Mumbai Love director Benito Bautista corrects Martin Escudero’s "misinformed statement"

Mumbai Love director says his actor Martin Escudero was "misinformed" about the circumstances around the shoot of their indie film in India.


Kababalik lang ng bansa ni Martin Escudero, na kabilang sa nominees sa ilalim ng "Newsmaker" category ng second quarter ng The PEP List.

Naglagi ang aktor sa India ng sampung araw para sa shooting ng bago niyang indie film na Mumbai Love.


Ayon sa aktor, traumatic umano ang trip na ito dahil na-hostage siya at ang kanyang mga kasamahan nang halos anim na oras.

Nagkuwento si Martin tungkol dito sa local entertainment press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong Oktubre 1, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Ang salaysay ni Martin ang punto ng report na inilabas ng PEP kahapon, October 2.

Pero ilang oras matapos malathala ang nasabing artikulo, tinawagan ni Martin ang PEP contributor na si Rose Garcia at ang managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan.

Ipinaliwanag ng aktor na kailangan niyang bawiin ang kanyang statement dahil mas malinaw kung ang kuwento ay manggagaling daw mismo sa direktor ng Mumbai Love na si Benito Bautista.

Makalipas ng ilang minuto, si Direk Benito na mismo ang tumawag sa PEP para ipaliwang sa readers ang nangyari.

Ang bungad niya, "misinformed" si Martin.

Wala raw ganoong insidenteng naganap.

Hindi sila na-hostage.

At wala ring bayaran ng ransom money na naganap.

Ipinakiusap ni Direk Benito na tanggalin na ang kabuuan ng balita dito sa site dahil "misinformation" daw ang makakarating sa publiko kapag nanatili ito.

Ipinaliwanag din ng direktor at ng aktor na maaaring makasira pa ito sa magandang relasyon sa pagitan ng mga Pilipinong nagtrabaho sa pelikula sa India at ang mga mamamayan ng India.

Malaki rin naman daw ang isinugal ng Indian producer nila sa Filipino-made indie film na Mumbai Love, at gusto nilang ipakita rito na, kung may sigalot mang nangyari, naayos na ito sa pamamagitan ng mahusay na komunikasyon.

Bandang huli, humingi ng paumanhin ang aktor at ang direktor sa mga mamababasa ng PEP sa hindi pagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang text message na ipinadala ni Direk Benito bandang alas onse ng gabi, October 2, 2013:


The statement from Martin Escudero as one of the actors in our film project in India was a misinformed statement.


First of all, no hostage situation took place.


What happened was there was a disruption in the production shoot due to a misunderstanding with a certain film union in Mumbai.


However, our aligned Mumbai unit was able to resolve the situation. After this disruption, the rest of our filming days went smoothly.


Our Mumbai production unit took great care of our team and we are very happy and grateful with our collaboration.


The city of Mumbai is a beautiful place blessed with a rich culture and good-hearted people.



MUMBAI LOVE. Gagampanan ni Martin sa pelikulang ito ang karakter ni Mark, isang company photographer na ipinapadala sa iba’t ibang bansa.

“Ako ‘yong ’pinapadala sa ibang bansa para kumuha ng mga detalye na puwede naming i-import," sabi ng young actor.

Ang unang plano ay hindi sa Pilipinas ipapalabas ang pelikula.

Aniya, “Originally, international lang [ang release] kasi walang market dito, pero since nung huling usap namin, magiging nationwide na siya.

“So dalawang kultura ‘to na pinagsama sa isang pelikula—ang kultura ng mga Indian ,‘yon yung part na kinunan namin doon, ’tapos mayroon pa kaming kukunan dito."

Ang Mumbai Love ay nakatakdang ipalabas sa India at sa bansa nationwide sa January 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN