PEP EXCLUSIVE Part 2 Marjorie Barretto: "Nobody can bully Claudine. She is a very, very strong woman."

Para kay Marjorie Barretto, maayos ang kanilang pamilya bago nangyari ang lahat ng sigalot na ito: “Magkakabati kaming lahat. Kumpleto kami every Sunday. Kumpleto kami every week, hindi lang Sunday. Kumpleto kaming lahat. And talagang dumating si Claudine, to divide and conquer talaga."


Ikinasasama ng loob ni Marjorie Barretto ang pahayag na ito ng amang si Mike Barretto tungkol sa kaniya at ang kapatid na si Gretchen:

“Kung ikinahihiya nila ang Barretto’ng pangalan, huwag na nila gamitin.

“Gretchen can use Cojuangco, kung papayagan siyang gamitin ang Cojuangco. I doubt kung papayag naman si Tonyboy. Magpalit sila...

"Marjorie can use Padilla if she wants.

"Kung ikinahihiya nila ang Barretto, wala, wala akong magagawa.”

Ganito rin ang naging pahayag ng bunsong kapatid nina Marjorie at Gretchen, na si Claudine Barretto, sa presscon kahapon, Oktubre 1:

"Like I said, hindi ko na sila pamilya—and, sana, palitan na rin nila ang apelyido nila."

Si Gretchen ay magdadalawang-dekada nang partner ng billionaire-businessman na si Antonio "Tonyboy" Cojuangco Jr., habang si Marjorie ay limang taon nang legal na hiwalay sa asawang si Dennis Baldivia, na mas kilala bilang Dennis Padilla.

Sa pagpapatuloy ng exclusive phone interview kay Marjorie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na nangyari kagabi, Oktubre 1, naglabas ito ng saloobin sa naging pahayag ng ama at ng bunsong kapatid.

Aniya, “Have you ever heard me say na ikinakahiya ko ang apelyidong Barretto?

“I have never, ever, ever even thought of that.

“As a matter of fact, my daughters... Julia uses Barretto,” pagtukoy ni Marjorie sa kanyang pangalawang anak, na ngayo’y gumagawa ng sariling pangalan sa bakuran ng ABS-CBN.

Diin pa niya, “Hindi ko ikinahihiya ang apelyido ko.”

Pinasaringan ni Marjorie si Claudine sa naging pahayag ng huli tungkol sa pagpapalit ng apelyido.

Sabi ng dating konsehala ng Caloocan City, “Pero, huwag rin sana akong diktahan ng bunso kong kapatid, na palitan ko ang apelyido ko.

“Dahil nauna naman akong maging Barretto sa kanya.

“I have been annulled… and, you know, how insulting that my father would say na gamitin ko ang Padilla na apelyido.

“Oh my god, if my dad took notice of me, he would know that I have been annulled for five years already.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit uli ni Marjorie: “I am a Barretto.

“And, maybe, Claudine should be the one… because she is a Santiago. She is legally married to Raymart.

“Huwag naman nila akong sabihang palitan ko ang apelyido ko dahil, kahit bali-baligtarin natin ang mundo, I am a Barretto.”

Himutok pa niya, “Huwag naman, walang ganyanan. Bakit tayo napunta dito?

“Sagutin niyo ang mga alegasyon laban sa inyo.

“Are they trying to say that, by demonizing me, Gretchen, and J.J.—Claudine’s name, babango?

"Or she will become an angel?

“Hindi naman ganun ‘yon.

“’Huwag mo namang siraan lahat ng mga anak mo, dahil lang gusto mo bumango yung pangalan ng isang anak mo,’” mensahe sa ama ng ika-anim sa pitong anak nina Miguel at Estrella Barretto.



BULLIES AND THE FAVORED ONE. Tungkol naman sa pagtawag sa kanila na “bullies” ng ama, sagot ni Marjorie: “I have never bullied Claudine.

“My dad called us bullies.

"Nobody can bully Claudine. She is a very, very strong woman.

“Nobody can bully Claudine Barretto.

“Walang nagbu-bully kay Claudine.

“And my mom, and my dad, they know that. They know that.”

Inamin din ni Marjorie na nasaktan siya sa pahayag ng kanilang ama na “pinakamabait” si Claudine sa lahat ng kanyang mga anak.

Pahayag ni Mr. Barretto: “Alam mo, si Claudine, malaking ano, e... pinakamabait sa lahat sa kanila.

“At saka, binu-bully nila, e. Palagay ko, part of that is sibling rivalry.

"Because ang na-attain ni Claudine sa pagkabata, hindi na-attain nung mas matanda niyang kapatid na dalawa."

Saad ni Marjorie sa tinuran ng ama: “Kung sa tingin nila, mabait si Claudine, pinakamabait na anak, dahil sa financial considerations—pasensiya na kayo kung hindi ako naging ganun.

“Hindi ako nagkaroon ng… I was never… yung estado ng buhay ko was never enough.

“Ganun ba ‘yon? Ganun ba ‘yon? Dahil mas marami siyang naibigay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun ba ’yon? Or, dahil mas marespeto si Claudine?

“Huwag mong sabihing pinakamabait mong anak siya.

“At hindi namin siya binu-bully, at walang sibling rivalry dito.

“Insultuhin pa kami ng ama namin, na dahil mas marami siyang [Claudine] na-attain…

“Hindi ko naman talaga kinarir ang pag-aartista ko.

“Hindi ko naman ’yan passion. Hindi ko naman ikamamatay kung hindi ako sumikat.”

Kumpara sa kanyang mga kapatid na sina Claudine at Gretchen, maikling panahon lang ang itinagal ni Marjorie sa showbiz.

Bilang contract star ng Viva Films, gumawa ng ilang pelikula si Marjorie mula 1993 hanggang 1996. Kadalasan ay supporting roles ang mga ginampanan niya.

Kabilang sa mga ito ang Makuha Ka Sa Tingin (Kung Pwede Lang), Megamol, Forever, Dillinger, Anghel Na Walang Langit, Silakbo, Campus Girls, at Takot Ka Ba Sa Dilim.

Pagpapatuloy ni Marjorie: “This is not about sibling rivalry.

“At gaya ng sinabi ni Raymart, ‘Daddy, Mommy, alam ninyo ang totoo.’

“And I will just wait, I will just wait for it to come out in its own time.

“Pero, huwag ninyong sasabihin na parang sinasadya naming siraan si Claudine dahil hindi totoo ‘yan."



DRUG ADDICTION. Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Marjorie tungkol sa isyu ng drug addiction umano ni Claudine.

Paliwanag niya, “Everything has been submitted in the court.

“This is not according to Marjorie, Gretchen, J.J., or lahat ng tao na nakakaalam nito or nakakabasa nito.

“This is going to be up to just one judge.

“So, why are we holding press conferences left and right here? Hindi ba?

“Tapos, ang titirahin mo mga anak mo lang. Hindi ba?”

Pagpapaalala pa niya sa ama, “And I promise you, Dad, sabihan niyo na lang yung mga lawyers ni Claudine.

"Na huwag na lang banggitin ang pangalan ko sa mga kaso nila laban kay Raymart, para hindi ko kailanganing sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kapag kunwari in-implicate nila ako, they mentioned my name, tapos hiningi ng korte na sagutin ko ‘yon, di ba?

“Hindi naman ako puwedeng magsinungaling sa korte dahil ayokong… Perjury ‘yan, e, di ba?

“So, i-advise na nila yung mga lawyers ni Claudine, ‘O, sige, huwag niyo na lang banggitin si Marjorie, si Gretchen, or si J.J., para hindi sila mag-testify.’

“Dahil hindi namin gusto siraan si Claudine!

“Pero hindi kami puwedeng magsinungaling—korte na ‘yan, e.

“Tsaka, alam mo, you cannot fool people anymore. Matatalino na ang tao ngayon," sabi pa ni Majorie sa interbyu sa kanya ni PEP associate editor Erwin Santiago.

“You cannot fight evidence.”

Binatikos muli ni Marjorie ang pagpapatawag ng presscon ng kampo ni Claudine kahapon.

“Alam mo, kung hindi ka naman puwedeng magsabi ng totoo, di ba, huwag ka na lang magpa-presscon.

“Kasi, this presscon was basically to lambast other people.

“Hindi naman importante kung ano ang pag-uusapan ng tao. Hindi ang mga tao ang judge dito.

“You’re just giving everybody a reason to talk about you, and to give their opinions about you.”



COMMUNICATION. Sa huli ay tinanong ng PEP si Marjorie kung hindi na talaga sila nagkakausap ng kanyang mga magulang.

“I have been on good terms with my parents, until after what my mom did to Gretchen,” sagot nito.

Ang tinutukoy dito ni Marjorie ay ang ginawang pampublikong pagtatakwil ng ina nilang si Inday Barretto kay Gretchen upang kampihan si Claudine.

Patuloy ni Marjorie, “Kasi, alam mo, balang-araw, lalabas ang totoo.

“Si Gretchen, fall guy lang ‘yan, e. Fall guy lang ‘yan.

“Kumbaga, inaway lang siya para may pagtakpan na malaking bagay, malaking sikreto.

“Ginawa lang siyang pantakip, oo.

“Pero, after what they did to Gretchen... Sana, hindi na dumating yung panahon kung bakit tumigil na rin akong makipag-usap sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There were… basta, masyado kaming nasaktan.

“Alam mo kasi, wala kaming pagtatraydor na ginawa dito.

“Magkakabati kaming lahat. Kumpleto kami every Sunday. Kumpleto kami every week, hindi lang Sunday. Kumpleto kaming lahat.

“And talagang dumating si Claudine, to divide and conquer talaga.

“Pero… hay, malungkot! Ayokong magsalita…” pagpreno ni Marjorie sa kanyang sarili.

Sa huli, idinugtong niya, “Alam mo, gusto kong magdetalye, pero pag idinetalye ko ito, ikakasira nga ni Claudine, e.

“Ang daming naganap sa buhay ni Claudine, nagsalita ba ako? Inilabas ko ba ‘yon? Hindi naman, e.”

Tungkol sa kanyang ama, himutok muli ni Marjorie: “Pero, para lumabas ka sa TV Patrol, para palabasin mong masama kaming mga anak, na bully kami, siniraan mo kami.

“Bakit mo kami sinisiraan?

“Hindi naman gagaling si Claudine kapag siniraan mo kami, a.

"Hindi naman babango pangalan niya.

“Huwag nila kaming saktan.

“’Please naman, Dad, please. Please, enough of destroying the names of your other children just to save one child.’

“Because the truth will come out. The truth will come out.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN