Kris Lawrence on marrying Katrina Halili: “I’m willing to wait as long as the love doesn’t die...”

Parehong nagdadalawang-isip ang mag-partner na sina Kris Lawrence at Katrina Halili na manirahan sa Amerika. Ayon kay Kris, “She’s an actress—she makes a lot of money. Pag pumunta kami doon, start from zero. Nakikita ko ang sarili ko na maggo-grow ako dito sa Pilipinas. Saka masarap gumawa ng music for my kababayan.”


Planong mag-venture sa ibang field, gaya ng acting, ang singer-songwriter na si Kris Lawrence.

Balita niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, I’m taking workshops now for acting.

"And sana, one day, mabigyan ako sana ng kahit extra role.

“Maybe, it’s time for a chance and do something new, ibang level naman. Pero guesting-guesting lang muna.”

Alam ba ng GMA na gusto niyang umarte sa harap ng kamera?

“I don’t think so," tugon ni Kris, nang makausap namin siya sa parking lot ng GMA pagkatapos ng live airing ng Sunday All Stars noong Linggo, September 29.

Dagdag pa niya, “Siguro ipapaalam lang namin sa network pag nakumpleto ko na yung workshop at prepared na ako.”

HOLIDAY VACATION. Kasado na rin ang plano ni Kris at ng kanyang partner na si Katrina Halili kung saan sila magbabakasyon ngayong holiday season.

Gusto nina Kris at Katrina na sa El Nido, Palawan, mag-Pasko dahil malabo nang makalipad sila patungong Amerika kasama ang kanilang anak na si Katrence.

Sabi ni Kris, “Kasi wala kaming oras para mag-two weeks or three weeks vacation.

“Kung one week, siguradong bitin yun. Travel time alone, four days na yun.

“So, pagkatapos ng soap ni Kat, or mag-stop na yung promo ko sa album ko, we’ll take a vacation.”

Kabilang si Katrina sa cast ng GMA afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig?.




AMERICAN CITIZEN. Ang baby nina Kris at Katrina na si Katrence, o Katie, ay dito sa Pilipinas ipinanganak. Pero iba ang kanyang citizenship.

Kumpirma ni Kris, “Yes, American citizen siya kahit dito siya ipinanganak. Naayos na yun, pero hindi ko pa lang kinukuha.”

Si Kris ay American citizen at si Katrina naman ay nananatiling Filipino citizen.

Ayon kay Kris, kung gusto raw maging U.S. citizen ni Katrina, "We have to go to the States and stay there for six months at magpakasal kami sa States para magka-green card."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible bang magpakasal sila ni Katrina sa States, hindi sa Pilipinas?

Sabi ni Kris, “Feeling ko, dito. Kasi, parang ayaw niya doon.

"Dito kasi yung ano niya e... mas kumportable siya dito.

“Kasi nandito yung buhay niya. She’s an actress, she makes a lot of money.

“Pag pumunta kami doon, start from zero.”

Ayaw rin ba ni Kris magtagal at manirahan sa States?

“Ako kasi, kung ikukumpara ko yung buhay ko dito at sa States, dito ako, mas dito ako.

“I wouldn’t change my life with her by living back in the States. I love it here in the Philippines. I’m comfortable here.

“Nakikita ko ang sarili ko na maggo-grow ako dito sa Pilipinas. Saka I’ve lots of friends here.

"Saka masarap gumawa ng music for my kababayan. I feel I can do better here with music.”



WEDDING PLANS. Tungkol naman sa naging pahayag ni Katrina na magpapakasal lang daw siya pag 30 years old na siya, ano ang masasabi ni Kris dito?

“Thirty years old? Well, okay lang, I’ll wait.

"Sabi nila, pag mahal mo ang isang tao, dapat marunong kang mag-antay. Okay lang po yun.

“She’s twenty-six now and, yes, I’m willing to wait as long as the love doesn’t die, and I feel that love doesn’t die.

“What’s important, masaya kami, we raise Katie good.”

Madalas sabihin ni Kris na masaya siya sa estado ng relasyon nila ni Katrina, at hindi raw iyon nagbabago hanggang ngayon.

“In fairness, yes. Ngayon, sobrang smooth.

“Wala akong stress sa relationship namin. We’re happy, we’re strong as ever.

“This is the strongest we’ve ever been—masaya kami kay Katie. Yun!”

LOVERS’ QUARREL. Hindi ba sila nagkakaroon ng tampuhan o away?

“Nag-aaway kami, pero sobrang liit lang.

"Like, if I forgot to pick up something from the grocery, ‘Sabi ko sa iyo kunin mo ’yun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tampo lang ng three minutes, tapos lalambingin ko na lang. Then, tapos.”

Paano niya nilalambing si Katrina?

“Nagpapatawa ako. Kasi, yun ang kailangang gawin mo sa kanya para makalimutan niya [ang tampo].

“Patawa ka, kahit magmukha akong tanga... Yes! Okay lang.”

Dati na ba niyang ginagawa ito sa mga ex niya, o ngayon lang kay Katrina?

“Yes, I do. I’ll do anything for love.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN