(UPDATED) Miguel Barretto on Raymart Santiago: “Parang nilinlang kami at pinaniwala na nagdrodroga si Claudine.”

Mike Barretto on children Gretchen, Marjorie, and J.J.: “Sila, they feel righteous on the outside. Pero, inside, they’re hypocrites, and evildoings ang ginagawa nila—’yang mga kapatid na ’yan.” Mr. Barretto said this during the press conference that his daughter Claudine’s camp called for today, October 1.


Sinagot ni Miguel Barretto, ama ng aktres na si Claudine Barretto, ang pasaring ni Raymart Santiago na kinukunsinti nila ang pagkalulong umano sa droga ng aktres.

Kaninang tanghali, Oktubre 1, ay kasama ni Claudine ang ama, na bihirang makita ng publiko, nang humarap ang aktres sa isang press conference sa Rembrandt Hotel.

Bukod sa kanila, nasa presidential table din ang dalawang legal counsels ng aktres na sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Junelet Mataro.

Ayon kay Mr. Barretto, “Sa isang interview ni Raymart, sinabi niya, ‘Mommy, Daddy, alam n’yo ang problema ni Claudine.’

“Ang parang tinutukoy niya dun, parang may drug problem si Claudine, kinukunsinti namin.

“Pero ngayon, parang nilinlang kami at pinaniwala na nagdrodroga si Claudine.

“So, pati Mommy, ako, J.J., mga kapatid ni Claudine, Gretchen, at saka ano... naniwala.”

Pito ang naging anak nina Miguel at ng asawa nitong si Estrella "Inday" Barretto: sina Miguel Jr., 53; Michelle (Mitchie), 52; Joaquin Jose (J.J.), 51; Gia, 44; Gretchen, 43; Marjorie, 39; at Claudine, 34.

Naninindigan si Mr. Barretto na hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang bunsong anak.

Saad niya, “Ngayon, hindi ko maintindihan bakit sinisiraan niya si Claudine.

"Bakit niya sinasabi na drug addict si Claudine, na hindi naman totoo.

"May mga drug test si Claudine noon, na ipinakita na she’s okay.”

Taliwas daw ito sa sinumpaang salaysay ni Raymart na isinumite ng aktor sa Prosecutor’s Office ng Marikina noong September 24.

Ayon sa counter-affidavit ng aktor, mismong pamilya ni Claudine ang gumawa ng paraan para sumailalim ang aktres sa rehabilitation program ng isang ospital, noong Enero ng 2011.

READ: Raymart Santiago submits details of Claudine Barretto’s alleged drug dependence in his counter-affidavit

“We tried to take steps,” ani Miguel, ngunit hindi nito kinumpirma o itinanggi ang sinasabing pagsasailalim sa rehabilitation ni Claudine noong 2011.

Sabi pa niya, “Alam mo, it’s the husband who has the first ano, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We could not make decisions, e. So, pinabayaan namin.

"Sabi namin, maso-solve nila ang problema nila.”



NEGATIVE DRUG TEST. Tiyempo naman daw na magdidiwang ng kanyang ika-76 na kaarawan si Mr. Barretto ng Sabado, September 29.

Once and for all, nais daw niyang matigil na ang espekulasyon tungkol sa alegasyon ni Raymart na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Claudine.

Kaya’t hiniling daw niya sa bunsong anak na magpa-drug test ito bilang birthday gift sa kanya.

Lahad ni Mr. Barretto, “Ngayon, si Claudine, tinawagan ako kahapon. ‘Dad, ano’ng gusto mo para sa birthday mo?’ My birthday was on the 29th.

“Sabi ko, ‘Ang gusto ko sa birthday ko is magpa-drug test ka.

"Complete drug test para mawala na talaga lahat ng bahid na drug addict ka, kung pumasa ka.

"At gusto ko, itong araw na ito, kasama ako at isang abugado, at kung maaari, ipa-video natin.’”

Agad naman daw pumayag ang aktres na sumailalim sa drug test sa isang medical diagnostic clinic sa Quezon City.

Patuloy na kuwento ni Mr. Barretto: “Alam mo, nagulat ako sa sagot ni Claudine. ‘Oo, Dad. Hintayin ko lang yung abugado. And then, tuloy tayo, ipasundo kita.’"

Si Claudine ay naninirahan sa Loyola Grand Villas sa Quezon City, sa bahay na ipinatayo nila ni Raymart. Si Mr. Barretto, kasama ng asawang si Inday, ay nakatira sa condo na pagmamay-ari ni Claudine, sa Bonifacio Global City complex, sa Taguig City.

Pagpapatuloy ni Mr. Barretto, “Nung hapon, sinundo ako, tumuloy kami sa Hi-Precision Diagnosis.

"Nagpaano [drug test] siya run. Very transparent.

“Pinakunan namin ng maliit na pagkukunan ng sample. And then, nandun yung laboratory technician.

"Siya mismo, clean, bukas ang pintuan. Sila Attorney, nandun sa labas, nakikita ang nangyayari.

“And then, hinintay namin ang results.

"Ang results, kumpleto ang hiningi namin. Sampu.

"Hindi lang dalawa-dalawa. Sampu. At lumabas ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito ay ipinakita ni Mr. Barretto sa press ang photocopy ng drug-test report ni Claudine mula sa Hi-Precision Diagnostics, na isinagawa raw noong Lunes, September 30.

Ayon sa naturang drug test report, hindi nakitaan ang aktres ng mga sumusunod na drug substances o metabolite: Phencyclidine (PCP), Barbiturates, Benzodiazepines, Cocaine, Ecstacy, Methadone, Methamphetamine, Morphine, Opium, at Tetrahydrocannabinol.

Saad ni Mr. Barretto: “Ten lahat. Pinaka-complete na puwedeng ano. And this was done yesterday. Negative and passed lahat.

“So, ngayon, sino ang sinungaling?” balik-tanong niya sa kampo ni Raymart.

Kasunod nito ay nagpasaring si Mr. Barretto na kailangang sumailalim din si Raymart sa drug test.

“Ngayon, hinahamon ko si Raymart na magpa-blood test din.

"Sa huling kita ko sa kanya sa TV, parang may tama.

“Sabi kong ganyan, magpa-drug test din siya. Ako ang magbabayad, para huwag niya sabihing pinaggastos ko pa siya.

"‘Yan ang hamon ko sa kanya. Yun lang masasabi ko.”



BAD PARENTS OR BAD CHILDREN? Naniniwala si Mr. Barretto na lalong lumala ang problema ng mag-asawang Claudine at Raymart dahil sa pagpasok sa kuwento ng iba niyang mga anak.

Ang tinutukoy niya ay ang mga magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at J.J.

“Until pumasok yung tatlong kapatid—and then, Mrs. Barretto had to expose them.

“Masakit talaga yung ginawa ni Mrs. Barretto. She had to expose her own daughter.

“Because, she has a bad track record on that, e. Manira, yung isa. I won’t mention anymore any other names,” ani Mr. Barretto.

Bagamat ayaw magbanggit ng pangalan ni Mr. Barretto, hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang tungkol sa kontrobersiyal na alitan sa pagitan ni Inday Barretto at ang anak na si Gretchen.

Nangyari ang alitang ito dahil dipensahan ni Mrs. Barretto si Claudine.

READ: Inday Barretto to daughter Gretchen: "Yes, I am letting you go to set you free from the burden of being a part of our family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang magulang, saan kaya sila nagkamali at bakit lumala nang husto ang alitan ng kanilang pamilya?

Ayon kay Mr. Barretto, “It’s either we are bad parents, kami ng mommy, or we had bad children.

"Isa sa dalawa ‘yan. Only God will know the answer to that.

“Ewan ko kung paano. Mali ang pagpapalaki namin sa mga anak namin?

"I’m sorry, God will be the judge for that.

“Sila, they feel righteous on the outside.

"Pero, inside, they’re hypocrites, and evildoings ang ginagawa nila—’yang mga kapatid na ‘yan.”

Sa halos ilang buwan na itinagal ng hindi pagkakasunduan sa pagitan ng magkakapatid na Barretto, marami ang nagtatanong kung bakit kay Claudine pumanig ang mag-asawang Miguel at Inday.

Nakatanggap sila ng kritisismo mula sa publiko, dahil bilang magulang ay wala dapat sana silang pinapanigang anak.

Bakit si Claudine ang pinili nila kaysa ibang mga anak?

Tugon ng Barretto patriarch, “Alam mo, si Claudine, malaking ano, e... pinakamabait sa lahat sa kanila.

“At saka, binu-bully nila, e. Palagay ko, part of that is sibling rivalry.

"Because ang na-attain ni Claudine sa pagkabata, hindi na-attain nung mas matanda niyang kapatid na dalawa.

“Siguro, medyo ano, it could be, ha. I’ve been trying to analyze it.

"I’ve been praying always, to make a good decision, to ask God to give me the right decision. But as of now, I just want them to back off.

“At iwanan na rin yung away ni Raymart at ni Claudine. Tigilan na nila mag-away.”



STOP USING THE BARRETTO NAME? Tinanong din si Mr. Barretto kung gusto ba niyang huwag nang gamitin ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at J.J. ang apelyidong Barretto.

Naniniwala si Mr. Barretto na tinalikuran ng mga ito ang kanilang pamilya, lalo na sa ginawa nilang pagkampi kay Raymart laban sa kapatid na si Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang mas pinagtibay ng mga sinumpaang salaysay nina Gretchen, Marjorie, at J.J. ang counter-affidavit na isinumite ni Raymart sa Prosecutor’s Office ng Marikina.

Sagot ni Mr. Barretto: “Hindi namin puwedeng anuhin yun, ano.

"Pero kung ikinahihiya nila ang Barretto’ng pangalan, huwag na nila gamitin. Magpalit sila.

“Gretchen can use Cojuangco, kung papayagan siyang gamitin ang Cojuangco. I doubt kung papayag naman si Tonyboy.

“Marjorie can use Padilla if she wants. Kung ’kinahihiya nila ang Barretto.

“Wala, wala akong magagawa. Hindi naman sila nakikinig sa akin.”

Ang tinutukoy ni Mr. Barretto na "Tonyboy" ay ang longtime partner ni Gretchen, na si businessman Antonio "Tonyboy" Cojuangco Jr.; at ang sinasabi niyang "Padilla" ay ang dating asawa ni Marjorie na si Dennis Baldivia, na may screen name na Dennis Padilla.

Dagdag pa niya, huwag nang makisawsaw ang mga tinukoy na magkakapatid na Barretto sa away-mag-asawa nina Raymart at Claudine.

“Ang wish ko lang, tumigil na sila. Layuan na nila kami. Lay off us.

“Wag na sila kumampi kay Raymart. Wag na sila kumampi kay Claudine.

"Tahimik na sila. Wag na sila manira. Malaki na ang ginawa nilang stress.

"Si Mrs. Barretto ngayon, hindi lang stress, kundi high blood ang ano niya.

"Anytime, she can have a stroke, because nagsisali ang mga kapatid,” pagtatapos niya.

“HINDI KO SILA PAMILYA.” Pareho ng sentimyento ang mag-amang Miguel at Claudine, na dapat ay huwag ng gamitin nina Gretchen at Marjorie ang apelyidong Barretto kung ikinahihiya nila ito.

Bago pa ang naganap na interbyu kay Mr. Barretto, si Claudine ang unang nagsabi na hindi karapat-dapat na tawaging Barretto ang mga kapatid niyang sina Gretchen, Marjorie, at J.J.

Ito ang sagot ni Claudine nang tanungin kung ano ang pakiramdam na mismong mga kapatid niya ang tumalikod sa kanya:

“Like I said, hindi ko sila pamilya. And sana palitan din nila ang apelyido nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN