya ito sa mature at daring roles na posible niyang gawin.

“Yes, of course po. Parang it’s just to show them na I can do it na po—I’m very much ready.

“Kasi twenty-one na po ako, graduate na from the tweenstar image.

“So, it’s about time for me to be more adventurous when it comes to imaging.”

MATURE ROLES. How far can he go kung ang pag-uusapan ay ang mature at daring image na hinahangad niya?

“Hanggang underwear muna po,” muling nangiti si Alden.

Okay lang ba sa kanyang gumanap bilang macho dancer?

“Opo naman," sagot niya.

"As long as maganda yung script. At saka basta hindi po magmumukhang kabastos-bastos, tatanggapin ko po iyon.”

Hindi kaya siya mailang na nakahubad at magma-macho dance sa harap ng camera?

“Naku, siguro po by that time, maiiba na ang impression ko doon sa gagawin ko,” sabi ni Alden.

Handa na rin daw siya sa mga maseselang eksena, gaya ng love scenes.

Kung siya ang papipiliin, sinong aktres ang gusto niyang makapareha sa ganitong eksena?

“Si Lovi Poe. Or si Alessandra de Rossi.

“Very fun kasi sila, hindi sila uptight masyado.

“So, parang feeling ko, sila yung magiging mas comfortable akong gawin yung eksenang iyon.

“And depende rin naman kasi po iyon sa treatment ng script. Pero so far po, wala akong restrictions.

“Kasama po kasi yun sa trabaho, e. Kakayanin ko po, wala nang hiya-hiya.

“If ever, paghahandaan ko na lang. Siguro lalakasan ko ang loob ko, tapos magtu-toothbrush!” sabay tawa niya.

END OF LOVETEAM? Sa isang interview ay sinabi ni Alden na paghihiwalayin muna ang loveteam nila ni Louise delos Reyes pagkatapos ng matagumpay na primetime series nilang Mundo Mo’y Akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling tinanong ng PEP si Alden tungkol dito.

Aniya, “Hindi naman po siguro magpahinga. Pero siguro, management’s decision po na parang paghiwalayin po muna kami for now.

“Pero hindi ko rin po alam. Yun lang po yung order na nanggaling sa kanila.

“Sa akin, okay pa rin naman pong katrabaho si Louise. And at the same time, bata pa po kami.

“Kahit naman po papa’no, may na-establish naman yung loveteam naming dalawa sa mga nagawa naming soap.

“So, it’s still up to the management kung ano po yung desisyon nila.”

Sino naman ang gusto niyang makapareha?

“Of course, hopefully po, si Ms. Marian Rivera. And then si Lauren [Young] at saka si Barbie [Forteza].

“Sila po yung top three na talagang wish kong makatrabaho rin.”



10,000 HOURS. Naghihintay pa raw si Alden ng abiso mula sa GMA kung ano ang susunod niyang project.

“For now, Sunday All Stars muna ang pinagkakaabalahan ko. Tapos, mga regional shows ng GMA.

“Malapit na rin po akong matapos ng shooting for 10,000 Hours. Ito yung isa sa mga entries sa MMFF [Metro Manila Film Festival] sa December.”

Napagod daw siya nang husto sa pagsu-shoot ng nabanggit na action film kung saan bida si Robin Padilla. Ang direktor nito ay si Joyce Bernal.

Lahad ni Alden, “Dumating talaga sa point na nasusuka na po ako sa pagod, kasi takbuhan scenes, tapos barilan.

“At yung mga stunts, kami po ang gumagawa ng sarili naming stunts, so wala pong double.

“Ako, personally, ayoko rin pong magpa-double. Mas gusto ko pong ako ang gumagawa mismo.

“Kasi, nakakaambag yun sa experience ko as an actor, and mas gusto kong tahakin yung acting sa hindi madaling paraan.”

Si Alden ang gumaganap na younger Robin Padilla sa 10,000 Hours, na ibinase sa life story ni Senator Ping Lacson.

Natutuwa si Alden sa pagkakataong makasama sa isang pelikula si Robin, na marami raw tips na ibinigay sa kanya bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po siya mahirap makatrabaho, kasi he’s very professional.

“Ang lagi po lang nasa isip ni Kuya Binoe is ano… mapaganda yung trabaho, at mapaganda ang magiging result noong ginagawa naming project.

“So, hands-on po talaga!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN