Sharon Cuneta says KC Concepcion’s basher on Twitter is not from showbiz; still grieving half-brother’s death

Sharon Cuneta sets record straight on KC’s detractor on Twitter: “Yeah, we were talking about someone who’s not an artista. So, it was something na kami lang nakakaintindi. We were talking about one certain person na alam kong nagfa-follow sa aming dalawa, since ayoko siya i-text."


Nilinaw ni Sharon Cuneta na hindi artista ang tinutukoy niya sa Twitter na doble-kara kung makitungo sa anak niyang si KC Concepcion.

Nauna nang nailathala dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang palitan ng mensahe ng mag-ina noong Setyembre 7.

Base sa kanilang tweets, medyo ikinabahala ng Megastar ang bago pa lamang niyang nalamang pang-aagrabyado sa panganay na anak.

Anang Megastar: “@kc_concepcion: Kristina, why didn’t I know about that? Remember that one person isn’t one whole family.

“It’s sad that some people prefer to focus on what they insist is right and not on your good intentions. Ako na ang masasaktan.”

Hindi binanggit ni Sharon kung sino ang nakaalitan ni KC, kaya’t nagkaroon ng ispekulasyon kung taga-showbiz ang pinag-uusapan nilang mag-ina.

READ: Sharon Cuneta to KC Concepcion: "Next time you are bothered by anyone, direct them to me."


KC’S ULTIMATE DEFENDER. Ngunit sa press conference ng Madam Chairman ngayong Biyernes, Oktubre 4, klinaro ni Sharon na hindi artista ang tinutukoy niyang detractor ng anak.

“Yeah, we were talking about someone who’s not an artista.

“So, it was something na kami lang nakakaintindi.

“We were talking about one certain person na alam kong nagfa-follow sa aming dalawa, since ayoko siya i-text,” pag-amin ni Sharon sa panayam ng PEP at iba pang media.

Kinumpirma rin ni Sharon na hindi lang basta stalker o online basher ang pinasaringan niyang tao sa Twitter, kundi pareho nilang kilala ni KC.

Paglilinaw niya, “Hindi naman stalker. Sadly, mas kilala namin. Actually, kilala naming dalawa ni KC.”

Hindi naman daw big deal ang isyu. Pero ayon sa Megastar, pinakaayaw lang niya sa lahat ay iyong taong plastikada.

Bakit inaaway si KC ng taong ito?

Sagot ni Sharon, “It was a very little thing. Hindi inaaway. Yun nga, e, sana i-confront mo. Hindi yung sa harap, ok ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa huli ay prumeno ang Megastar at sinabing, “Baka sumikat pa, huwag na.”

Hindi ito ang unang pagkakataong ipinamalas ng Megastar kung gaano siya ka-protective sa kanyang pamilya.

Noong nakaraang taon ay ilang beses napaaway ang aktres sa Twitter, dahil sa pagsagot niya sa mga bashers ni KC.

Hindi raw talaga siya magdadalawang-isip na ipagtanggol ang anak kapag nalaman niyang inaagrabyado ito.

Aniya, “She’s my daughter, darling. Di ba? What would your mom do for you?

“And, my children are my world. Everything I do is for my kids.”


NOT REALLY A “PATULERA.” Ganunpaman, natuto na raw si Sharon kung paano harapin ang bashers sa social media.

Hindi na raw siya masyadong nagpapa-apekto kapag nakakabasa ng negative feedback mula sa kanyang Twitter followers.

Saad niya, “In the beginning, nagulat ako because I wasn’t raised like that.

“Sanay ako na, kapag may issue, i-confront mo ako.

“Hindi ako sanay sa binabastos. Hindi ako nabuhay ng gano’n. I’m sorry, that’s my reality.

“I think lahat naman tayo hindi nabuhay nang binabastos tayo, di ba? So, na-culture shock ako nung umpisa.

“Ngayon, I’m used to it. I just ignore, because I want to focus more on the people that matter, the people who follow you because they want to be updated on your work.

“They wanna know about your life. They’re inspired by you in one way or another.

“That’s what I need to focus on because that’s me, e.”

Sa kabilang banda, wala rin daw masama kung minsan ay ihayag niya ang totoong saloobin, lalo na kung kinakanti na ang kanyang pamilya.

“At saka, ano ba ang patol?

"If you make patol because you feel a loved one is being thrashed, I don’t think there’s anything wrong with that.

“Siguro ang mali ko lang, I try to speak some people’s language, not my language.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi naiintindihan yung language ko, so pinipilit ko.

“E, ngayon, hindi ko na ginagawa yun. Problema na nila yun. It’s not my problem anymore.”


STILL IN MOURNING. Samantala, noong September 29 ay ibinahagi ni Sharon sa kanyang Twitter followers ang tungkol sa pagkamatay ng half-brother niyang si Boyking Cuneta.

Sabi niya, “Sorry to have to leave you all for a little while on Twitter. Need to rest.

“There are way more important things in the world--amidst the meanness of people, the intrigues & questions & doubts--our loved ones are all that matter.

“My Kuya Boyking, the closest to me among my half-siblings, has died tonight.”

Dagdag ni Sharon sa sumunod na tweet: “How do I come to terms with this? Lord, comfort me, please. I have very little loving family left...

“Who will call me bunsoy aside from my Ate Titang now that my Kuys is gone? If my brother whom I fondly call ’BB’ gets to read this, I’m sorry for the bad news. I hope to see you."

Sa kabila ng kanyang pagdadalamhati, propesyonal pa ring hinarap ni Sharon ang reporters sa presscon ng Madam Chairman ngayon araw.

Hindi raw kasi siya yung tipong hindi nakakapagtrabaho kapag may pinagdaraanang problema sa buhay.

Paliwanag ni Sharon, “When my brother passed away, my eyes were namamaga. The very next day I went to tape for The Mega and The Songwriter.

“Ogie [Alcasid] prayed for me along with our staff. I was crying and crying, magang-maga, kinapalan na lang eye makeup ko.

“And then, ang sabi niya, ‘Pwede ka ba naming patawanin?’ Ang sabi ko, ‘Oo, para na niyong awa.’

"Kasi ba’t ko naman pabibigatin yung feeling ng audience natin? And my kuya wouldn’t like that.

“Because among my half siblings—from my daddy’s first wife, the original, my mama Neneng [Cuneta]—out of ten children, dalawa silang close sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung ate ko, nandiyan pa. So, Kuya Boyking, since childhood, basta mahal na mahal ko siya.”


NEVER SELF-DESTRUCTIVE. Nabanggit din ni Sharon na noon pa’y malakas na ang loob niya sa tuwing nahaharap sa mga personal na krisis.

Balik-tanaw ng Kapatid star, “Hindi ba, hindi ako self-destructive ever?

“When my first marriage broke up, nobody knew for two weeks. Nalaman lang kasi may nakasabay ako sa elevator na kaibigan ni Direk Lino Brocka, si Boy C. De Guia.

“Because every single day, I would come to work, do my thing, work well, ha.

“Kasi, I’ve always been like that. Work has always been my crutch.

“Yung parang, you lost someone, you lost something, you have to excel in what you know. This is all I know,” pagtukoy ng Megastar sa kanyang pagiging performer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN