Claudine Barretto says money issues with Raymart Santiago are because they have no pre-nup

Tanong: Ano ang pinanggalingan ng problema ninyong dalawa? Sagot ni Claudine: “Wala kaming pre-nup.” Nang tanungin muli kung naniniwala si Claudine na pera ang puno’t dulo ng away nila ni Raymart, nagkibit-balikat lang ito.


Naging emosyunal si Claudine Barretto nang usisain ng press ang puno’t dulo ng hidwaan sa pagitan nila ng asawang si Raymart Santiago.

Minsang hinangaan ng publiko ang kanilang mala-fairy tale renewal of vows sa Tagaytay Highlands noong March 27, 2007.

Unang ikinasal ang aktor at aktres sa Cauayan City, Isabela, noong May 2, 2004.

Ngunit malayo sa matatamis na sumpaan nila ng araw ng kanilang kasal ang mga akusasyong ibinabato nila sa isa’t isa ngayon.


"TERRIBLE...HORROR." Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV reporters ngayong araw, October 1, binalikan ni Claudine ang insidenteng naging mitsa ng pagkasira ng relasyon nilang mag-asawa.

Aniya, may kinalaman ito sa isang traumatic experience na pinagdaanan niya noong taong 2010.

“Well, according to Raymart, sa affidavit niya, nagsimula ito lahat kay Gretchen.

“Kung basahin niyo mabuti, dahil pinipilit ko raw siyang idemanda yung kapatid ko, itong March.

“But that wasn’t [it], mali yung timeline niya. Meron silang ginawa sa akin nung 2010 that really traumatized me.

“Walang ginawa si Raymart para protektahan kami ng mga anak ko. Instead, ginamit pa niya yun para takutin kami.

“Yung nangyari sa akin was terrible. Horror talaga.

"I would not wish it to happen to anybody,” balik-tanaw ni Claudine sa hiwalay na interbyu, pagkatapos ng kanyang press conference sa Rembrandt Hotel sa Quezon City.

Ngunit matapos buksan ni Claudine ang usaping ito, ayaw na niyang sabihin kung ano ang tinutukoy niyang teribleng insidente.

“Hindi ko na po kaya,” maiksing sagot ng aktres.


GRETCHEN’S INVOLVEMENT. Sa counter-affidavit na isinumite ni Raymart sa Prosecutor’s Office ng Marikina noong September 24, sinabi ng aktor ang dahilan ng tuluyan na niyang pag-alis sa kanilang bahay sa Loyola Grand Villas noong March 17, 2013.

Saad ni Raymart sa kanyang sinumpaang salaysay: “The final straw that caused our marital breakup was when Complainant imposed upon me to sue the latter’s sister, Gretchen Barretto, for alleged derogatory remarks made by her against our children.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit tumanggi raw ang aktor na idemanda si Gretchen dahil wala siyang ebidensiya.

Ayon pa rin sa counter-affidavit ni Raymart: “I refused to file a complaint based on hearsay considering that I have not directly heard the same from Gretchen, and I would be fabricating tales should I proceed with the suit.”

Ito ang maiksi, bagama’t walang linaw, na sagot ni Claudine nang hingan siya ng PEP ng reaksyon dito:

“Alam mo, alam ng Diyos, at alam niya.”

Hindi kaya third party ang dahilan, paglilinaw ng isang reporter.

“Ewan ko sa kanya,” balik naman ni Claudine.


MONEY ISSUES. Tanong ulit ng PEP, Ano ang pinanggalingan ng nabanggit mong pangbla-blackmail ni Raymart sa iyo?

Ano ang pinanggalingan ng problema ninyong dalawa?

Sagot ni Claudine: “Wala kaming pre-nup.”

Nang tanungin muli si Claudine kung naniniwala siyang pera ang puno’t dulo ng away nila ni Raymart, nagkibit-balikat lang ito.

Pagkatapos ay kinuwestiyon niya ang tunay na motibo ni Raymart sa akusasyon nitong isa siyang drug user.

“Kung totoo nga na mentally ill ako, or drug addict ako, bakit mo pababayaan yung mga bata sa akin ng ilang buwan?

“Di ba dapat yun ang unang binitbit mo?

"Hindi yung mga Louis Vuitton na luggages, hindi yung mga relo mo, hindi pera?” balik-akusa niya sa asawa.

Taliwas daw sa nakasaad sa counter-affidavit ni Raymart na isa itong mabuti ama, wala daw pakialam ang aktor sa mga anak nila.

Saad ni Claudine, “Mas mahalaga naman yung mga anak mo. Kung hindi pa siya na-TPO [temporary restraining order], wala siyang pakialam sa mga anak niya.”

Pinabulaanan din ng aktres ang sinabi ni Raymart sa kanyang counter-affidavit na linggo-linggo itong bumibisita sa mga anak, mula noong umalis ang aktor sa bahay nila sa Loyola Grand Villas.

“Ako ang tumatawag sa kanya. I have it all in text na ako ang nakikiusap na dalawin niya yung mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But there were days na sixteen days, fourteen days na hindi. And he conspired with our whole household.

“So, I dare you. Magpa-drug test siya. Ikumpleto na niya,” hamon pa ni Claudine kay Raymart.


REJECTED CREDIT CARD. Nilinaw din ni Claudine ang ispekulasyon tungkol sa kanyang rejected credit card.

Base sa kumakalat na balita, hindi gumana ang credit card ni Claudine noong mamili ito sa isang drugstore sa Marikina kamakailan.

“Totoo, hindi gumana yung card ko. Extension ako ng dad ko, e. Hindi gumana.

“Sabihin na lang natin na merong gumamit na iba, na mahilig gumamit ng mga cards na hindi naman sa kanya,” makahulugang sabi ni Claudine.

May ibang taong gumamit?

“Oo, ibang tao na siya.”

Dagdag ni Claudine, cash ang ginamit niyang pambayad sa kaniyang pinamili sa naturang drugstore.


Hindi totoo ang balitang naghihirap na siya?

“Unless, inubos na niya,” ani Claudine, na tila ang tinutukoy na madalas gumamit ng kanyang credit card ay ang asawang si Raymart.


DON’T JUDGE. Sa kabila ng matitinding dagok sa kanyang buhay, nagpapasalamat daw si Claudine dahil may mga taong patuloy na naniniwala sa kanya.

Nakiusap ang aktres na huwag agad siyang husgahan dahil hindi raw biro ang mga pinagdaraanan niya bilang babae at bilang ina.

“Sa lahat ng humuhusga, sana wag tayo mabilis manghusga.

"Kasi hindi niyo alam kung ano’ng pinagdaanan ko at pinagdadaanan hanggang ngayon.

“Yung abuse and retaliations na sinasabi nila, mas matindi pala yun.

"Yung wala na nga diyan, pero hindi ka pa rin matatahimik. Yun yung mas nakakatakot.

“And I’m just trying my best to live my life and be a good mom.”

Umapela rin si Claudine sa mga taong sangkot sa ongoing legal battle nila ni Raymart.

Aniya, “Sana tuwing babatikusin nila ako, whether some people are judgmental, whether it’s family of Raymart and Raymart or my family—sana naiisip nila na sinisira nila yung very foundation na kumakarga kina Sabina at Santino ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ako lang ang nandiyan para sa kanila.

“So, kung meron silang goodness in their hearts, mga nanay din naman sila.

"Hindi normal itong ginagawa nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN