Mariel Rodriguez defends Robin Padilla’s Instagram post calling for Senate President Franklin Drilon’s resignation: “Practice what you preach.”

Mariel Rodriguez supports husband Robin Padilla’s Instagram post against Senate President Franklin Drilon: “You should practice what you preach. Kung ikaw nagsi-sentensiya ka sa mga tao na dapat, a, pagbayaran yung mga nagawang mali, dapat ikaw rin. You shouldn’t be exempted from that, di ba?”


Gumawa ng ingay sa social media ang post ni Robin Padilla sa Instagram noong Oktubre 1, nang nanawagan ang aktor na mag-resign si Senate President Franklin Drilon dahil sa pagkakasangkot nito diumano sa pork-barrel scam.

Kalakip ng post ang isang digitally-altered photo na may mukha ni Drilon at may katawan ng baboy.

Ni-repost din ito ng asawang si Mariel Rodriguez sa kanya namang Instagram account, noong araw ding yun, October 1.

Sa panayam ng Aksyon ng TV5, sinabi ni Mariel na may mga tao raw na nagsabing "rude" ang kanilang post.

Aniya, “May ibang mga taong nagri-react, na it was so rude daw to post.

“Rude talaga, sabi ko, sorry for being rude, kasi rude din naman yung ginagawa nila. Dahil nagbabayad tayo ng buwis, tapos, di ba, nagkakalabasan na.”

Isa pang dahilan ng panggagalaiti nilang mag-asawa ay dahil si Drilon ang kalihim ng Department of Justice noong panahong ipinakulong si Robin sa kasong illegal possession of firearms noong 1995.

PRACTICE WHAT YOU PREACH.” Dagdag ni Mariel, “You should practice what you preach.

“Kung ikaw, nagsi-sentensiya ka sa mga tao na dapat, a, pagbayaran yung mga nagawang mga mali, dapat ikaw rin.

“You shouldn’t be exempted from that, di ba?”

Sa ngayon daw ay handa silang mag-asawa na maging spokespersons ng mga artistang galit sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Kuwento pa ni Mariel, “Marami namang who feel the same, but they’re just afraid.”

Aminado si Mariel na kinakabahan siya dahil baka raw balikan sila ng mga binabatikos nilang pulitiko, pero tinatanggap daw nilang mag-asawa ang mga risk dahil sa kanilang paninindigan.

Saad niya, “Alam mo, totoo, kanina noong papunta ako dito [sa Wowowillie], naisip ko na hindi kaya ako ang unang mamatay, na mabaril ako ng mga nakakaaway.

"Naisip ko talaga kanina, baka mabaril ako.

“Naku ha, kaya medyo noong papunta ako, medyo tumingin- tingin ako sa traffic, kasi baka bigla na lang akong mamatay. So yun, alam niyo na. Hindi, loko lang!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN