Marian Rivera set to meet with GMA executives for her next primetime series

Dahil may kontrata pa si Marian Rivera sa Regal Films, kailangan niya ang pagsang-ayon ni Mother Lily Monteverde para makagawa ng isa pang pelikula sa Star Cinema. Pinayagan lang daw siyang gawin ang Kung Fu Divas dahil isa si Marian sa mga prodyuser ng pelikula.


Sa susunod na linggo na raw ilalatag ng GMA Network kay Marian Rivera ang una niyang teleserye sa panibagong kontrata na pinirmahan niya noong Agosto.

Gaya ng huling primetime series na ginawa niya, ang Temptation of Wife, isa ring heavy drama ang susunod na teleserye ni Marian.

“May inilatag na sila sa aking istorya ng soap opera. Siyempre, gusto nila yung the best para sa akin,” sabi ni Marian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa muli niyang pagpirma ng kontrata bilang endorser ng Talk ‘N Text kahapon, October 4, sa Smart Tower, Ayala Avenue, Makati City.

Sabi pa ng aktres tungkol sa susunod niyang teleserye, “Gusto nila yung gustung-gusto ko, so nag-finalize sila.

“Next week, kakausapin nila ako. Ilalatag nila kung anong klaseng soap talaga ang gusto ko."

Ayaw pang ibunyag ni Marian kung sino ang makakasama niya sa teleserye, pero first time daw niyang makakatrabaho ang kanyang magiging leading man dito.

“Meron nang nakalatag, pero unofficial pa kung approved na o hindi,” sabi ng Kapuso Primetime Queen.



MARIAN’S SITCOM. Ngunit bago ng kanyang teleserye, may sisimulan munang sitcom si Marian.

Pagbabalita niya, “Yung sitcom, approved na.

“Yung sitcom na gagawin ko, kakaiba. Ano siya, may halong konting sayaw.”

Ang Tweets for My Sweets (2012) ang huling sitcom na ginawa ng aktres sa Kapuso network.



BIGGEST MOVIE YET. Halata namang nasa cloud nine pa rin si Marian sa tagumpay ng Kung Fu Divas, ang pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas, na palabas sa mga sinehan ngayon.

Bukod sa pagiging bida sa pelikula, co-producers din sila ni Ai-Ai dito.

Kumusta ang experience?

Sabi ng actress-film producer, “Mukhang hindi ako madadalang gumawa.

"Siyempre, depende pa rin sa response ng tao kung ano ang magiging epekto ng Kung Fu Divas.

“Kung magiging maganda, siguro baka mag-part two kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masusundan ba kaagad ang pagpoprodyus niya ng isa pang pelikula?

Sagot ni Marian, “Naku, di na muna. Minsan, mahirap ding maging producer.

"Akala n’yo lang ganun kadali… ang dami mong kailangang i-sacrifice at isaalang-alang.

“For example, itong shooting na ‘to, pagod na pagod na kami ni Ate Ai, pero kailangan naming tapusin kasi.

"Kapag another day, another P1.5 million na naman ang kailangan naming ilaan.

“So, hangga’t kaya naming isiksik sa isang araw, dapat ginagawa na namin.”

Sa palagay ba niya ay ang Kung Fu Divas na ang pinakamalaking pelikulang nagawa niya?

“Biggest movie, oo. Kasi sa special effects pa lang, tapos special guests pa.

"Tapos, special tandem pa kami ni Ms. Ai-Ai delas Alas.

"Naka-tandem ko pa dito ang Star Cinema, tapos nag-produce pa ako dito.

“Siguro isa ito sa pinakamalaki… o ito na yung pinakamalaki para sa akin,” saad niya.



CONTRACT WITH REGAL. Kung nakagawa ng isang pelikula si Marian sa Star Cinema, na siyang nag-release ng Kung Fu Divas, nakatatlong pelikula na ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa film outfit ng ABS-CBN.

Kabilang sa mga pelikula ni Dingdong sa Star Cinema ay ang Segunda Mano (2011), One More Try (2012), at ang upcoming movie nila ni Bea Alonzo na She’s The One.

Masusundan pa kaya ang paggawa ng pelikula ni Marian sa Star Cinema?

“Depende kay Mother Lily,” mabilis na sagot ng aktres, pagtukoy nito sa Regal Films matriarch na may hawak na kontrata kay Marian.

“Siyempre, bilang respeto kay Mother Lily.

“Pinayagan lang niya ako dito dahil producer ako.

"Pero, still, kung anuman yung mga pelikulang gagawin ko, e, dadaan muna uli kay Mother Lily kasi may contract pa ako sa kanya.”

May dalawang pelikula pa raw siyang nakatakdang gawin sa ilalim ng Regal Films.

“Pero, at least, puwede naman mag-co-prod, di ba? Regal with Star Cinema or with GMA Films!” sabi ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN