Mark Herras on possible reconciliation with Ynna Asistio: "Ayoko munang guluhin yung mga buhay namin."

Bagamat nananatiling magkaibigan sina Mark Herras at Ynna Asistio pagkatapos nilang mag-break, hindi na raw nila kailangang ipaalam sa isa’t isa kung may nililigawan si Mark o nanliligaw kay Ynna. Sabi ni Mark, “Parang hindi naman namin right sa isa’t isa ‘yon, na sabihin naming, ’O, teka, manliligaw lang ako, a!’ Di ba, parang nakakaloko naman?"


Bagamat medyo alangang magsalita si Mark Herras, inamin ng Kapuso actor na nagpunta siya sa birthday celebration ng ex-girlfriend na si Ynna Asistio.

Nagdiwang ng kanyang 23rd birthday si Ynna noong September 27.

“Imbitado ako. Siyempre naman, bakit ako hindi iimbitahin?” pabirong bungad ni Mark nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, September 29.

Kuwento pa niya, "Okey naman. Masaya yung birthday celebration niya.

“Ako, nanggaling ako ng technical rehearsal ng SAS, so humabol ako.”

POSSIBLE RECONCILIATION. Ang pagdalo ba ni Mark sa party ni Ynna ay senyales ng posibilidad na magkabalikan sila? Napag-isipan at napag-usapan na ba nila ang tungkol dito?

“Well, hindi pa,” sabay ngiti ng aktor.

“Hindi, kasi I mean, ayaw muna namin ng magulo. Yung mga… hindi naman buhay ng isa’t isa.

“Kasi, parang ang daming opportunities na napupunta rin kay Ynna sa ngayon.

"Ako rin, sobrang busy ako.

“Wala man akong regular show ngayon, pero kaliwa’t kanan ang guestings ko. Sobrang daming mga regional shows.

"And bukod dun sa regional shows, may ibang shows pa out of town. So, alam mo ‘yon?

"Maganda ang nagiging takbo ng career naming dalawa, at ayoko munang maging complicated ‘yon.

“At least, parehas naman kaming masaya. At yun, okey naman kami.”

Si Ynna ay nasa bakuran na ngayon ng ABS-CBN at nasa pamamahala na ng Star Magic, ang talent-management arm ng Kapamilya network.

NO NEED TO INFORM THE OTHER. Magkaibigan ang estado ng samahan nila ngayon. Pero kung sakaling may manliligaw kay Ynna o kaya’y may ligawan siya, kailangan bang ipaalam nila ito sa isa’t isa?

Sagot ni Mark, “Hindi na. Hindi naman.

“Wala namang… parang hindi naman namin right sa isa’t isa ‘yon na sabihin naming, ’O, teka, manliligaw lang ako, a!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, parang nakakaloko naman?

“Pero wala. Ako naman kasi, wala pa naman akong nakikita or planong ligawan, as of now.

“Kasi nga, parang ini-enjoy ko muna yung trabaho ko. Kasi, sobrang ang daming opportunities na dumarating sa buhay ko ngayon.

“So, kumbaga, ito muna. Trabaho muna talaga.”

Paano kung may manligaw kay Ynna?

“Ano ang gagawin ko?” nangiting reaksiyon niya.

Magseselos ba siya?

“Selos? A… manggugulpi ako! Gugulpihin ko yung manliligaw!" natatawang biro ni Mark.

“Pero, hindi. Wala naman. Okey lang.

“But, alam ko, wala,” sabi nito tungkol sa pagkakaroon ng manliligaw ni Ynna.

Kung halimbawang mabalitaan niyang may nanliligaw kay Ynna, sasabay ba siya sa pagligaw ulit ng ex-girlfriend?

“Dun ako malakas, na hindi ko kailangang manligaw!” natawang biro ulit niya.

“Hindi naman ‘yon sa… Kunyari may nanligaw kay Ynna, manliligaw din ako sa kanya? Hindi naman ako gano’n.

“Basta kami, masaya kami sa kung anuman yung meron kami ngayon, di ba?

“At happy ako na ang daming opportunities for Ynna na dumarating.

"So ‘yon, dun muna kami nagpu-focus, sa trabaho muna.”

NOT CLOSING THEIR DOORS. Hindi sila nagsasara ng pinto para sa isa’t isa? Mayroon pa ring pag-asa na magka-book two ang kanilang love story?

“Oo naman. Oo naman.

“Sinasabi ko naman. Ako, very vocal ako, na kapag dumating yung tamang panahon at tamang oras for the both of us...”

Paano niya masasabi kung tamang panahon at tamang oras na?

“Siyempre, kami na ang nakakaalam nun.

“Hindi ko masabi kung kailan, at kung paano.

“Pero kasi, mararamdaman ‘yon. Basta ngayon, ayoko munang guluhin yung mga buhay namin.

“Kasi, trabaho muna ako. Si Ynna rin, lagi niyang sinasabi na gusto muna niyang magtrabaho nang seryoso talaga.

“Dun muna kami nagpu-focus ngayon sa trabaho. Kasi, sayang. Sayang yung mga opportunities na dumarating sa amin ni Ynna.”

May usapan o kasunduan ba silang maghihintayan lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman. Kumbaga, labas na kaming dalawa dun, e.

“Wala na kaming right na sabihan yung isa’t isa na, ’O, dapat after two years, tayo na ulit.’ Or, ’Antayin mo ako, aantayin din kita.’

“Wala namang ganun. Basta ngayon, masaya kami pareho.

“Okey na kami sa friendship namin ngayon. Opo naman, siyempre.”

MEGAN YOUNG. Si Megan Young, kagaya ni Mark, ay produkto ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA.

Si Mark ang male winner sa first batch, habang si Megan naman ay kabilang sa batch two.

Masaya raw si Mark para sa actress-beauty queen na naging first Pinay na Miss World.

“Sobrang masaya talaga kami for Megan Young. Unang-una, kapatid namin siya sa StarStruck, di ba?

“Batch 2 si Megan. At alam naman naming lahat from the StarStruck family na talagang isa ‘yan sa mga pangarap niya.

“Plano na niya ‘yon before pa, na gusto niyang sumali sa beauty pageant.

“At siyempre, lahat kami sobrang proud kay Megan.

"Malaking karangalan yung ibinigay niya para sa bansa natin, dahil siya nga yung kauna-unahang Pilipino na nanalo bilang Miss World, for the record.

“Maraming tao ang natutuwa kay Megan. Maraming supporters niya ang sobrang natutuwa for her.

“At siyempre, kami ngang mga kapatid niya sa StarStruck, sobrang masaya rin for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN