Coco Martin picks Gretchen Barretto as most memorable guest of Juan dela Cruz

Nang tanungin si Coco Martin kung sino ang pinaka-memorable guest ng Juan dela Cruz, sabi nito: "Si Ms. Gretchen [Barretto]. Sabi ko nga, e, para akong na-in love ‘ata!" birong-totoo ng aktor. "Kasi, napakaganda at napakabait niya. Noong makatrabaho ko siya, nung last day na, parang ayaw ko pang matapos, deep inside. Siyempre, lalaki ka, humahanga ka, di ba? Pero bukod po dun, na-surprise ako kasi hindi ko akalaing ganun siya kabait. Sa l


Magwawakas na ngayong Oktubre ang pinagbibidahang fantasy series ni Coco Martin sa ABS-CBN, ang Juan dela Cruz.

Sa mahigit siyam na buwang pag-ere ng programa ni Coco ay marami-rami ring mga naglalakihang artista ang nag-guest dito.

Ilan sa kanila ay sina Vice Ganda, Gretchen Barretto, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Jhong Hilario, Bugoy Cariño, at Jason Abalos.

Sa farewell presscon ng Juan dela Cruz kahapon, October 3, tinanong si Coco kung sino para sa kanya ang most memorable guest ng kanilang programa.

"Si Ms. Gretchen. Sabi ko nga, e, para akong na-in love ‘ata!" birong-totoo ng aktor.

Paliwanag niya, "Kasi, napakaganda at napakabait niya.

"Noong makatrabaho ko siya, nung last day na, parang ayaw ko pang matapos, deep inside.

“Siyempre, lalaki ka, humahanga ka, di ba?

"Pero bukod po dun, na-surprise ako kasi hindi ko akalaing ganun siya kabait.

“Sa lahat ng staff and crew, napakabait niya."

FAREWELL. Sa kabuuan, nalulungkot si Coco na malapit nang magwakas ang Juan dela Cruz.

Sa harap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, sinabi ng aktor na marami siyang mami-miss kapag natapos na ang kanilang pagte-taping at kapag nawala na sa ere ang Juan dela Cruz.

Pahayag ni Coco, "Oo, nakakalungkot dahil mami-miss ko nga yung bonding ng mga artista, yung mga staff, kasi nga pamilya ang naging experience ko dito.

"Talagang happy set siya.

"Pero sa kabila nga nito ay sobrang napagod kami, dahil almost every day ay for-airing kami.

“Marami na rin ang nagkakasakit sa amin, pero sabi ko nga, hindi kami nagpapapigil sa trabaho dahil naging inspirasyon namin ang bawat isa.

"Hetong Juan dela Cruz, halos lahat ng soap opera ko ay pinagsama-sama siya, e.

“Kadalasan, kapag hindi ako nagda-drama ay gumagawa ako ng action. Heto, parang combination ng lahat.

“Action, drama, minsan nagku-comedy, and meron ding love story... fantasy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, isa ito sa pinakamahirap na soap opera na nagawa ko."

Dugtong pa niya, "Masaya rin, kasi sobrang pagod talaga ang aming inaabot.

“Five to six days a week kami nagte-taping, at minsan six o’ clock na ng umaga kami natatapos kinabukasan.

“At minsan, aabot pa ng hapon... talagang grabe!

"Yung bonding namin ay isang matindi, na parang walang staff and crew, walang sa production, kundi bilang magkakapatid.

"Sabi ko, yun na nga lang siguro ang nagpapalakas ng loob namin, na nilu-look forward ko, na kahit pagod ka na sa set, pero ang saya-saya.

"Sabi ko nga, para akong nag-aaral.

“Kasi noong nag-aaral ako, gusto kong pumasok di dahil gusto kong mag-aral, kundi gusto kong ma-meet uli ang mga kaibigan ko.

"Dito sa Juan dela Cruz, gusto kong pumunta sa set kasi hinahanap ko ulit yung mga kaibigan ko, yung bonding namin.

“Lalung-lalo na yung mga kaibigan kong cameramen, audiomen, tapos mga artista."



EDUCATION AS ADVOCACY. Ano ba ang pinakamahalagang natutunan niya sa paggawa ng teleseryeng ito?

Sagot ni Coco, "Siyempre po, lalong tumindi ang bonding ko with the staff and crew... sa kapwa tao.

“Lalung-lalo na po na sa bawat kalahati ng pagkatao ko ay inilalaan ko dito.

"Kumbaga, marami rin akong natutunan dito sa Juan dela Cruz... nandun na yung pagtulong sa kapwa.

"Noong mag-meeting kami, bukod sa magandang reception na ibinibigay sa amin ng manonood natin, kailangang suklian din natin yun.

"Kaya nga naisip namin na sana ay magkaroon kami ng… para makatulong sa pag-aaral ng mga bata.

"Marami pa kaming plano sa Juan dela Cruz, at sana ay matuloy ang pagpapatayo namin ng eskuwelahan."

Paano siya nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan sa pamamagitan ng kanyang teleserye?

Ayon sa 31-year-old actor, "Klaro sa akin na nung pini-present sa akin itong soap opera ay kalahati nito ay para sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napalaking responsibilidad nito para sa akin, bilang isang artista.

“At alam ko na magiging isang magandang inspirasyon ako para sa kanila, hindi lamang sa pag-aaral kundi sa pang-araw-araw na buhay.

"Sabi ko nga, kapag napapanood ka at kapag hinangaan ka ng isang tao, ibig sabihin ay napakalaking obligasyon ito.

“Kasi, kahit anumang gagawin mong mali o tama ay yun ang susundan nila.

"Kaya nga, sa aking pagkatao at pang-araw-araw na buhay...

“Sana, hindi lamang bilang isang artista, kundi bilang isang ordinaryo na tao, sana ay nakakatulong ako nang maganda sa aking kapwa.

"At siyempre po, ginagawa ko ang obligasyon ko sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko—yun po ang sa akin."

Paano binago ng programa ang pananaw niya sa buhay?

Nakangiting sabi ni Coco, "Honestly, napakasarap po sa pakiramdam na alam kong nagiging inspirasyon ako sa mga manonood, lalung-lalo na sa mga kabataan ngayon.

"Sabi ko nga po, parang obligasyon ko, hindi lamang bilang tao at artista, pero hindi naman lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon o oportunidad.

"Para sa akin naman po, ito ay nagsilbi naman sa akin bilang isang gabay at nagkaroon ako ng awareness na mas lalo kong pagbutihin ang buhay ko.

"Mas maging careful ako sa mga ginagawa ko."



VETERAN CO-STARS. Pagdating naman sa kanyang career, isang malaking inspirasyon daw para kay Coco ang naibibigay sa kanya ng mga beteranong artista na nakakasama niya sa programa.

Sabi niya, "Ang dami kong pinaghuhugutan ng inspirasyon.

"Katulad sa Walang Hanggan, ang dami kong natutunan kay Tita Susan [Roces], kay Tita Helen [Gamboa], kay Kuya Goma [Richard Gomez], at Dawn [Zulueta].

"Ngayon, dito sa Juan dela Cruz, ang dami ko ring natutunan kina Tito Eddie Garcia at Albert Martinez.

“Siguro ako, ang pamamaraan ko ay lagi akong nakikipagkuwentuhan sa kanila. Nakikipagkaibigan ako.

"Ang daming bagay na natutunan ako sa kanila, e, sa pamamagitan ng kuwentuhan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami nilang pinagdaanan, na kahit hindi ko halimbawa maranasan, ay nararanasan ko na rin dahil sa mga kuwento nila.

"At kung sakaling makaharap ko ang mga yun, alam ko kung paano ko iiwasan o ano ang gagawin ko para hindi ako malagay sa alanganin o mapasama.

"Kumbaga, lagi ko pong sinasabi na inspirasyon ko po ang mga veteran actors na nakakasama ko sa aking soap opera o pelikulang aking ginagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN