Richard Gutierrez’s arraignment for Reckless Imprudence Resulting in Homicide moved to November 28

Nakatakda sanang magkaroon ng arraignment ang apat na taon nang kaso ni Richard Gutierrez, ang Reckless Imprudence Resulting in Homicide, ngayong araw, Oktubre 3, ngunit nireschedule ito sa Nobyembre 28 dahil wala sa bansa ngayon ang aktor.


Nakatakda sanang magkaroon ng arraignment ngayong araw, Oktubre 3, sa 2nd Municipal Circuit Trial Court ng Silang-Amadeo, sa Silang, Cavite, ang dating Kapuso artist na si Richard Gutierrez.

Ang arraignment ay may kinalaman sa kaso ni Richard na Reckless Imprudence Resulting in Homicide, kaugnay ng pagkamatay ng personal assistant niyang si Nomar Pardo noong Mayo 22, 2009, sa Silang, Cavite.

Kasama si Pardo nang sumalpok ang minamaneho ni Richard na Nissan GT-R sedan sa isang poste ng PLDT at tatlong puno ng niyog sa Sta. Rosa, Tagaytay Road. Binawian ng buhay si Pardo sa aksidente.

(Read: Cavite chief prosecutor charges Richard Gutierrez with death of Nomar Pardo)

Pero noon pang Setyembre 23 ay nakapag-file na ang abogado ngayon ni Richard, na si Atty. Marie Glen Abraham, ng motion para ma-reset ang arraignment.

Si Atty. Abraham ang abogado rin ng girlfriend ni Richard na si Sarah Lahbati, sa kaso naman ng young actress laban kay Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films.

Sa pagpayag ng acting presiding judge na si Hon. Tomas H. Torneros Jr. ng nabanggit na korte, nailipat sa Nobyembre 28 ang petsa ng arraignment ng kaso ni Richard.

RICHARD UNABLE TO ATTEND. Ayon kay Atty. Abraham, hindi puwedeng dumalo ang kanyang kliyenteng si Richard ng arraignment dahil nasa U.S. ito ngayon.

“Even prior to the setting in court ng hearing ngayon, naka-schedule na siya,” ani Atty. Abraham sa pag-alis ni Richard.

Nakapanayam ang abugado ni Rommel Llanes ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Aubrey Carampel ng GMA News kanina.

Katunayan, naka-attach nga raw sa kanilang nai-file na motion ang plane ticket na nauna nang nai-book ni Richard, bago pa nagbigay ang korte ng petsa ng hearing.

Samantala, wala naman sa korte ang complainant sa kaso, na si Lorayne Pardo, ang biyuda ni Nomar, o maski ang mga abugado nito.

Paliwanag ni Atty. Abraham tungkol dito, “The complainant did not arrive because they were duly informed that we filed a motion for the resetting of the hearing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya siguro hindi rin sila um-attend, because they were informed na ire-reset na yung hearing.”

Nang tanungin kung ano ang magiging plea ni Richard sa kaso laban sa kanya, sumagot si Atty. Abraham na maghintay na lamang sa arraignment na mangyayari sa Nobyembre 28.

“I cannot say now, I don’t want to preempt.

"Pero, of course, let’s just wait for November 28, for him to enter personally his plea.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN