Danita Paner no time for lovelife: "Ngayon kasi, hindi ko ma-handle ang pain, problems, heartaches…"

Bagamat loveless siya ngayon, inamin ni Danita Paner na crush niya ang Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla. Sabi ni Danita tungkol kay Daniel: “Effortless kasi ang dating niya. Alam mo yung tipong astig ang dating? Hindi lang siya masalita, pero ang lakas ng dating, di ba?"


Pumirma ng limang taong management contract ang singer-actress na si Danita Paner sa Viva Entertainment kahapon, Lunes, September30.

Present sa contract signing ang Viva executive na si Veronique del Rosario-Corpus at ang ina ni Danita na si Daisy Romualdez.

"Masaya po ako na nasa Viva na ako," pagmamalaki ni Danita sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng contract signing, na ginanap sa Viva office, sa Ortigas Center, Pasig City.

Patuloy niya, "Alam ko na right now ay nasa good hands ako, at bahala na sina Tita Veronique sa career ko.

“Sabi nga ng mommy ko, starbuilder ang Viva, at naniniwala naman po ako doon.

"So, masayang-masaya ako today.

“Though, I would be concentrating more sa singing career ko, pero, yeah, gusto ko pa rin namang mag-artista.

“After TV5, nagpahinga muna ako for a year. Pero ngayon, tuluy-tuloy na po ito.

"Excited ako nang husto doon sa second album ko.

“At saka yung sa movies… ang huling movie kong nagawa ’ata, e, six years old pa lang ako."



RELATIONSHIPS. Sobrang seryoso raw ni Danita sa panibagong chapter ng kanyang career, kaya maging ang usapin sa kanyang lovelife ay isinasantabi na muna niya.

Dalawa ang naging high-profile relationships ni Danita—sa singer na si Kean Cipriano at sa aktor na si JC de Vera.

"Hay naku, masakit lang sa dibdib!" napabuntung-hiningang sabi ni Danita tungkol sa kanyang failed relationships.

"Merong mga nag-aano, pero ‘wag na muna... ’wag na muna.

"Sa una kasi ay nakaka-inspire. Pero ngayon kasi, hindi ko ma-handle ang pain, problems, heartaches… saka na yung lovelife.

"Sa November ay magtu-two years na akong single."

Kasunod nito ay ang pagbibigay niya ng advice sa mga babaeng “in a relationship” ang status. Lalo na raw sa mga may boyfriend na mahilig pa ring tumingin sa ibang babae.

Aniya, "Oo nga, kaya ang girls ngayon, dapat open-minded.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi ako open-minded ngayon, kaya wala munang boys. Hindi ko pa kaya.

"At saka ’yang si Mommy, grabe, masakit kung mag-advice ’yan.

“Sasabihin niyan, ’Hay naku, lahat ng lalaki ay lolokohin ka!’ Ganun mag-advice ‘yan.

"Pero, magiging strong ka naman."

Dagdag ni Danita, "Naniniwala ako sa advices niya, kasi siya naman yung marami nang na-experience.

"I mean, maraming naging ex si Mommy, kaya nakikinig ako sa kanya!” tawa pa niya.



DANITA’S EX-BOYFRIENDS. Dahil nabanggit na rin lang ni Danita ang tungkol sa mga ex, nabaling ang usapan dito.

Kailan sila huling nagkita ni JC?

Sabi ng 24-year-old singer-actress, “Nagkita kami bago siya lumipat sa Dos [ABS-CBN].

"Nagkumustahan lang... sinabi lang niya na lilipat na siya sa Channel 2.

"Natuwa naman ako kasi, ever since, ay yun naman ang gusto niya.

"Ang nakakatuwa pa, friends talaga kami ni JC ngayon.

"Nare-remember ko sa relationhip namin yung travels namin together. Nakasama pa nga namin si Mommy abroad."

Paano naman niya inaalala ang nakaraan nila ni Kean?

Pagbabalik-tanaw ni Danita, "Kay Kean, sobrang selosa ako noon.

"Siguro dahil sixteen lang ako noon kaya grabe pa ang emosyon ko.

"Dyusko, alam n’yo naman ang pinagdaanan namin ni Kean... may mga NBI at DSWD pa!

"One thing sa amin ni Kean ay yung sobrang passion namin sa music."

Ang tinutukoy ni Danita ay noong panahong nagrebelde siya sa kanyang ina na si Daisy. Noong panahong iyon ay si Kean ang boyfriend niya.

(Read: Danita Paner claims her life with Daisy Romualdez is "hell")

Coming from two failed relationships, ano naman ang mga leksiyon na natutunan niya rito?

Sagot ni Danita, “Madami po. Lalo na noong lumipat ako sa TV5, natutunan ko ang discipline.

"Talagang itinuro ni Mommy na ’wag ma-late sa work... number one po yun. Kaya, wala akong record na na-late.

"Sa lovelife din kasi, laging advice ni Mommy na huwag ibigay ang one hundred percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lang, hindi siya applicable.

"Kasi, kapag nandiyan ka na, maibibigay mo talaga ang lahat-lahat.

"Lahat-lahat yun na parang masisira ang ulo mo!" natatawang sabi niya.



SHOWBIZ CRUSH. Sa kabila ng pagiging loveless, inamin ni Danita na ang showbiz crush niya ngayon ay si Daniel Padilla.

“Ay, oo, crush ko si Daniel Padilla!” bulalas niya.

"Pero, bata pa siya.

“Effortless kasi ang dating niya. Alam mo yung tipong astig ang dating?

"Hindi lang siya masalita, pero ang lakas ng dating, di ba?

"Yes, okay siya. Bagets nga lang siya.

"Pero yun talaga ang gusto ko, yung rugged-rugged... lalaking-lalaki ang dating.

"Lalo na musically-inclined pa, naa-attract ako."

Sa local actors naman, if ever na may gawin siyang pelikula sa Viva, sino ang dream leading man niya?

Mabilis niyang tugon, "Sa local actors natin, sobrang hanga talaga ako kay John Lloyd [Cruz].

"For me, siya talaga ang magaling sa generation ngayon.

"Hindi siya overacting, very natural."

Kapag nagkaroon ba siya ng pelikula ay kaya na niyang gawin ang mga ginagawa ng ibang Viva contract stars, tulad nina Cristine Reyes at Andi Eigenmann?

"Yung pagpapa-sexy? Kakayanin.

“Basta wala lang si Mommy sa set!” natatawang sabi ni Danita.

"Baka maggagaganyan ’yan, ’Oy, bakit ganyan ’yan? Di ganyan!’

"Siyempre, di ako makaano niyan."

Pagdating naman sa local singers, tagahanga raw siya ni Yeng Constantino.

"Sobrang fan ako ni Yeng. Sabay kaming nag-release ng album before.

"Magaling siya sa songwriting... yung lyrics niya. Bilib na bilib ako sa kanya.

“Kapag nanonood ako ng TV, nabibilib ako kung paano niya nae-execute yun.

"Halos pareho kami ng genre... malapit-lapit," pagtatapos ni Danita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN