Ogie Alcasid says Mang Gerry is better but asks for continuous prayers for father-in-law

Tinitiyak daw ni Ogie Alcasid na iparamdam sa asawang si Regine Velasquez na lagi siyang nasa tabi nito ngayong may karamdaman si Mang Gerry, ama ni Regine.


Patuloy ang magagandang pangyayari sa career ni Ogie Alcasid.

Noong Agosto ay pumirma siya ng kontrata sa TV5 at tatlo ngayon ang shows niya sa TV network: ang Sunday show with Sharon Cuneta na The Mega and The Songwriter, ang gag-show na Tropa Mo Ko Unli at ang upcoming teleserye na The Gift.

Kaninang hapon naman, October 2, nag-renew ng kontrata si Ogie sa Universal Records ng tatlong taon at nakatakda raw siyang gumawa ng music album sa ilalim ng music label sa 2014.


STRUGGLE. Sa kabila ng magandang takbo ng career ni Ogie, dumadaan ngayon sa isang hamon ang kanyang pamilya dahil may karamdaman si Mang Gerry, ang tatay ni Regine Velasquez, asawa ni Ogie.

Kuwento ni Ogie tungkol kay Mang Gerry, “He’s still in the hospital. He’s been there for a month.”

Matatandaang noong pagtatapos ng Agosto ay nag-post si Regine ng pakiusap sa kanyang Instagram account (@reginevalcasid) na ipagdasal ang paggaling ng ama na sumailalim sa maselang operasyon.

Sa contract signing niya sa Universal Records ay hiningan ng update si Ogie sa kalagayan ng kanyang biyenan. “It’s a day-to-day thing," simula niya.

“When someone is ill in the family, it’s a day-to-day battle, so it’s very difficult to say he’s okay and he’s not.

"He gets better. He does get better.

"So the best thing to do really is to pray for him and the family. That’s why ganun yung tweet,” ani Ogie na tinukoy ang tweet ni Regine.

“And syempre, the more people who pray for Papa, the better.”

Dugtong ni Ogie, “It’s really hard for the family.”

Bilang asawa, tinitiyak daw ni Ogie na nasa tabi lang siya ni Regine upang magbigay ng suporta.

“It’s a struggle,” pag-amin niya.

Noong nakaraang Linggo, Setyembre 30, 2013, nanguna sa ratings ang grand finals ng The Voice of The Philippines ng ABS-CBN na tumapat sa The Mega and The Songwriter nina Sharon at Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Ogie na napakalakas ng katapat nilang reality-based singing competition na may franchise sa ibat-ibang bansa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Ogie, ipinabot pa niya ang pagbati sa tagumpay ng programa.

“I even tweeted about it,” aniya.

Nagiging proud daw kasi si Ogie kapag nakakapanood siya ng mga programang ipinapakita ang talento ng mga Pilipino.

Kaya naman sinisikap nila ni Sharon na bigyan ng ibang putahe ang manonood ng kanilang Sunday musical show. Inaamin din ni Ogie na malayo pa ang lalakbayin ng kanilang show para lalong makilala.

“We are competing with them, but ang layo-layo talaga. So, as I said, we’re still at the point where we’re trying get them [and be] aware.

“It’s a day-to-day campaign.

“If we can get more people to watch us even on a Sunday, [then] that would be nice.”


WELCOMES THE CHALLENGE. Alam ni Ogie na malaki ang pressure sa kanya upang magawa niyang mag-rate ang mga shows niya sa TV5.

“The pressure… I feel it. But it doesn’t stress me out. I like it,” paliwanag niya.

“Para kang nagsisimula ulit and I’m happy because the network is willing to listen; willing to do scenes na hindi normal.

“Wala ka nang nakikitang show na ganon,” pagtukoy niya sa show nila ni Mega.

“First of all, a musical show is not cheap and they paired me with Sharon Cuneta.

“Never in my wildest dream that I imagined it would happen. Sharon is still Sharon Cuneta, di ba?

“And being able to sing entire songs [with her], sa akin talagang ang sarap naman no’n.

“And I’m hoping that that would come across to our audience; that they start to appreciate it [in] the same manner that they appreciate also the other shows.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN