Robin Padilla calls for resignation of Senate President Franklin Drilon and other senators

Sinabi ni Robin Padilla na dapat mauna si Senate President Franklin Drilon na magbitiw sa tungkulin, bago ang ibang pulitiko na nadadawit ngayon sa pork-barrel scam.


Nagpatutsada ang aktor na si Robin Padilla kay Senate President Franklin Drilon sa pag-amin ng huli na tumanggap ito ng milyun-milyong halaga ng government funds, matapos ang impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona noong 2012.

Sa Instagram account ni Robin (@robinhoodpadilla) ay naka-post ang isang altered photo na may mukha ni Drilon at may katawan ng baboy.

Ang pagpu-post ni Robin ng larawan ay sa gitna ng kontrobersiyal na pork-barrel scam na kinasasangkutan ng ilang mga senador at kongresista.

Matapang ang caption ni Robin sa larawang naging viral sa Internet:

“Ang dating DOJ secretary na nagpakulong sa akin dahil sa salang Kayabangan at pagiging mapusok. Ngayon senador ipakita mo sa mga kabataang Pilipino ang delikadeza at karangalan na inyong sinumpaan kasama ng inyong tungkulin bilang boses at amain ng Inangbayan bilang pinakapinuno ng mataas na kapulungan hinihingi ng Mapayapang Rebolosyon ang inyong pagbibitiw at harapin ang paglilitis ng mga Anak ng Bayan. Oras na para sa tunay na pagbabago at pagkapilipino."

Si Drilon ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) nang makulong si Robin sa kasong illegal possession of firearms noong 1995.

Inamin ni Drilon noong Setyembre 29, Linggo, na tumanggap siya ng P100-million additional fund, na tinatawag na Disbursement Additional Fund (DAP), mula sa Palasyo noong nakaraang taon.

Ito ay pagkatapos ng Corona trial.

Pagtatanggol ni Drilon, hindi suhol mula sa Malacañang ang pondong kanyang natanggap pagkatapos ng conviction ni Corona.

Sinabi ni Drilon na ginamit umano ang nasabing pondo sa pagpapagawa ng imprastruktura sa kanyang bayan sa Iloilo.



“RESIGN!” “Nakuha ko rin lang ‘yon. May nagpadala, ‘Wow, galing nito, a!’” sabi ni Robin tungkol sa ni-repost niyang larawan.

Nakausap si Robin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa shooting ng kanyang Metro Manila Film Festival entry na 10,000 Hours, noong Lunes, Setyembre 30.

Pagpapatuloy ni Robin, “Ngayon, naalala ko yung mga nakalipas, yung mga sinasabi nung mga malilinis na taong ito, na dapat ikulong ako. Dahil yung mga panahong iyon, masamang tao ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang naman yun, e… Na kung talagang gusto nating manungkulan, at sinasabi na tayo ay gusto nating maging pinuno, dapat po talaga yung malinis.

"At yung mga ginagawa natin, hindi gagawin ng ibang tao, dahil akala nila tama. Kailangan, tayo halimbawa.

“Ang dami-daming taong gusto akong maging politician, isa lang ang sinasabi ko, ‘Pare, hindi ako malinis.’”

Nilinaw ni Robin na hindi lang para kay Senador Drilon ang kanyang panawagan na magbitiw.

Malinaw na ang kanyang tinutukoy ay ang mga pulitikong sangkot sa pork-barrel scam.

“Sa lahat ng mahal nating senador, palagay ko, ipakita lang natin yung ating pagka-Pilipino ngayon.

“Ano ba ‘yon? Mag-resign tayo. Mag-resign tayo sa mga oras na ‘to.

"Ipakita natin sa taong bayan na… nagtatanong kasi lahat, e,” ani Robin.

Dagdag niya, “Sa oras na ‘to, nagtatanong ang lahat ng mamamayan—mahirap, sobrang hirap, sobrang yaman—lahat ‘yon, nagtatanong.

“At palagay ko lang, hindi naman parehas kung yung tinatanong natin nakaposisyon. Ang hirap nun.

"Dapat nasa ibang neutral ground tayo para tayo makapagtanong nang tama. Dapat wala sila sa posisyon.

“Yun lang naman ang akin. Akin lang ‘yon.

"Nagbabayad ako ng tax, karapatan kong magsalita.

"At walang sinuman ang puwedeng magsabi sa akin ng ’shut up.’ Nagbabayad ako ng tax, [ang] laki!”

Sa opinyon ni Robin, dapat ay manguna si Senador Drilon sa pagbibitiw, bago ang ibang senador na sangkot sa kontrobersiya, kung saan ang ilan ay kaibigan ni Robin.

“Nakikita ko naman, kailangan ‘yon dapat niyang pangunahan, kasi siya ang presidente ng Senado.

“Di naman ‘yan puwedeng gawin ‘yan ng kaibigan ko, ‘Pare, mauna ka.’

“Mauna ang pinuno.”

Idinagdag pa ni Robin na wala siyang sama ng loob kay Senador Drilon.

“Ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, yung nakulong ako.

"Wala akong kahit anong sama ng loob sa kanya.

“Ang aking sinasabi e panindigan mo kung ano yung sinasabi mo nung araw. Yun lang naman ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tandaan natin, lider natin ang mga ito.

"Kung ito, normal na manggagawa, walang problema. Puwede nating sabihing… yakapin… puwede nating patawarin, ‘Okay, pare, quits na ‘yan.

“Tandaan po natin, inihalal ito, nakaposisyon sa gobyerno,” diin ni Robin.

DRILON’S REACTION. Ipinagkibit-balikat lang ni Senator Drilon ang panawagan ni Robin na mag-resign siya sa kanyang tungkulin.

Sabi ng senador sa panayam iya na lumabas sa GMA News ngayong araw, October 1: “I think Padilla got it all wrong... That I admitted receiving P100 million in DAP funds was not like I admitted committing a crime. On the contrary, I was only doing my role in helping prime the economy that was needed at that time."

Dagdag niya, “The DAP allocation is not cold cash but was merely a list of infrastructure projects recommended by legislators and local government officials to be implemented by the Department of Public Works and Highways."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN