Daisy Romualdez approves of sexy image for daughter Danita Paner: “Okey lang sa akin. Hindi naman all the time ay sweet siya.”

Ani Daisy Romualdez (kaliwa), pababayaan na niyang magdesisyon para sa sarili ang anak na si Danita Paner. “Malaki na siya, kaya na niyang magdesisyon para sa kanyang sarili. Basta tama lang ang ginagawa niya, hindi ako mangingialam. Alam ko naman na nasa mabuti na siyang kamay, kaya bahala na sila sa anak ko," saad ni Daisy.


Saksi ang dating aktres na si Daisy Romualdez sa contract signing ng anak na si Danita Paner sa Viva Entertainment.

Ginanap ang contract signing noong Lunes, Setyembre 30, kung saan napagkasunduaan na pamamahalaan ng Viva ang showbiz career ng singer-actress so loob ng limang taon.

Pagmamalaki ni Ms. Daisy sa PEP.ph (Philppine Entertainment Portal), “Sa tagal ko naman sa showbiz, alam ko naman kung kanino ko ibibigay si Danita.

“Kasi tingnan mo, sino ba ang big stars ngayon? Hindi ba ang mga alaga ni Vic del Rosario?”

Si Vic del Rosario, mas kilala sa showbiz circle bilang "Boss Vic," ang may-ari ng Viva Entertainment.

Patuloy ni Daisy, “Si Anne [Curtis], si Sarah [Geronimo]. O, wala na akong dapat pang isipin pa na dalhin si Danita sa iba kasi magaling si Vic. At saka si Sharon Cuneta, siya rin ang gumawa niyan."

Nagbalik-tanaw tuloy ang dating aktres noong isa siya sa mga pangunahing bituin ng Sampaguita Pictures.

Sabi niya, “Parang naalala ko tuloy sa kanya si Doc Perez noong araw. Ang tawag ko nga sa kanya ay ‘Star Builder.’”

Tinagurian din kasing “Star Builder” ang may-ari ng Sampaguita Pictures na si Dr. Jose R. Perez o Doc Perez. Kabilang sa iba pang pinasikat nitong artista noong 1950s at 1960s ay sina Susan Roces, Amalia Fuentes, Dolphy at Nora Aunor.

Kuwento pa ni Daisy, hiniling din daw ni Boss Vic si Danita sa kanya.

“Noong dumalaw kami kay Boss Vic last week, iba na ang tingin niya kay Danita.

“Sabi niya, woman na woman na si Danita, ‘Ibigay mo na nga ‘yan sa akin.’

“Kaya nang matapos ang kontrata niya sa TV5 at sa dati niyang manager, dinala ko na siya sa Viva.”



HANDS OFF. Ngayong nasa Viva na ang kanyang anak, ayaw na raw ni Daisy na makialam kung paano patatakbuhin ng Viva ang career ni Danita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging ang anak ay ayaw na rin niyang pakialaman sa mga magiging desisyon nito.

Aniya, “Malaki na siya, kaya na niyang magdesisyon para sa kanyang sarili.

“Basta tama lang ang ginagawa niya, hindi ako mangingialam.

“Ngayon, alam ko naman na nasa mabuti na siyang kamay kaya bahala na sila sa anak ko.

“Si Danita, sabi ko nga ay mature na siya. Mahaba na rin ang nilakbay niya sa career niya, kaya alam na niya kung ano ang gagawin niya.

“Pero, siyempre, bilang ina, hindi naman mawawala ang malasakit ko sa kanya. Nasa likod lang niya ako anytime na kailangan niya ako.

“Si Danita, dalaga naman na siya, gusto ko maayos ang buhay niya. Nasa edad na siya.

“Kahit naman noong nasa TV5 ‘yan, hindi ko ‘yan pinakikialaman.”

Kahit sa lovelife ng kanyang dalaga ay hinayaan na rin niya ito.

“Ako, I’m just here to support her,” seryosong sagot ni Daisy.

“Pero, sa akin pa rin siya nakatira.

“Pero, hinahayaan ko na rin siya. Sabi ko, ‘Anak, malaki ka na, bahala ka na sa buhay mo.’

“Yun nga lang, anytime na she needs me, I’m just around.



SEX APPEAL. Marami ang nagsasabing malakas ang sex appeal ni Danita. Payag ba si Daisy na i-package si Danita bilang isang sexy actress?

“Okey lang sa akin. Hindi naman all the time ay sweet siya,” walang kagatul-gatol niyang sabi.

“Hindi na panahon ngayon ng Sampaguita Pictures. Puro kami sweet noon, although minsan ay nagkukontrabida ako.

“Hay, naku, hindi na uso ngayon. Basta, bahala na si Boss Vic sa kanya.”



TINA PANER. Hindi nakaiwas si Daisy sa usisa ng press tungkol sa kanyang panganay, ang singer-actress na si Tina Paner.

Naging kontrobersiyal ito ilang buwan na ang nakararaan nang masangkot ang pangalan sa isang “fake plane ticket scam.”

(Read: Former teen star Tina Paner accused of selling fake plane tickets in Barcelona)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi naman ni Tina ang mga paratang sa kanya at sinabi pang siya rin daw ay naging biktima ng scam.

(Watch video below for Tina’s statements about the scam at 25:50)

Paliwanag ni Daisy, “Bihira na kaming magkita ni Tina kasi meron na siyang sariling apartment.

“Yun naman kasi ang dapat e.”

May balita kasi na nagsasabing may problema sa pagitan nilang dalawa.

Bulalas niya sabay pakiusap, “Ayaw ko munang magsalita tungkol diyan. May tamang panahon para magsabi ako ng totoo.

“Si Danita na muna ang pag-usapan natin, siya naman ang dahilan kung bakit nandito tayo lahat, di ba?

“This is not the right time. May oras para ako ay magsalita. Huwag muna akong magtaray."

Pero hindi pa rin naiwasan ni Daisy na ungkatin muli ang nangyari sa panganay niya.

Aniya, “Ako naman, pag sa mga anak ko, gusto ko ay maayos sila lahat. Gusto ko walang problema, walang inaapi.

“Wag naman ganoon. Kasi ako bilang ina, yung mga bagay na ‘yan, wag na munang buksan. Next chapter na lang.”

Tinanong naman siya tungkol sa naging relasyon noon ng Calla Lily lead singer na si Kean Cipriano at Danita.

(Read: Daisy Romualdez lashes back at daughter Danita Paner)

“Yung nangyari noon, ang sabi ko nga, napakabata pa ng anak ko.

“Sixteen lang siya noon. Bilang ina, ano sa palagay ninyo ang dapat kong gawin?

“Hindi mo maalis ang galit ko. Bata e, napakabata niya pa noon.

“Siyempre, lahat ay gagawin ko na bumalik siya sa akin.

Sabi pa niya, “Kaya ngayon, hindi maalis na pagsabihan ko siya, ‘O, ‘yan ba makakabuti sa iyo? Tama ba ‘yan o mali?’

“Basta umuwi lang siya na maayos, okey lang sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN